NONUS SOMNIUM

1600 Words
Mayhem struggled. Pilit niyang inaalis ang kamay ng lalaki na nakatakip sa bibig at ilong niya. Nagpumiglas siya, sinbukang kumawala. Ngunit ipinalibot pa nito ang mala-balak nitong braso sa kaniyang bewang. Tila ba unti-unting nawawala ang lahat nang lakas niya dahil doon. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Ito na ba ang katapusan niya? Kidnapping ba ito? Ngunit bakit naman siya kikidnapin? She literally have nothing. Walang bahay, walang pera, at higit sa lahat, walang kaaway. She had been invisible all these years. At sigurado siya sa sarili niya na wala siyang inapakan na tao para magtanim ng galit sa kaniya. At itong lalaking ito, ni hindi nga niya ito nakilala sa buong buhay niya, until a week ago. Teka nga lang... Bakit hindi pa rin siya nakakatulog ngayon? Doon niya napagtanto na wala naman palang panyo ang kamay nito na katulad ng mga napapanood niya sa pelikula. Mukhang tinakpan lamang nito ang bibig niya upang hindi siya sumigaw. "Stop struggling," halos manayo ang lahat ng balahibo niya sa buong katawan dahil sa mainit na paghinga na iyon ng lalaki sa kaniyang tenga. Namilog ang mga mata niya nang naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere. Binuhat siya ng lalaki, at walang habas na isinalampak sa passenger seat ng sasakyan. Mabilis nitong ini-lock ang mga pinto pagkaupong-pagkaupo nito sa driver's seat. Nagsumiksik siya sa may pagitan ng pinto at ng upuan palayo. "Sino ka? At saan mo ako dadalhin ha?" Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi sumagot ang lalaki. Tikom ang labi nito at ni hindi man lang nag-abala tumingin sa kaniya. Basta binuhay lamang nito ang makina at pinaharurot palayo roon ang sasakyan. Ang mga mata nito ay nakatutok lamang sa kalsada. Tulong. Kailangan niyang makahingi ng tulong. Kahit magsisigaw siya sa loob ng sasakyan na iyon, wala namang makakapansin dahil tinted and bawat salamin niyon. Tama, cellphone. Ang cellphone niya. Kahit may panginginig sa kaniyang kamay ay nakuha pa rin niya kalkalin ang eco bag na dala niya. Kailangan niyang matawagan sina Mami Dan at Mama She, o ang mga pulis. Basta't kung sinuman ang makatutulong sa kaniya! Doon na siya binigyan ng pansin ng lalaki. Walang pag-aalinlangan nitong hinablot ang eco bag niya at itinapon iyon sa likurang bahagi ng sasakyan. Namilog ang mga mata niya nang magkalat sa upuan at sa sahig ng sasakyan ang mga gamit na lamang niyon. "Ano ba ang problema mo?!" Inis na sigaw niya. "Don't do anything stupid..." saglit itong lumingon sa kaniya ngunit mabilis ding ibinalik ang mga mata nito sa kalsada. "And useless." "Stupid and useless?" Pagak siyang natawa. "Kahit sinong normal na tao kung may bigla na lamang susulpot sa harap nila na hindi naman nila kilala, isasalampak sila papasok sa sasakyan, at dadahil sa kung saang lupalop man ng mundo!" "But you aren't normal." Natigilan siya. "Anong sabi mo? Teka nga, ano ba ang atraso ko sa iyo? Sa pagkakaalala ko, ni hindi naman tayo magkakilala. At saan mo ako balak dalhin ha?" Napasilip siya sa labas ng bintana. Nagsisimula nang magdilim. Ang kulay kahel na langit ay paunti-unti nang nagiging kulay ube. "You need to be killed," walang emosyon na sabi nito. Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. Napakadali lamang lumabas ng mga salitang iyon mula sa bibig ng lalaki. Ngunit sa totoo lang, halos ikadurog iyon ng puso niya. Ilang taon na niyang sinusubukan... She tried her best to live a happy life all these years. She did her best to survive all the challenges that this greedy, selfish world had been constantly throwing on her. Pero ngayon? Kailangan na niyang mamatay? For what damn reason? Mas humarurot pa ang sasakyan dahil sa pag-apak nito sa silinyador. Mabilis tuloy niyang naikabit ang seatbelt. Hindi na siya pamilyar sa lugar kung nasaan sila. Puro puno na lamang ang nakikita niya sa paligid. Wala na ring kalsada. Bagkus, isang masukal na damuhan na ang dinadaanan nila. Ilang taon na siyang nakatira sa car graveyard. Dapat ay sanay na sanay na siya sa ganitong klase ng kapaligiran. Ngunit iba ang nararamdaman niya ngayon. Halu-halong kaba, takot, at pangamba. Ito ang klase ng lugar na kapag pinatay ka, wala nang makakahanap sa bangkay mo. Tumigil na ang sasakyan. Pinanlakihan siya ng mga mata nang hablutin ng lalaki ang mga binti niya. Kumuha ito ng mahabang cable tie sa loob ng dashboard shelf at pilit na itinali ang mga paa niya. "Bitawan mo ako, ano ba!" Pilit niyang iniwas rito ang mga binti niya mula rito, ngunit talagang malakas ang lalaki. Hindi. Hindi pwede ganito na lang ito. Ang dami-dami niyang sinakripisyon para malagpasan lahat ng pagsubok ng makasariling mundong ito. Hindi niya hahayaang mabalewala lamang lahat nang iyon. "Pakawalan mo ako!" Mataas ang boses na sabi niya. Hindi siya nito pinansin. Kaya naman kusang umangat ang isa niyang kamay at ginawaran ito ng pagkalakas-lakas na sampal sa pisngi. Sa sobrang lakas nga ng impact ng palad niya sa pisngi nito ay halos bumaling iyon sa kabilang direksyon. Matalim ang mga mata nito nang muli siyang tingnan. Bumakat sa maputi nitong pisngi ang palad niya. Bahagya siyang kinabahan sa klase ng tingin na ibinigay nito ngunit hindi pa rin siya nagpatinag at mas nakipagtitigan pa lalo rito. Patatagan na lamang iyon ng loob. "I said stop doing something useless," malamig na sabi nito bago hinigpitan ang cable ties. Napaigik siya. Sa higpit niyon ay halos bumaon na ang cable tie sa balat niya. Ganoon din ang ginawa nito sa mga kamay niya. Pilit pa nga niyang binabawi ang kamay niya ngunit hindi siya nagtagumpay. Nang matapos ito ay bumaba ang lalaki mula sa sasakyan, binuksan ang pintuan sa gilid lamang niya, at binuhat siya sa balikat nito na para bang isang sako ng bigas! Mahilo-hilo siya sa ginawa nito. Para bang dumadaloy ang lahat ng dugo niya patungo sa ulo niya. "Ano ba! Magdahan-dahan ka nga sa paglalakad! Nahihilo ako sa iyo e." Paulit-ulit niyang pinukpok ang likod nito gamit ang magkatali niyang mga kamay. Hindi siya pinakinggan ng lalaki. Basta tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Hindi niya alam kung gaano katagal "silang" naglakad. Basta't nang tumigil na ang lalaki, isang hindi kaaya-ayang lugar ang narating nila. Isang abandonadong eskwelahan iyon. Wala na ang bubong niyon, gumuguho na ang pader, at magulo ang pagkakapatung-patong ng kinakalawang nang mga upuan. Isinalampak siya ng lalaki sa isa sa mga maduduming upuan na naroon. Saglit itong bumalik sa sasakyan at pagbalik nitong muli sa kaniya, may bitbit na ito na lubid. Lumuhod ito sa harapan niya at sinimulan siyang itali sa upuan. "Papatayin mo ba ako?" Lakas-loob na tanong niya. Napatigil ito sa pagtali sa kaniya sa upuan at diretsong napatitig sa kaniya. "Me? No." Umiling-iling ito at ipinagpatuloy na ang ginagawa. "But the Night Terrors will." Kumunot ang noo niya sa huling sinabi nito. "Night Terrors?" Naghatak ito ng isa pang upuan sa at naupo sa may tapat niya. "Yeah. Night Terrors. Fallen Walkers. They will smell you, and will eat you alive. That way, I won't need to stain my hands with your blood anymore." Lalo niyang hindi maintindihan ang mga sinasabi nito. Night Terrors? Fallen Walkers? Ano ang mga iyon? Huwag mong sabihing nababaliw na ang lalaking ito? "Wala akong naintindihan sa mga sinabi mo," aniya. Prente itong sumandal sa upuan. Pinagkrus pa nito ang mga binti. "Since you're going to die anyway, let me enlighten you. There are two different kinds of World: the Reality, and the Subconscious. In Reality, there are three kinds of people: the Normal, the Neutral, and the Greedy. However, in the Subconscious, there are a lot. They aren't people. But they are called as Dream Walkers, and Walkers have different variations. And one of those variations are called Night Terrors." Tigalgal siya sa mahabang sinabi nito. Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking ito? "Night Terrors were once Walkers who turned into monsters for losing the grasp of difference between reality and dream. They are shapeless, living flesh monsters who eats other walkers. They are living hallucinations that appear every night to eat. Normal people can't see them. But Walkers like you, can. So once the sky turned completely pitched black, you must get ready. They will come for you." Ilang segundo ang lumipas bago naproseso ng kaniyang utak ang lahat ng mga sinabi nito. Ngunit miski isa sa mga iyon, hindi niya pinaniwalaan. Napangiti siya, hanggang sa ang ngiting iyon ay unti-unting naging isang malakas na pagtawa. "Naka-drugs ka ba? Nag-aadik? Ano?" Natatawa niyang tanong. "Masyado ka na yatang maraming napanood na fantasy movie. Bawas-bawasan mo iyan, aba," biro pa niya. Unti-unting nabura ang ngiti niya nang makita ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki. His expression is cold and stoic. Sa ekpresyon pa lamang na iyon, alam na niya na walang halong biro sa lahat ng sinabi nito. Hindi ito nagsisinungaling. Pero hindi pa rin siya naniniwala. Siguro'y isang takas sa mental ang lalaking ito at napagdiskitahan lamang siya dahil sa minsang pagtanggap niya ng ice cream mula rito. Iyon nga rin siguro ang dahilan kung bakit wala itong kahit isang gamit sa kuwartong inuupahan nito sa boarding house ni Nanay Peng. Baka nga isa lamang itong baliw na nagtatago sa pamilya nito. Tama, iyon na lamang ang iisipin niya sa lalaking ito. At least, hindi siya papatayin nito. Pwede siyang tumakas kapag umalis na ito. "I can assure you, Sir. I am just a Normal being. Just a random citizen." Pakikisakay na lamang niya sa sinabi nito. "So why must I be killed?" Tanong niya. The guy leaned forward. "Because you are under the suspicion of being the most dangerous Walker of this century."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD