“Kanina ka pa walang-imik d’yan, Ke. May problema ba? Anong bumabagabag sa iyo?” Hindi ko namalayan na napansin na pala ni Papa ang kanina ko pang pananahimik sa buong oras na kumakain kami. Sino ba naman kasing hindi matatahimik sa pag-iisip nang malala sa natuklasan ko kanina? Mula nang malaman ko na posibleng si Felix ‘yong nakaiwan ng memory card sa sofa, nagsimula nang lumutang sa hangin ang utak ko at hindi na ako makasabay sa pagkukwentuhan nina Mama kasi ang lalim ng iniisip ko. Kasi kung magtama man ang kutob ko, isa na namang problema at misteryo ang magbubukas—na kailangan ko na namang alamin kung anong koneksyon niya roon sa mag-inang ‘yon. “Nagkakabisado po ako ng wedding vows,” ang naipalusot ko na lang. Hindi ko naman kasi p’wedeng sabihin sa kanila ang totoo. Wala naman s

