Hindi ko agad nagawang makapag-react sa sobrang bigla sa detalyeng nalaman ko mula kay Kim. Ang hirap lang kasing paniwalaan na posibleng totoo ang sinasabi niya… knowing na mukhang nakakasundo ko na nga si Sam, and of these days, ay binabalak ko nga na makipagtulungan sa kanya… and then malalaman ko ang tungkol dito? That she’s the serial killer we have to catch? “Baka isipin mong nag-j-joke ako, huh? Hindi!” depensa ni Kim agad sa kanyang sarili kahit na wala pa naman akong sinasabi. “Kung ang tinitingnan mong kriminal dito ay si Marlyn… nang dahil lang nakita n’yo siya ni Ken noong gabing ‘yon sa lugar at mayroon pa siyang dalang armas… hindi naman daw ‘yon worth it na pagdudahan.” “At bakit hindi?” “Third man n’yo si Marlyn. Pinasunod siya ni Ken… in case na kailangan n’yo ng back

