“Hija, ano ba naman ‘yang mga pinagsasasabi mo-” “Masasabi n’yo po bang kilala mo na ang apo mo, la?” wala nang paligoy-ligoy na tanong ko sa matanda. “Umaasa ako na since apo mo naman po si Felix, e kilalang-kilala mo na po siya. At hindi po worth it itanong kung ano bang ibig sabihin ng mga sinasabi ko… since I’m aware of the fact that you know what I’m talking to.” Hanggang sa magpasya na akong magpaalam sa matanda na aakyat muna ako sa kwarto para maligo, naiwan siya roon na nagugulumihanan pa rin. Hindi ko alam kung technique niya ba ‘yon para maniwala akong hindi totoo ang pinaniniwalaan ko… kaya siya umaarteng wala siyang alam sa mga sinasabi ko. Pero wala naman ‘yong epekto sa akin. Dahil ang taong mulat na, hindi na muling pipikit pa. “Oh? Bakit ka napatawag?” [P’wede ka ba

