OCTIVUS SOMNIUM

1405 Words
"Huy, anakshi," napapitlag si Mayhem sa pagtawag na iyon ni Mami Dan. "Okay ka lang?" Kunot ang noo na tanong nito. "Tulaley ka na naman." "Oo nga, anak? Okay ka lang ba? Ilang araw ka na naming napapansin na nagkakaganiyan ah?" Tanong naman ni Mama She na abala sa pagpupunas ng mga mesa. Kinuha ni Mami Dan ang barcode scanner mula sa kamay niya at ito na ang nag-asikaso sa customer na kanina pa pala nasa tapat niya. "Pasensya na ho kayo, Nanay Peng. Natutula itong part-timer ko dahil sa mga kaganapan sa university niya. Graduating na kasi," pagsasalo sa kaniya ng amo niya. "Sorry po," pahingi niya ng paumanhin. Tumawa lamang ang matandang babae. Suki na talaga ito ng convenience store nila, ngunit minsan lamang personal na bumili doon, dahil madalas, ang apo na lamang nito ang inuutusan nito. "Ayos lang iyon, Dan," sabi nito. "Iyong apo kong si Mik-mik, ay naku, ganiyan na ganiyan din kapag nai-stress sa schoolworks niya. E nasa high school pa lang iyon ha? Paano pa kaya itong graduating na?" Humarap ang matandang babae sa kaniya. "Naku, congratulations in advance. Malapit ka nang magtrabaho sa totoong mundo," nakangiting sabi nito. "Kapag kailangan mo ng marerentahan na malapit sa trabaho mo, sabihan mo lang ako ha? Baka matulungan kita. Alam mo naman, marami akong paupahan na bahay sa iba't ibang lugar." "Opo, salamat po..." unti-unti siyang natigilan. Nabura ang kaniyang ngiti. Oo nga pala. Naalala na niya. Si Nanay Peng pala ang may kaisa-isahang paupahan sa lugar nilang iyon. Hindi kaya, sa paupahan nito nakatira ang lalaking iyon...? Iyong lalaking ilang araw nang gumugulo sa utak niya. Hindi lamang araw, baka nga may lagpas isang linggo na. Pagkatapos kasi niyong huli niyang panaginip sa may pamilihan, hindi na iyon nasundan. Hindi naman sa hindi na siya nananaginip. Nananaginip pa rin siya, ngunit lahat iyon ay patungkol na sa magagandang bagay. Sa totoo lang, dahil sa pagsunod niya sa mga nababasa niya sa The Mysteries of Lucid Dreaming, pati na rin sa mga nababasa niyang libro sa library na related doon, isang linggo nang masarap ang tulog niya. She dreamt as if she's in wonderland. All these days, she dreamt about unicorn, cotton candy clouds, and even giant cakes. Everything is in pink and violet. Para siyang bumalik sa pagkabata. Hindi, para siyang lumikha ng sarili niyang mundo sa loob ng subconscious mind niya. Lahat ng mga hindi niya naranasan noong bata pa siya, naroroon. It was literally a wonderland. At siya ang naghuhulma ng panaginip niya. Hindi niya alam kung paano niya nagagawa iyon. Ngunit kapag may hindi siya nagustuhan doon, pwede niya iyong baguhin sa isang haplos lamang. In there, she could change her clothes to the way she wants. She can even create money with her own hands. Kung gusto niyang paulanin ng pera sa panaginip niya, magagawa niya. Minsan nga, ayaw na niyang gumising. It was a hundred and one percent better than the real world. Kaya lang, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit kahit anong pilit niya, hindi na niya madugtungan iyong panaginip niya tungkol sa nangyari sa may pamilihan. Hindi na niya nakikita ang lalaki. At kahit iyong lalaking kamukha nito sa totoong mundo, parang isang bula na bigla na lamang din naglaho. At hindi siya matahimik dahil doon. "Bakit, 'nak? Gusto mo nang lumipat?" Curious na tanong ni Mama She. "Ah, nagka-canvass lang po, Mama She. Baka maisipan ko sooner or later," pagdadahilan niya. "E sa ngayon, wala akong bakanteng kuwarto. Lahat okupado e. Pero meron akong isang tenant doon na matagal-tagal nang hindi bumabalik. Kaya lang, yung upa niya hanggang sa katapusan pa ng buwan. Hayaan mo, sasabihan kaagad kita kapag tuluyan na ngang hindi bumalik iyon," mahabang paliwanag nito. "Sayang naman, ano? Hindi niya nagagamit iyong renta niya," komento ni Mama She. "Oo nga e. Nito lang din naman lumipat iyon doon. Wala pa yatang isang buwan. Mukha naman maganda ang trabaho. Laging nakasuot ng pang opisina na damit e." Nagsimulang magchismisan ang tatlo habang siya ay pasimple lamang na nakinig. Curious na curious din talaga siya sa lalaking iyon. Magmula pa ng mapanaginipan niya ito, curious na siya, at ngayon, mas lalo pang nadaragdagan ang kuryosidad niyang iyon. "Ay, parang kilala ko iyan. Iyan siguro iyong weirdong Fafa na laging bumibili ng ice cream dito? Iyon bang matangkad na laging parang galit sa mundo?" Ang Mami Dan niya ang nagsabi niyon. "Oo, iyon nga!" Nanay Peng snapped. "Mukha ngang galit palagi sa mundo iyon. Aloof sa tao. Bumibili rin pala iyon dito. Pero alam niyo ba, may pagka-weirdo talaga ang lalaking iyon," yumukod pa palapit sa kanila si Nanay Peng na para talagang isang chismosa na may nasagap na chismis. "Nito lang nakaraan, nag-monthly checkup ako ng mga kuwarto at alam niyo ba, siya lang ang napakalinis ng kuwarto." Nakasimangot na napalayo rito si Mami Dan. "Ikaw, Nanay Peng, maloloka ako sa iyo ah. Sasakmalin kita," umikot ang mga mata nito. "Ano namang issue sa pagiging malinis ng kuwarto, Nanay Peng?" Kunot ang noo na tanong ni Mama She. "E hindi ba, mas okay nga iyon?" "Aba ay! Literal na malinis e. Wala miski isang gamit. Ni unan, kutsara, aba miski nga isang pirasong damit, wala. Sige ka nga, saan ka nakakita ng ganoon. Ilang linggo na magmula nang lumipat pero walang kahit anong dalang gamit?" Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. "Aba'y paano natutulog iyon? Sa sahig nang walang kahit anong panlatag? Hindi ka ba mawiwirduhan doon? E ilang beses ko na rin siyang naabutan na pumasok sa kuwarto niya nang gabing-gabi. Ibig sabihin may pagkakataon din na doon siya natutulog," dugtong pa ng matandang babae. Nagkatinginan na lamang silang tatlo nina Mami Dan at Mama She dahil sa sinabing iyon ni Nanay Peng. *** Dahil wala siya sa sarili, maagang pinauwi si Mayhem ng mga amo niya. Magpahinga na lamang daw siya at baka masyado niyang nape-pressure ang sarili niya sa pagsabay sa pagtratrabaho at pag-aaral. Sinunod na lamang niya ang mga ito, dahil hindi rin naman niya masasabi sa mga ito ang tunay na dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kaya mas mabuti na rin na isipin na lamang ng mga ito na eskwelahan ang siyang dahilan ng mga pagkakatulala niya. Kasalukuyan na siyang naglalakad pauwi. Nagkukulay matingkad na kahel na ang langit dahil sa papalubog na araw. Alas singko pa lang naman ng hapon kaya hindi pa nakakatakot maglakad sa gubatan. Hindi kasi niya dala ang bisikleta niya ngayon. Kinailangan kasi niya iyong dahil sa repair shop. Paano'y nasira ang unahang bahagi niyon nang muntik na siyang mabangga sa likuran ng isang sasakyan noong isang araw. Papauwi na rin siya noon, at wala rin sa sarili. Hindi niya napansin ang sasakyan kaya hindi rin siya nakapagpreno kaagad. Nailiko naman kaagad niya ang manibela upang hindi magasgasan ang sasakyan. Kung nagkataon ay mas malaki pa ang babayaran niya. Iyon nga lamang, malakas ang naging pagsalpok niya sa poste sa gilid ng kalsada at talagang napuruhan ang unahang bahagi ng bisikleta niya. Ngayon tuloy ay magdadalawang araw na iyon sa repair shop. Himala pa rin na hindi siya nasaktan noong araw na iyon. Swinerte pa rin siya kahit papaano. Natigilan siya sa paglakad nang mapansin ang isang itim na sasakyan sa daan patungo sa car graveyard. Humigpit ang hawak niya sa eco bag niyang dala. Kanino ang sasakyan na iyon? At paano nalaman ng may-ari niyon ang daan na patungo sa car graveyard gayung tagong-tago ang lugar na iyon? Sina Mama She at Mami Dan pa lamang ang nadadala niya rito, at imposible namang sabihin ng mga amo niya ang daan na iyon sa ibang tao. That's just impossible. Malaki ang tiwala niya sa mga amo niya. Nasagot ang lahat ng kaniyang katanungan nang walang anu-ano'y bumukas ang pintuan sa may driver's seat niyon at bumaba mula roon ang lalaking ilang araw nang nagpapagulo sa isip niya. Kumunot ang kaniyang noo. Paanong...? Sunud-sunod ang naging pagpasok ng mga katanungan sa isip niya. Paano nalaman ng lalaki ang daan na iyon? Ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon, at ano ang sadya nito sa kaniya? Imposible namang hindi siya ang sadya nito sa lugar na iyon gayong siya lamang naman ang nag-iisang tao na may lakas ng loob na tumira sa lugar na iyon. Napaatras siya nang walang sabi-sabi itong maglakad patungo sa direksyon niya. At segundo lamang ang lumipas, nakatakip na sa bibig niya ang isang palad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD