DUODECIMUS SOMNIUM

1500 Words
Tila hindi na maramdaman ni Mayhem ang buo niyang katawan. Namamanhid siya. Maging ang hita niya na kanina ay napakasakit at panay ang pagdudugo, hindi na rin niya maramdaman. Ang nararamdaman na lamang niya ay pagod. "Bumalik ka," hindi niya maiwasang komento sa lalaking dahilan rin kung bakit nangyari sa kaniya ang bagay na iyon. Alam niyang maaaring iwan na naman siya nito sa isa pang Night Terror. O ipakilala pa sa mas nakakatakot na nilalang. Who knows. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito. At mas lalong hindi niya alam ang kaya pa nitong gawin. Pero sa totoo lamang, she actually feels safe right now that he's here. Pakiramdam niya ay mas ligtas siya na kasama ito, kaysa mag-isa siya sa kung saang lugar. Was that wrong? Ewan. Hindi na niya alam. Nilalabanan na lamang kasi niya ang pagod na nararamdaman. Ang mga mata niya ay unti-unti nang napapapikit. She's slowly getting really sleepy. Tinatangay ng antok ang kaniyang isip. "And I might regret it later," walang emosyon na sagot nito. His words may be harsh, his stares may be cold, and his expression may be stoic, but he embraced her as if something will hurt her again. He embraced her to protect her. Nang marating nila ang sasakyan ay ibinaba siya nito sa passenger seat na para bang isa siyang mamahaling porselana. Porselana. Nakakatawa ang salitang iyon. Kung hindi lamang nga siya pagod at inaantok, baka tumatawa na siya nang malakas ngayon. Parang kanina lamang kasi ay halos isalampak siya nito sa upuan ding iyon. Tapos ngayon, para na siyang babasagin na porselana? She found that ironic situation funny, but she's just too tired to laugh... or to just even smile. Masakit ang buong katawan niya, at kahit simpleng pagngiti, nakadadagdag na rin sa sakit. Nang maisara nito ang pinto sa gilid niya ay umikot ang lalaki sa kabilang bahagi ng sasakyan at sumakay sa driver's seat. "Maraming dugo sa hita ko..." wala sa sariling sabi niya. "Marami ring dugo sa sahig kanina..." Mukhang nilulukob na siya ng hilo at kung anu-ano na lamang ang basta lumalabas mula sa bibig niya. "You are a human. Of course you will bleed." Nakita niya hinubad ng lalaki ang coat at kurbata nito saka binuksan ang dashboard shelf. Kumuha ito ng maliit na swiss knife doon, saka walang pag-aalinlangan na sinira ang coat nito upang ipang-ampat sa pagdudugo ng napuruhan niyang hita. "If I am a human, then why can I see those creatures?" Hindi siya nito tiningnan, bagkus itinali nito ang kurbata nito sa paa niya upang maampat din ang pagdudugo niyon. "Hey," pagtawag niya sa atensiyon nito nang hindi ito sumagot kaagad. Doon ito tumingin sa kaniya. Patagilid itong sumandal sa sandalan ng driver's seat. Nakaramdam siya nang kaunting pagkailang sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. "Because you somehow gain the ability of a Walker," sagot nito. "Remember how you took your first step at the Fright City? Last week?" Saglit itong nag-isip. "No, not last week. It was last year." "Fright City?" Napaisip din siya. "Ang tinutukoy mo ba ay iyong itim at puting lugar? Fright City? Iyon ba ang tawag roon?" Tumango-tango ang lalaki. "The moment you took that first step in hopes to save that boy, you gained awareness. You made a small c***k on the Loop. The Fright People even saw you for a second. Do you know how dangerous was that? No Neutral can wander around Somnium Mundi." "Slow down, please. I am trying to take in all that information." Nahilot niya ang sentido. Sumasakit iyon, hindi niya ma-absorb ang lahat ng mga impormasyon na sinasabi ng lalaki. "So I belong in the Neutrals? Ano ba ang kayang gawin ng isang Neutral? What is this Somnium Mundi? And what do you mean when you said 'last year'?" Tila sa bawat pagbukas ng labi ng lalaking ito upang sumagot, mas lalo lamang nadadagdgan ang mga katanungan niya. Para bang hindi siya nito binibigyan ng sagot, binibigyan siya nito ng mas marami pang katanungan. "Somnium Mundi is the dream world in general. Iyon ang tawag sa mundong pinanggalingan ko. Somnium Mundi has only two countries: Beatitudo, the country of bliss, and Dolorem, the country of sorrow. Each country has three different cities. I won't enumerate them to you, but you've been to one. The Fright City. It's a city under Dolorem." "How about my other questions?" "I said 'last year' because that's the amount of time that had passed in Somnium Mundi. A week here may be a year there or so." "Ibig sabihin mas mabilis ang oras doon?" "No. The concept of time does not exist there. That's why no one ages in Somnium Mundi. You can look young forever, if you want." Umayos na ito ng pagkakasandal. Ang mga mata nito ay sa labas na ng sasakyan nakatutok. "Neutral can cross Somnium Mundi without the need to be a Walker. Pagkagising nila makakalimutan din nila na napunta sila sa Somnium Mundi. And they will try to remember that dream, when the truth is they will never, ever, remember that they've been in Somnium Mundi. That is why it is called Neutral. Nasa gitna. You can cross, on two worlds, but you can't wander around Somnium Mundi, because as I told you earlier, being a Neutral does not necessarily need that you need to be a Walker. You are a Neutral that belongs to the world of Reality, not a Walker." Napatango-tango siya. Kung gayon, iyon pala ang dahilan kung bakit tila parang nakapako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya noong nasa Fright City siya. Kaya rin siguro nagalit ang lalaking ito noong makahakbang siya at makapagsalita. She somehow broke a rule. May isa pang umusbong na katanungan sa isip niya. Kung talagang Neutral siya, bakit naaalala niya ang mga nangyari sa Fright City? Iyong una niyang panaginip kung saan hinalikan siya ng lalaking kaharap, naaalala pa rin niya paggising niya. Kahit hanggang ngayon. Considering na hindi pa siya Walker ng mga panahon na iyon. Naikonsidera lamang siyang Walker, noong ikalawang panaginip na niya kung saan sinubukan nga niyang tulungan iyong binubugbog na bata. Somethings still does not add up. Parang may kulang pa rin na hindi niya matukoy na kung ano. Does that mean that she was a Walker all along? Hindi lamang niya alam? Gusto rin sana niya iyong itanong sa lalaki ngunit pinigilan na niya ang sarili. She need to take everything slow. Nagsisimula nang sumakit ang ulo niya sa dami ng impormasyon, at nagsisimula na ring manumbalik ang hapdi sa kaniyang napuruhang hita. Isa, mukhang masyado na siyang maraming ibinabatong tanong sa lalaki. Baka bigla na lamang itong makulitan sa kaniya, magbago ang isip, at hindi na siya sagutin. "Are you satisfied with my answers?" Tanong nito bago binuhay ang makina ng sasakyan upang tuluyan nang umalis sa lugar na iyon. "Yes, but..." "But?" Tanong nito. "I do have one last question for you," aniya. Pinaglaruan niya ang mga daliri niya. Doon lamang niya napansin na pati siko at palad niya ay puro gasgas din. "Spill it," sagot nito habang ang mga mata ay nakatutok sa kalsada. Medyo mabilis ang pagpapatakbo ng binata sa sasakyan kaya naman inayos niya ang seatbelt niya. "Why did you come back?" Tanong niya. "Why do you want to know?" Balik na tanong nito na hindi man lamang siya tinapunan ng tingin. Diretso ang tingin nito sa daan. Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Why?" Hindi niya ito tinigilan. "Why did you come back for me when you are the sole reason why I was at that horrible place? What made you change your mind?" Nang apakan nito ang preno ay halos mapahiyaw siya sa gulat. Mabuti na lamang talaga at inayos niya ang seatbelt niya. Kundi ay baka nangudngod na siya sa dashboard, at baka mas nadagdagan pa ang mga injury niya. Tumigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Sa gitna ng kawalan. Puro puno at matataas na d**o ang nasa paligid. "Hey, bakit tayo tumigil?" Nagtatakang tanong niya habang panaka-naka ang pagtingin sa labas ng sasakyan. Saktong paglingon niya rito ay lumingon din pala sa kaniya ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga tingin. Hindi niya mabasa ang kahulugan ng tingin na iyon, ngunit napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Huy—" tatawagin sana niya ito sa pangalan nito nang may mapagtanto siyang isang bagay: hindi niya alam ang pangalan ng lalaking kaharap niya ngayon. "I came back to give you this." Kumunot na rin ang kaniyang noo sa sinabi nito. "To give me what— hmp!" Namilog ang kaniyang mga mata. Hindi na niya natuloy ang iba pa niyang sasabihin nang supilin ng lalaki ng mapusok na halik ang labi niya. Mapanudyo iyon... mapaghanap. At unti-unti, bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata. What's happening to me? Pilit niyang pinipigilan ang pagbagsak ng talukap ng kaniyang mata. But suddenly, her dizziness intensifies. Hanggang sa tuluyan na siyang napapikit at nilamon ng kadiliman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD