“Ano pa bang ebidensya ang hinihintay mo? Hindi pa ba sapat na nakitaan natin siya na mayroon siyang kutsilyo sa gamit niya? Mamamatay-tao ang lalaking ‘yon, Ken!” Pagkalabas namin ng classroom matapos mai-dismiss ng teacher ay nag-confront kaagad ako kay Ken na malayo sa mga estudyante. “Nangangatog na sa kaba ‘yong mga bata. Kung hindi pa natin ipadadakip ang teacher na ‘yon, mas lalong malalagay sa peligro ang mga buhay nila!” “Unless I saw him with my eyes doing the murder case, then I’ll believe.” Puno ng determinasyon ang boses niya na parang sigurado siya sa mga sinasabi niya sa akin. While I was just shocked for a moment. Hindi ako makapaniwala na magsasalita pa siya nang gano’n gayong sinasampal na kami ng ebidensya. Gusto yata ng lalaking ito na madagdagan pa ang magiging bik

