SECUNDUS SOMNIUM

2100 Words
Ipinarada ni Mayhem ang bisikleta sa harapan ng convenience store at siniguradong naka-lock iyon. Dati-rati ay hinahayaan lamang niya iyon sa labas ngunit dahil uso kasi ang nakawan ngayon, bumili na siya ng lock para doon. Hindi kasi niya ma-afford na mawala ang kaisa-isang bisikleta. Bukod sa isa iyon sa mga bagay na matagal niyang pinag-ipunan noon, malaking tulong din iyon sa pagtitipid niya sa pamasahe. Iyon din kasi ang ginagamit niya sa pagpasok sa eskwela. Kaya naman kahit pa halos matatanda na ang nakatira sa lugar kung saan nakatayo ang convenience store na pinagtratrabahuhan ay ayaw niyang basta lamang makampante. "Good morning, Mami Dan," nakangiting bati ni Mayhem sa isa sa mga amo na abala sa pagkukwenta sa harap ng counter. Nag-angat ito ng tingin nang mabosesan siya. Napangiti, agad na tinapos ang ginagawa at isinara ang perahan. "Ay, maganda ka pa sa umaga, anakshi." Natawa siya sa turan nito. Sinalubong siya nito ng beso sa magkabilang pisngi. "Buti na lang at palagi kang maaga dumadating." "Nasaan po si Mama She?" tanong niya nang hindi mamataan ang asawa nito. "Hay naku, may sakit ang labidabs ko 'day. Natipuhan ng germs. Hayun, at pinag-rest ko na lang sa house." Malungkot na ang ekspresyon nito bago hinubad ang suot na vest na kulay green na nagsisilbing uniform nila, at ipinapatong lamang sa kaswal nilang kasuotan. Iyon ang napiling uniporme ng mga amo niya upang makatipid sa oras ng pagpapalit ng damit. "At dahil nandito ka na, gogorabells na ako. Kailangan ko alagaan Mama She mo e." "Sige po ako na ang bahala dito. Ingat po kayo." "Thanks, 'day. Babalik ako mamayang hapon pag malapit ka na mag-out. And don't forget to remove the expired items ha. Ciao!" Tumunog ang maliit na bell sa pintuan ng convenience store nang lumabas na ito. Ang bell ang palatandaan sa tuwing may papasok o lalabas doon na customer. Pumasok siya storage room at kinuha ang sarili niyang vest uniform na nakasabit sa likod ng pintuan niyon. Isinabit naman niya roon ang dala niyang bag na naglalaman ng pamalit na damit. Dumako ang tingin niya sa larawan ng mag-asawang amo na nakasabit sa pader habang ibinubutones ang vest. Larawan iyon nang ikinasal ang mag-asawa. Parehas nakasuot ng gown ang dalawa at malaki ang ngiti ng mga ito. Natutuwa talaga siya sa pagmamahalan ng mga ito. Kahit pa parte ng gay community ang Mami Dan niya ay mahal na mahal nito ang asawa. At nagbunga ang pagmamahalang iyon ng isang anak na babae na pitong taon ang tanda sa kaniya at kasalukuyang nagtratrabaho sa ibang bansa. May ilang pagmamay-aring salon din ang mag-asawa. At ang convenience store naman na iyon ay ipinatayo ng anak ng mga ito bilang regalo noong 25th anniversary ng dalawa. Ngayon, kahit pa-singkwenta na ang mga ito ay matikas pa rin. Napakaswerte niya at ang mga ito ang naging amo niya, lalo na at noong nag-apply siya sa mga ito bilang part-timer ilang taon na ang nakakaraan ay hindi na siya hiningian ng ID ng mga ito. They completely trusted her, a stranger. Lumabas na siya at kinuha ang asul na kuwadradong lagayan ng malapit na ma-expire na mga supply. Gawa iyon sa matigas na plastic at may naka-print na "Expired" sa gilid. Sinimulan niya ang trabaho. Inisa-isa niya ang nga items sa istante. Masusi niyang tiningnan ang lahat ng expiration dates at isinusulat naman sa log book kung ano ang mga items na ubos na at paubos pa lamang. Tuwing katapusan lamang sila ng buwan nagki-clearance at madalas ay siya ang natotoka roon. Dahil tuwing weekends lamang siya nagtratrabaho, wala masyadong tao sa tuwing duty niya. Ngunit ayon sa kaniyang amo, tuwing weekdays ay dagsa ang mga high school students doon na karamihan ay apo ng mga matatandang nakatira sa lugar na iyon. Siya lamang talaga ang nag-iisang part-timer ng convenience store na iyon. At dahil nga may salon pang mina-manage ang mag-asawa na every week pinapuntahan ng mga ito upang i-check, ay naghahanap na rin sila ng isa pang part-timer na every weekdays naman papasok. Gusto sana niyang tulungan ang mag-asawa sa paghahanap, ngunit wala siyang mairekomenda na tao. Wala naman kasi siyang kaibigan sa eskwelahan. She had been invisible for the past four years. She always do things alone. Eats alone. She even did her thesis alone, kahit pa para sa group of five iyon. Sa tuwing nare-require nga siyang mag-recite ay palaging nagugulat ang mga kaklase niya. Tila lagi siyang bago sa paningin ng mga ito. Hindi talaga siya makapaniwala, na lumipas na pala ang apat na taon niya sa kolehiyo. At sa apat na taon na iyon, walang pangyayari na tumatak sa kaniya. Everything was boring and normal at school. It felt like she just need to get a degree to somehow make her life better. An indeed loner. Ngunit ayos lamang din naman sa kaniya na walang nakaka-alala sa kaniya sa eskwelahan. Wala siyang kaibigan, at wala ring kaaway. At sa pag-iisa niya, natutunan niyang mag-obserba. She saw how her classmates steal each other's works, how venomous smile can be, and how 'friendship' became a fancy term for stabbing people at their backs. That is why few people in her life is enough. Her bosses are enough. Her dogs are enough. Herself is more than enough. She decided to completely isolate herself from this evil, greedy world. Napakabilis ng panahon. Katapusan na ng Abril ngayon, at isang buwan na lamang ang bubunuin ay gagradweyt na siya sa kursong Mechanical Engineering. It was a very beneficial course for her. Her ice cream truck wasn't fully functional until five years after she started living there. Noong unang taon niya sa senior high school niya ay sinimulan niyang buoin ang truck na iyon. She got all the lacking parts from other cars at the graveyard and from mechanic shops that sell secondhand parts. Habang nag-aaral siya noong senior high ay pinag-aaralin din niyang bumuo ng sasakyan. And on her last year of being a high school student, as she completed her years to finally get a high school diploma, she also fixed her truck successfully. Kaya naman noong unang taon niya sa kolehiyo ay wala na siyang problema sa kuryente. Dahil may outlet sa loob ng truck na pwede niyang pagsaksakan ng ilang appliance. Nagsimula siyang mag-ipon ng ilang low-consumpting appliances tulad ng maliit na rice cooker, electric fan, at water heater. Ngunit dahil kailangan ng truck ng gasolina upang gumana, sinisigurado niyang mayroon siyang stock niyon at tinitipid niya ang paggamit sa kuryente. Isang beses lamang siya kung gumamit ng rice cooker. Iniisang saing lamang niya ang kanin niya para sa buong araw. Ang heater ay every three days lamang niya ginagamit kapag naubos na ang laman ng thermos niya. Samantala, ang electric fan ay ginagamit lamang kapag sobrang init sa gabi o di kaya'y dagsa ang lamok. Mayroon din siyang plantsa na ginagamit lamang din kung kailangan. Noong nakaraang taon ay ibinigay na rin sa kaniya ng mga amo ang luma nitong generator na gumagamit naman ng krudo. Aksidente kasi niyang nabanggit sa mga ito kung saan siya nakatira. Tinuruan siya ng Mami Dan niya kung paano gamitin iyon. Nagalit pa nga ang mga ito dahil sa hindi raw niya sinasabi ang estado ng kaniyang buhay kahit ilang taon na siyang nagtratrabaho sa kanila. They even checked her truck. At nagulat ang Mama She niya. Hindi makapaniwala sa ilang taong pamumuhay niya sa gitna ng kawalan. She couldn't forget that day after she told her the she's living in the wild... "Sheila, get in to the car, love. We'll go to May's house." Hindi mapigilan ni Mayhem ang pagkurot sa sariling braso. Ngayon lamang niya nakitang seryoso ang Mami Dan niya habang isinasara nito ang convenience store. "Mama She—" her voice is trembling. She never let anyone see her truck before. At kinakabahan siya sa ekspresyon ni Mami Dan. She could not comprehend its meaning. "Honey, it's okay. Don't worry. Ipapakita mo lang sa amin. Wala kaming gagawing iba. You know you can trust us, right? Just like how we trusted you." Punong-puno ng assurance ang boses ng ginang at tila ba unti-unting namumuong bikig sa lalamunan niya. Nahihirapan siyang magsalita. "Shiela! Come on!" Nauna nang sumakay sa sasakyan si Dan. "May, honey." Sinapo ng ginang ang magkabilang pisngi niya. "Show it us, okay? We will follow your lead." Napatango-tango na lamang siya. Sumunod na ang ginang sa asawa nito at sa pagsakay niya sa sariling bisikleta, narinig niya ang pagbuhay ng makina ng sasakyan. Sa katunayan ay nahihiya kasi siya sa mga ito. Sobra-sobra na ang ibinigay na tulong ng mga ito sa kaniya. At sa tinagal-tagal niyang nagtratrabaho sa mga ito, sigurado siyang mag-aalala ang dalawa kapag nalaman kung saan siya kasalukuyang nakatira. Sa bawat pag-pedal niya sa bisikleta ay ang pagpatak ng kaniyang mga luha. It was the very first time that she cried. Kahit noong pinalayas siya sa ampunan ilang taon na ang nakakaraan ay walang luha ang namutawi sa kaniyang mga mata. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon. At ang mga luha niya ay hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa wakas, makalipas ang napakaraming taon, naramdaman niyang may mga taong concern sa kaniya. Tila ambilis ng mga pangyayari. Mabibilis ang sasakyan sa paligid niya na halos ang maliliit na puti at pulang kulay ng headlight na kamang ang nakikita niya, kahit na mabagal lamang ang kaniyang pag-pedal. Everything is blurry. The sound of the train from a distance, the trees, the faint chirping of the birds. Kulay kahel ang langit dahil sa papalubog na araw. Isn't it intriguing? How the start and end of the day has the same color but depicts a different meaning? How an orange sunrise is hope and a new start, and an orange sunset is solitude, and sometimes, sadness? But this sunset is different. It doesn't give off a lonely vibe. Instead, she is hopeful. It has given her hope, that tomorrow maybe a different day. That tomorrow could be a thing that she might look forward to. She is at ease. At nang bumaba siya mula sa kaniyang bisikleta, maluwag ang kaniyang paghinga. Wala na ang mga luha, malumanay. Narinig niya ang pagparada ng sasakyan ng mag-asawa. The friction of the stopping tires and pebbles on the ground is giving her ear a slightly rough sound. It felt like she can hear its texture. Her senses are sharp as ever. Narinig niya ang pagbukas at sara ng pintuan ng kotse, tanda na bumaba na ang mag-asawa mula roon. Nagpatiuna siyang maglakad nang hindi nililingon ang mga ito. Maliit na ang daan, hindi na kasya ang sasakyan kaya naman kailangan na maglakad. Bisikleta o motor na lamang ang kasya sa makipot na daang napaliligiran ng matataas na d**o at ilang malahiganteng mga bato. At pagkatapos ng ilang minuto nilang paglalakad ay narating nila ang maliit niyang sangktuwaryo. Kita sa mata ng mag-asawa ang sari-saring emosyon. Astonishment, awe, admiration. Isa lang ang hindi niya nakita: awa. Ipaparada pa lamang sana niya ang bisikleta nang yakapin siya ng mag-asawa. Nabitawan niya iyon at bumagsak sa malilit na bato. Namilog ang mga mata niya sa pagkabigla. Iyon ng kauna-unahang pagkakataon na may yumakap sa kaniya. Hindi niya namalayan ang muling pagbagsak ng mga luha. Ito pala ang init na dulot ng yakap. The warmth is causing her tears to escape from her eyes. Naramdaman niya ang pagsapo ng Mama She niya sa magkabila niyang pisngi. Tulad niya, tumutulo rin ang luha mula sa mga mata nito. Ang Mami Dan niya ay nakatalikod sa kanila ngunit alam niyang umiiyak din ito. Nakatungo ito at maramahang gumagalaw ang mga balikat. “May, anak. Bakit hindi mo sinabi sa amin na sa ganito ka nakatira? This place is dangerous for a girl like you. Maaari kang saktan ng ligaw na hayop. Paano kung may ibang tao na bigla na lamang magpunta rito at gawan ka ng masama?” May bahid ng prustrasyon at galit ang boses ng ginang. Pinagagalitan siya nito. And it was the best feeling ever. Imbis na sagutin ang tanong ng ginang ay niyakap niya ito nang mahigpit. So this is the feeling of someone’s concern. She had been longing for it all her life. “Honey, if you ever feel you are alone. That there’s no one who you could share these thing; your secrets, your sorrows, or your fears, we are here. Daniel and I. You are also a member of our family. Always remember that.” That night, Mayhem realized something. That there are people out there who can give you light despite your years of darkness…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD