Anong... anong klaseng nilalang ito?
Para itong isang malaking buhay na laman. Walang mukha, walang balat, at labas ang lahat ng mga ugat. Wala itong eksaktong hugis at maihahalintulad niya sa isang bubble nginuyang bubble gum. Ang meron lamang ito ay isang kamay na may matatalas na kuko, at isang napakalaking bibig na may hindi mabilang na matatalas ring mga ngipin.
Nang una niya itong makita kanina ay halos magimbal siya. Ang tumutulo pa lang dugo sa braso niya magmula sa bubongan ay nanggagaling sa dala-dala nitong tao na putol na ang isang kamay.
"T-tulong—"
Buhay pa ang dala-dala nitong babae. Nanghihina ito at panay ang pag-agos ng luha habang nakatingin sa kaniya. Nanghihingi ito ng tulong, ngunit para lamang siyang natuod sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin.
Umangat ang kamay nito na para bang gusto siyang abutin. "T-tulungan mo ako, p-pakiusap—"
Hindi na niya narinig ang mga susunod pa nitong sasabihin. Dahil walang habas na kinagat ng halimaw ang ulo na ito na para bang isa tansan na natanggal mula sa isang babasaging bote. Dinig na dinig pa niya ang pagkabasag ng bungo ng babae sa loob ng bibig ng halimaw. Tuluyan siyang napasalampak sa maduming semento nang makita ang nangyari sa babae.
Tumilamsik pa ang dugo nito sa kaniyang mukha dahilan nang hindi niya napigilan pagsigaw. Takot na takot siya. At kasabay nang pagsigaw niya ay ang pagtubo ng dalawang paa mula sa halimaw. Tumalon ito patungo sa direksyon niya.
Nagmamadaling gumapang palayo si Mayhem mula sa kakaibang nilalang.
Ngayon lamang siya nakakita nang ganoong klaseng kahindik-hindik na bagay sa buong buhay niya. Kahit halos takasan siya ng lakas ay pinilit pa rin niyang maalis ang cable tie sa kamay niya.
Ngunit ang mas nagpagimbal sa kaniya ay nang tumubuan ito ng napakaraming mata na pare-parehong lumuluha ng dugo. Ngumiti sa kaniya ang nilalang hanggang sa nauwi iyon sa pagtawa. Kakaiba ang tunog ng tawa nito. Matinis iyon at talagang napakasakit sa tenga. Tumawa ito bago harap-harapang isinilid sa napakalaki nitong bibig ang buong katawan ng walang buhay na babae.
Tila ba sarap na sarap ang halimaw. Dinig pa niya ang mga nagsisibaliang-buto ng babae.
Nagsimulang mangilid ang luha sa kaniyang mga mata at maingat na tumayo. Hindi siya papayag na kahinatnan niya ang kinahinatnan ng babaeng kinakain ng halimaw ngayon. Kung mamatay man siya, hindi ngayon, at mas lalong hindi sa ganitong paraan. She does not want to be a food for a giant, living flesh.
Ni isang segundo, hindi niya inalis ang mga mata niya sa halimaw na abala sa pagkain. This was once a human... right? Parang hindi siya makapaniwala na dating isang tao ang halimaw na ito.
Maingat siyang humakbang paatras... Paatras pa... palayo sa halimaw. She needs to escape from this monster. At nang iilang metro na ang layo niya rito, mabilis niya pinagana ang mga paa at walang lingon-likod na tumakbo palayo.
Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas mula sa abandonadong ekswelahan ay pumulupot na sa kaliwang paa niya ang isang laman na parte ng halimaw. Humaba ang isang parte ng laman nito. Tama nga ang lalaki kanina. Night Terrors can take any form.
Hinatak nito ang kaliwang paa niya dahilan upang bumagsak ang buong katawan niya sa maduming semento. Muntik nang tumama ang mukha niya roon, mabuti na lamang at naitukod kaagad niya ang kaniyang mga kamay.
"Hindi— Hindi!" Tuluyan na siyang pahigang kinaladkad ng halimaw pabalik sa pwesto niya kanina. Halos umangat ang katawan niya sa ere dahil doon. Malayo pa lamang ay kita na niya na diretso siya sa bibig ng nakangiting halimaw.
Hindi pwede! Hindi pwede! Agad niyang hinablot ang doorknob ng pinto na kaniyang dinaanan. Pilit siyang hinatak ng halimaw.
"Agh!" Halos yakapin na niya ang buong pinto huwag lamang mapabitaw doon.
Ngunit anong laban niya sa napakalakas na halimaw na iyon? Unti-unti dumulas ang kaniyang mga kamay. Humigpit pa ang pagkakahawak ng laman ng halimaw sa kaniyang paa, mas naging malakas ang paghatak nito.
"No! No, please!" Umiiyak niyang sabi habang unti-unting nabibitawan ang pinto. At nang tuluyan na siyang napabitaw, muling sumalampak ang katawan niya sa maruming sahig. Halos magkandagasgas ang mga siko at palad niya sa paghahanap ng makakapitan. Kahit sa sobrang bilis ng mga pangyayari Isang kahoy na may nakausling matalas at nangangalawang na bakal ang nahablot niya. Dati iyong parte ng isang upuan.
At nang eksaktong didiretso na siya sa malaking at nakangangang bibig ng halimaw, ay isinaksak niya ang bakal sa isa sa mga mata nito.
Iyong nga lang ay nadali pa rin nito ng kagat ang isang hita niya. Napasigaw siyaw sa sobrang sakit. Mas ipinagsaksakan pa niya ang bakal sa mata nito hanggang sa mabitawan siya nito. Matinis at nakabibingi ang naging pagsigaw ng halimaw. Dahil sa ginawa niya, tila mas nagalit pa ito.
Bagsak sa malamig na sahiy ang nanghihina na niyang katawan.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata at pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman. Ramdam niya ang pagtulo ng maliliit na butil ng pawis mula sa kaniyang sentido. Kahit na sumisirit na ang dugo mula sa hita niya ay pilit pa rin siyang gumapang palayo. Nagsimulang manlabo ang kaniyang paningin. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaniyang mga luha, sa sakit na iniinda, o sa unti-unting pagkaubos ng kaniyang dugo.
Someone... Anyone... Please, save me.
And on her most helpless moment, she saw a guy running from a distance. Tumatakbo ito patungo sa direksyon niya.
***
Humigpit ang hawak ng lalaki sa manibela. Madiin nitong naapakan ang preno. Ang isip niya ay nasa babaeng iniwan niya sa abandonadong eskwelahan kanina. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalinlangan.
He had sent so many people on their deaths before. So why is he hesitating now? This is just one of those normal missions for him, right?
So why? Why is he still here? He should be in Somnium Mundi right now. Not in a remote place like this.
Kahit balikan niya ito, paniguradong patay na ito ngayon. Tatlumpong minuto na rin ang nakalipas. Sigurado siyang natutunaw na ngayon ang katawan nito sa loob ng katawan ng halimaw.
Tila bumalik sa isip niya ang halik na ibinigay niya rito noong una itong sumulpot sa Fright City. She's clearly a Neutral. Neutrals are those kind of people who can somehow travel in Somnium Mundi without being an actual Walker. They can travel the dream world, but couldn't wander around. They will perceive Somnium Mundi—his world— as some kind of a new dream. Iyong klase ng panaginip na nakakalimutan din paggising.
Iyon ang kaibahan nito sa Normal. Normals can't travel Somnium Mundi at all. Their dreams are mainly centered on their memories. Ang kadalasang panaginip ng mga ito ay ang nangyari sa araw nito, mga taong may kinalaman sa buhay nito; ang buong buhay nito. Iyon ang dahil kung bakit natatandaan pa rin ng mga ito ang napapanaginipan pagkagising.
Normals are just deeply attached to Reality.
Ni hindi niya alam kung bakit niya hinalikan ang babae. She looked so confused that time. At hindi niya alam ang pumasok sa utak niya, at gusto niyang dagdagan pa ang kalituhan ng babae. He wanted to tease her even more, that's why he gave her one.
That girl was under the suspicion of being an Exceptis because of what happened a week ago. She gathered awareness and tried to help a little boy. She even took a step, for fvck's sake. Who Neutral can do that? No one. That's why he was ordered to kill her; na ngayon ay pinag-aalinlanganan niya!
Maybe she's not dangerous. Maybe, the Regno was wrong. When he kissed her...
Natigilan siya. Why the hell is he trying to vouch her just because of that kiss?
At ang mas hindi niya maintindihan ay kung bakit niya minaniobra ang sasakyan pabalik sa pinanggalingan!
"Fvck!" He grunted.
He is going to get killed after this. That's for sure. Kapag nalaman ng Regno, ang sarili niyang ama, na hindi niya ito sinunod at hindi ginawa ang misyon na iniutos nito, paniguradong siya ang ipapapatay nito.
Tsk! This makes his head ache.
Mas inapakan pa niya ang accelerator at pinaharurot pabalik ang sasakyan niya. At dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya, hindi nagtagal ay nakabalik rin siyang kaagad sa daan patungo sa abandonadong eskwelahan. Nagmamadali siyang bumaba mula sasasakyan dahil hindi na iyon kasya sa daan. Tinakbo niya ang lumang eskwelahan at nadatnan niya ang halimaw na may nakasaksak na bakal sa isang mata. Habang ang babae naman ay nakasalampak sa sahig at matindi ang pagdudugo ng isang hita.
Nagtama ang mga mata nila ng babae. At nang makita siya nito ay agad itong napangiti. Pagod na napangiti; na para bang masaya ito na makita siya.
Ilang beses siyang napamura. Why is there a relief on her face when he's the one who took her on that fvcking place. He hates it. He hates how she looked at him as if he is some kind of hope. He isn't hope. He's a nightmare.
Kumuha siya ng ilan pang matatalas na bakal at iyon ang ginamit upang patayin ang halimaw. Ngunit ilang beses din iyon na nanlaban. He dodge the monster's attack effortlessly.
Fvck, he can't really use his abilities in Reality. Isa siya magaling na hunter sa Somnium Mundi. Pero sa mundong ito, para lamang siyang isang normal na tao. Mas mabilis lamang at mas maliksi.
Pero ang totoo niyang madali lamang naman pumatay ng Night Terror. Ang susi lamang doon ay ang malabanan mo ang takot mo kahit ano pang hitsura ang ipakita nito. Night Terrors are fed by negative emotions. Kaya habang mas natatakot ang isang tao ay mas lalo itong lumalakas.
Paulit-ulit niyang binugbog sa saksak ang halimaw. Hindi man niya magamit ang totoo niyang abilidad sa mundong ito, naroroon pa rin naman liksi at lakas niya. Bawat pagsaksak niya ay ang nagreresulta sa mga nakabibinging pagsigaw ng halimaw na tanging mga Walker lamang ang makakarinig.
Hanggang sa tuluyan na itong bumagsak. Kumalat ang malapot nitong dugo sa sahig hanggang sa unti-unting naagnas ang katawan ng Night Terror. Unti-unti na ring nawala ang nakasusulasok na amoy sa paligid. Iyon ang amoy ng nabubulok na katawan.
Technically, isa na kasing patay ang isang Walker na naging Night Terror. Once a Walker becomes a Night Terror, their heart will stop beating, but their mind will continue to function. They will be forever in a combined cycle of hallucinations and memories. Pero dahil wala silang alam kung ano ang realidad sa panaginip, kung ano ang totoo sa hindi, hindi rin nila alam na patay na sila. Hindi nila alam na patay na ang pisikal nilang katawan.
Technically, ang mga Night Terror ay parang zombie na nasa loob ng isang pang habang buhay na panaginip.
Binuhat niya ang wala nang lakas na babae. Nagtama ang mga mata nila ngunit siya ang unang nagbawi ng tingin. There is something on this girl... something. An unknown force that is constantly pulling him. Mula pa noong una niya itong makita sa Fright City. Parang may sumikdo sa kaloob-looban niya. Para bang may ginising ito na kung ano roon.
And that stirred up his curiosity. Gusto niyang malaman kung ano iyong nabuhay sa loob niya. Was it a feeling? No that can't be. He can't feel emotions. He is not capable of feeling anything.
Kaya nga walang epekto sa kaniya ang Night Terrors. Kasiyahan? Kalungkutan? Takot? Hindi niya nararamdaman ang lahat nang iyon. And that made him the greatest Venandi of this millenium.
Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa damit niya kasunod nito ang pagpalahaw nito ng takot na takot na pag-iyak. Nagsumiksik ito sa kaniya. Doon niya naramdaman ang panginginig ng buong katawan nito.
"Umuwi na tayo, please." Umiiyak na sabi nito. Humigpit ang yakap nito sa leeg niya.
Hayun na naman. Hayun na naman ang pagsikdo ng kung ano. Was it his heart?
"Yeah, we will," aniya bago nagsimulang maglakad palayo sa lugar na iyon.