Bumuka ang bibig ni Mayhem na para bang may gustong lumabas na mga salita mula roon. Ngunit agad din iyong tumikom.
Ilang segundo siyang napatitig sa lalaki. Bakit pakiramdam niya, nagsasabi ito ng totoo? Kita niya iyon sa mga mata nito. Tila bawat salita na sinabi nito, nagsusumigaw ng katotohan. Wala ni katiting na bahid ng kasinungalingan sa mukha nito, nasisiguro niya iyon.
Pero bakit? Bakit hirap na hirap siyang maniwala rito? Ang isip na rin niya ang sumagot sa tanong na iyon. Wala naman kasi matinong tao ang magsasabi ng lahat ng sinabi nito sa kaniya ngayon-ngayon lang. Walang normal na tao ang magsasabi niyon.
These Night Terrors, Dream Walkers, whatsoever, all of them sounded like a pigment of a child's imagination.
"That's not true. Imagination isn't related to the subconscious mind. When you imagine, you voluntary think of scenarios that may or may not happen. Sometimes, you even manipulate your own memories, or even the stories from other people's memories. That's imagination. But the Subconscious is otherwise. You can't manipulate it because you aren't even aware that it's there, in the first place. It is like a memory bank of involuntary thoughts. All of your memories—whether you remember them or not—is being stored there. And those manifest a lot of things, like dreaming."
"Ibig sabihin... hindi ka totoong tao? Na nasa isip lang kita? Are you even real? Or I'm just seeing things in my mind?"
"Yes... and no."
Lalo siyang nalito. "What does that even mean?"
"Yes, I'm real. Physically. Hindi kita madadala rito kung hindi ako totoo. You can see me, you can touch me, and you are even talking to me right now. At the same time, I can fade whenever I want to, because I belong to Subconcious. And no, you aren't just seeing things. I may not seem real here, my words may not make any sense to you, but that's because I do not belong in Reality. Alam kong iniisip mo na nababaliw ako, because that will make more sense to you. Monsters aren't real, and I am just being crazy. I bet that's what you are thinking right now, because that's the most common reaction of people in this world. But we were always here." Itinuro nito ang sarili nitong sentido. "You aren't aware, but we do. Since the beginning of time."
Kumunot ang kaniyang noo. Para bang nabasa nito ang iniisip niya. Manghuhula ba ang lalaking ito?
"No. Certainly not a fortuneteller, but yes. I can read your mind. I am a pigment of everybody's subconscious mind, afterall. I can read everyone's mind. And that includes you."
Napatitig na lamang siya sa lalaki. Maniniwala ba siya sa mga sinasabi nito? Who knows if he's telling the truth or not? She's been living in Reality all her life. She, of all of the people, knows how this world revolves. Danas niya ang Realidad buong buhay niya. Kaya kung totoo man ang sinasabi nito, hindi niya iyon kayang lunukin kaagad.
Napatingin ang lalaki sa langit nang tuluyang lumubog ang araw. Kulay mapusyaw na ube na ang langit, ngunit hindi pa tuluyang nagdidilim.
Tumayo na ang lalaki at pinagpagan ang suot nito. Itinago nito sa magkabilang bulsa ng suot nitong itim na slacks ang mga kamay nito. "Expect that the Night Terrors will come for you. They can be easily lured to a place full of negative emotions." Napatingin ito sa paligid. "A place like this one."
"Will... will it be painful?" Magiging masakit ba ang kamatayan niya? If she's going to die, she wants to die in peace. Iyon naman ang gusto ng lahat, hindi ba? Ang mamatay nang walang nararamdamang kahit anong sakit.
No. She does not even want to die yet. Kaya bakit siya nag-iisip nang ganito? She needs to live. Para sa mga aso at sa mga halaman niya. Para kina Mama She at Mami Dan.
"Yes." Walang emosyon na sagot nito. "Night Terrors may be shapeless, but they can take countless form when exposed to enough negative energy. They can grow sharp nails, millions of teeth, or whatever they need to devour you."
"Kaya mo ba ako dinala rito?"
"Yes." Walang kaabog-abog nitong sagot. "Any more questions? You are the one and only Walker who asked if death by Night Terrors is painful. If you are lucky enough, they might devour you instantly without having the need to bite you. That way, you will die in an instant without feeling so much pain. But that's rare. Night Terrors are known to be rabid cryptids."
Dapat pa ba siyang makaramdam ng kakaunting pag-asa sa sinabi nito? Dapat na ba siyang humiling na kung totoo nga ang lahat ng sinasabi nito, sana ay kainin na lamang siya ng buhay ng mga halimaw na sinasabi nito? At paanong hindi siya magtatanong kung masakit ang kamatayan? Lalo na kung buong buhay niya ang nilaan niya para maka-survive sa mundong ito.
"If no, I shall take my leave." Tinalikuran na siya nito at akmang aalis na. "Oh, before you die, I want you to know something." Tumigil ito sa paghakbang at muling tumingin sa kaniya. "I enjoyed the kiss."
I enjoyed the kiss...? He enjoyed what? Namilog ang mga mata niya nang ma-realized ang tinutukoy nito.
Ang halik sa panaginip niya!
"S-saglit lang!" Pagtawag niya rito ngunit hindi na ito muling lumingon.
Paano nito nalaman ang tungkol sa halik na iyon?! Gayung wala naman siyang pinagsasabihan niyon, miski na sina Mami Dan at Mama She. Kaya nga gulat na gulat siya nang unang beses na makita ang lalaking ito sa convenience store.
Kung gayon, talaga nga palang nagsasabi ito ng totoo? No... that can't be. Her mind just wants to reject everything.
Napatitig na lamang si Mayhem sa papalayong bulto ng lalaki. Habang papalayo ito nang papalayo ay paliit nang paliit ang pigura nito. Hanggang tuluyan na iyong mawala sa dilim. Pinatalas niya ang pandinig niya. A few seconds later she heard a faint sound the car engine. Pahina iyon nang pahina hanggang sa tuluyan na niyang hindi marinig iyon.
Iniwan na nga siyang talaga ng lalaki sa nakatatakot na lugar na iyon.
"YES!"
Hinihingal pang bulalas ni Mayhem nang magtagumpay siyang matanggal ang pagkakatali sa katawan niya. Butil-butil ang kaniyang pawis sa noo at nanginginig pa ang mga kamay. Ngayon, ang kailangan na lamang niyang maalis ay ang cable ties sa mga kamay at paa niya. Hindi, kahit nga sa paa na lamang niya. Ang gusto lamang niya ay makatakbo kaagad palayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung gaano katagal na oras na ang lumipas. Basta't pagkaalis na pagkaalis ng lalaki ay sinimulan na niyang alisin ang pagkakatali nito sa kaniya.
Tuluyan na ring nagdilim ang langit ngayon.
"Ump, shît—" Napaigik siya sa sakit habang buong lakas na inaalis iyon. Mahapdi at nagsisimula nang magdugo ang kaniyang mga paa. Dahil tuluyan nang nahiwa ng cable ties ang balat niya sa sobrang higpit niyon.
"Ano ba! Matanggal ka na, please! Please— Agh!"
Sa pagpupumilit niya ay nawalan siya ng balanse at tumalintaw mula sa upuan. Halos tumaob ang upuan. Mangiyak-ngiyak siya nang tumama ang buong katawan niya sa maduming semento, lalo na ang kaniyang pisngi. Padapa siyang bumagsak, at ramdam na ramdam niya ang lamig at magaspang na tekstura ng semento. Nanunuot ang lamig niyon sa kaniyang balat.
Ni sa panaginip, hindi niya nakita ang sarili niya sa ganitong sitwasyon. Marami na siyang napagdaanang sitwasyon sa buhay niya na nakaramdam siya ng pagka-helpless. Marami na siyang napagdaanan na mahihirap din na sitwasyon; iyong lubhang mas mahirap pa sa kasalukuyan niyang pinagdadaanan. Pero iba ang pakiramdam niya ngayon, sa hindi malamang kadahilanan ay awang-awa siya sa sarili niya.
Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, saka sinubukang bumangon. She grunted upon trying. At nang saktong maibangon niya ang kalahati ng kaniyang katawan, may kakaibang tunog siyang narinig. It was like a simultaneous sound of squelching and aggressive chewing. Kasunod niyon ay isang nakakasulasok na amoy. Hindi niya alam kung amoy patay na daga ba iyon, basta't talagang nakasusulasok. Para bang amoy iyon ng isang naaagnas na hayop.
Gumapang ang kakaibang kilabot sa buong katawan niya. Nanlalamig siya, takot na takot.
What the hell was that?
Nagmamadali niyang inabot ang cable ties sa kaniyang paa. Sunud-sunod ang naging pagtulo ng kaniya luha. "Ano ba! Maalis ka na!" Nanggigigil na sabi niya at pilit iyon na tinatanggal.
Something is out there. Something odd. Something... dangerous. Hindi niya alam kung ano. Basta't may kakaibang nangyayari sa lugar na ito na hindi niya kayang ipaliwanag. Kaya naman ininda niya ang sakit, at gamit ang buo niyang lakas ay nagtagumpay siya na maalis ang cable tie sa paa niya.
Ngunit saktong naalis niya ang mga iyon ay tila tinakasan naman siya ng lakas. Tila tinakasan siya ng dugo mula sa mukha.
Namutla siya nang may pumatak na dugo sa braso niya. Nanggaling iyon mula sa itaas mismo niya. Tumigil na ang kakaibang tunog, ngunit mas lalong lumakas ang nakasusulasok na amoy. Para bang napakalapit lamang sa kaniya ng pinanggagalingan niyon.
There was a complete silence. It was like a sign that something worst is about to happen.
Tumayo ang lahat ng kaniyang balahibo nang sunud-sunod ang naging pagpatak ng dugo sa may braso niya. Nagsimulang manginig ang labi niya habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa malapot at mapulang likido na iyon. Buong kalamnan niya ay kinain ng kilabot. Something is above her. But she's too scared to look up and see what it is. She's too scared to move.
Unti-unti... unti-unti ay tumingala siya. At nang makita niya kung ano iyon, isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ng kaniyang lalamunan.