Chapter 19

1847 Words
Ang kabilin-bilinan sa akin ni Kim ay dapat manatili munang sikreto ang tungkol sa nalaman namin ni Felix. Napagkasunduan naming dalawa na kaming dalawa na lang muna ang makakaalam ng tungkol dito. Walang kahit na sino. Wala muna kaming pagkakatiwalaan kahit na sinong tao man sa paligid. Good suggestion naman ang ibinigay niya. Sa panahon ngayon at sa sitwasyon na rin, hindi magandang may iba pa kaming pagkatiwalaan. Mahirap nang matraydor at baka kami pang dalawa ang mapahamak. Ang mga magulang naman ni Keziah ay nananatiling walang alam tungkol sa bagay na ito. Kagaya nga ng nabanggit ko kay Kim, hindi p’wedeng may pagsabihan kami nito, maging sa mga parents ni Keziah, hangga’t wala kaming ebidensya na hawak. Ngayon nga ay tatlong oras bago ako sunduin ng driver namin pauwi, nagpasya ako na umakyat sa third floor ng mansyon—kung saan located roon ang isang malaking office kung saan ito ang kwartong ipinagbabawal ni Felix na pasukin ko. Hinintay kong makatulog muna si Lola Tasha nang dalhan ko siya ng isang baso ng gatas na may halong pampatulog. Magiging sagabal siya sa plano ko kung maghapon niya akong huhuntahin. Ang mga kasambahay naman dito ay nasa first floor, so kung manggaling man ako sa second floor since doon ang kwarto ko ‘pag nandito ako or mag-de-decide ako na matulog dito, hindi nila malalaman na wala na pala ako sa second floor. Wala rin naman akong nakikitang mga CCTV sa paligid, so I think I can manage to enter Felix’ office without hindrances. “And he even not locked his office,” ang sabi ko sa sarili nang mawalan na rin ng saysay ‘yong dalawa kong alambre. Baka sakaling magamit ko kasi ‘yon na pambukas ng pinto… pero hindi naman pala nakakandado. Malinis ang kwarto, malaki at mga nakaayos ang gamit. Maingat kong isinara ang pintuan upang walang makarinig sa akin in case na may umakyat na kasambahay rito—baka kasi mamaya ay may isa sa kanila na maisipan na umakyat dito para maglinis sa kabilang kwarto. Ang katabi kasi ng office na ito ay computer lab. Maingat kong hinalughog ang drawer sa ibaba ng table niya. Puro mga papel, mga brown envelopes at mga folders ang nakita ko roon. I scanned those one by one pero wala naman akong napala. Na-buy time ang oras ko before I proceeded to open the drawer on the other side of the table. Gano’n din naman ang laman… puro mga papeles na hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat. “Wala naman akong mapala.” Parang biglang nanlata ang katawan ko kaya hiniram ko muna ‘yong swivel chair at doon ako umupo. Lutang ang isip ko sa kawalan. Nag-iisip ako nang maigi kung ano nga bang matatagpuan ko rito? Ang laki ng office at ang daming gamit. Ang dami kong cabinet at drawer na nakikita sa paligid pero mga kasangkapan lang naman halos ang mga laman no’n. Kung may related man sa trabaho o sa personal na buhay ni Felix, ‘yong drawer ng table niya lang ang napakinabangan ko na halughugin—tapos wala pa akong nakita. P’wede kasing hindi rito nakatago ang iba. Baka sa kwarto niya? O baka mayroon pang ibang kwarto rito kung saan doon siya nag-iimbak ng mga gamit niya? Kasi if totoo man na murderer si Felix, wala rito sa office niya ang p’wedeng magamit na ebidensya para iturong siya ang kriminal. Malamang ay nadispatsya niya na ‘yon—either itinapon na o mayroon siyang lihim na silid rito sa mansyon na pinagtataguan no’n. At ‘yon ang kailangan kong malaman. — “Galing kang third floor?” Hindi ko sinasadyang makasalubong ko pababa ng third floor si Felix. “Anong ginawa mo roon?” OMG. Hindi ko naman inaasahan na gan’to kaaga siya makakauwi ngayon. Ang alam ko kasi tuwing gan’tong araw ay ginagabi siya sa trabaho. Kaya nga ako kampante na pasukin ang loob ng office niya kasi sure naman ako na hindi niya ako maaabutan… but look what has happened? “Uh… sa computer lab.” Iyon na lang ang ginawa kong palusot. “Gusto ko sanang makigamit sa computer para makausap ko sina Papa. E, kaso naka-lock pala kaya hindi na ako nakatuloy.” “Na kay Aling Minda ang susi. Sana kinuha mo sa kanya.” He is as if motioning me to come with him upstairs. “May duplicate naman ako. Ihatid na kita roon-” “Huwag na pala. Baka full charge na rin naman ang phone ko… bale roon na lang ako tatawag sa kanila at maka-video call. Kanina kasi ay lowbat na lowbat ang phone ko kaya hindi ko ‘yon magamit… e, baka ngayon nabuhay na.” “Okay.” Nagkibit-balikat na lang siya bago ako tinalikuran at umakyat na siya roon sa taas. Mukha naman siyang naniwala sa palusot ko kaya iisipin ko na lang na sana ay hindi naman siya naghihinala sa akin… ‘di ba? Hay. Nang masiguro kong nakaakyat na siya nang tuluyan sa third floor ay doon lang ako nagkaroon ng panahon para huminga nang maluwag. Sa mga oras na ito ay nakakalusot pa ako at nagagawan ko ng dahilan ang mga kilos kong palpak at nahuhuli nang hindi oras. Ngunit hanggang saan kaya ako kayang dalhin ng mga palusot ko? “Bagay na bagay talaga sa akin ang pangalan ko. Sinungaling si JuLIE.” — Nang magkaroon kami ng safe place kung saan namin mapag-uusapan ang tungkol sa sikreto, lumabas kami ni Kim at nagpaalam sa mga magulang ni Keziah na mag-ba-bonding kaming dalawa. Syempre ay gagala sa mall, kahit sa mga restaurants sa tabi-tabi at magwawaldas ng pera. Nagdala na rin kami ng sasakyan… and it was Kim who’s in-charge of driving the car. “Sa susunod na punta ko roon sa mansyon, susubukan kong magtanong sa ilan sa mga kasambahay roon kung saan makikita ‘yong ‘secret room’ ni Felix. May kutob talaga ako na mayroon siyang nakatagong room kung saan doon nakatago ang mga bagay na mahahalaga sa kanya.” “Hindi ba ‘yong office niya na ‘yon?” “Wala nga akong napala sa loob no’n, Kim,” tugon ko. Nakadantay pa rin ang siko ko sa may bintana ng kotse habang patuloy na iniisip kung ano ang magiging sunod kong hakbang. “Pero kung wala man sa mansyon ang mga gamit na ‘yon, o wala man siyang secret room doon, isa na lang ang p’wedeng lugar na naiisip kong loobin at hanapan ng mga reliable evidence.” “Saan?” “Mismong office niya… sa kumpanya.” Siya lang ang nakakapunta roon… siya lang ang may access. Hindi naman nakakapagtaka kung may ilang bagay roon na mahahanap namin para makatulong sa madugong imbestigasyon na ginagawa namin ni Kim ngayon. Mas may possibility na mayroon kaming mapala roon kaysa sa office niya na nasa mansyon. “Ang tanong… paano natin papasukin ‘yon?” “Hindi ko pa rin alam. Iisipan ko pa kung paano.” Napabuntong-hininga ako dala ng stress at pamomroblema rito. “If in the end ay wala rin tayong mapala rito at hindi naman pala guilty talaga si Felix sa krimen na ibinibintang mo, nakakalungkot ding isipin na pinag-isipan natin ng masama ‘yong taong wala naman talagang ginagawa na hindi maganda.” Nag-aalala lang ako kasi if hindi naman pala talaga murderer si Felix, ang sakit sa part niya na ako mismo… ‘yong babaeng hiningan niya ng tulong para sa plano niyang makuha ang pera at ari-arian na para naman talaga sa kanya, e pag-iisipan siya ng masama. And worst… I investigated him. If in the end ay ma-prove na not guilty siya in the crime, ako ‘yong mas makokonsensya. Kasi hindi naman kasama sa kontrata na pakialamanan ko ang ibang side ng buhay niya pero ginawa ko. Pero nag-risk pa rin ako, e. Hindi naman siguro masamang sumubok na gumawa ng aksyon kaysa ang walang gawin, ‘di ba? At the end of the day, kaya nga namin ginagawa ni Kim ang imbestigasyon ay para mapatunayan ang isang bagay na walang sapat na ebidensya, at para na rin magkaroon kami ng peace of mind. Ang daming what if’s kasi. “Mas mabuting may ginawa tayo kaysa sa wala, ‘di ba? May possible two chances tayo na mapala rito, Ate Ke. Malalaman natin na guilty ba talaga ang Felix na ‘yon sa crime, or hindi. At paano naman natin malalaman kung guilty siya or hindi kung wala tayong gagawin o ang mga pulis, ‘di ba?” “Kaya nga sana ay ipinagawa na lang natin ito sa mga investigators o mga pulis.” “Pero sa iyo na mismo nanggaling na walang tutulong sa atin kung wala tayong maipakitang ebidensya na may krimen na nangyari. Walang makikinig sa atin kung kahit isang ebidensya ay wala tayong hawak. Kaya nga ‘yon ang ginagawa natin, ‘di ba? We are finding some evidence to support our claims.” Oh… I forgot na sa akin nga pala nanggaling ‘yon. Malamang ay tinatablan na ako ngayon ng sobrang kaba at pangamba. Ang lala na kasi ng pag-aalala ko na baka mapunta lang din sa wala ang ginagawa naming imbestigasyon, tapos ang mangyari pa ay sakaling mapatunayan na walang-sala si Felix, ako pa ‘yong magiging masama dahil pinagdudahan ko siya bilang isang masamang tao. “Bahala na nga, okay?” Natatawa na lang ako sa sariling sinabi. Nang makarating na kami sa kainan na inirekomenda ni Kim sa akin, pumasok na kami roon. Kaya lang ay ang nakakagulat… sa may dulong table ay nakita ko si Felix na mayroon siyang kausap na isang lalaki. Paatras na sana ako para lumabas at para ayain na si Kim na ‘wag kaming doon kumain… kaya lang kamay niya mismo ang tumulak sa akin papasok sa loob. At talagang sa table pa na malapit sa kanila kami umupo. May mga harang naman kada table kaya hindi naman siguro mapapansin ni Felix na halos nasa tabi niya lang kami. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” pabulong kong usal. “Planado mo ba ito, Kim?” “Parang gano’n na rin.” Nakangisi lang siya all the time habang nakatanaw sa table nina Felix. “This is the first part of our investigation, Ate Ke.” “Ano-” “Listen… carefully.” Hindi man sigurado kung ano ang gusto niyang pakinggan ko, tumahimik na lang ako at hinayaang pumasok sa tenga ko ang anumang maririnig nito… na pag-uusap ng dalawang tao na nasa katabi naming table. “Ang hirap talagang hanapin ng babaeng ‘yon, boss. Ch-in-eck na ng team namin sa probinsya kung saan siya nanggaling pero kahit bakas niya ay wala kaming inabutan.” Nangunot ang noo ko. Mayroong babae na ipinapahanap si Felix? Siya ba ‘yong yaya na ikinukwento ni Kim sa akin? At kung posible nga, bakit niya kailangang ipahanap ang yaya na ‘yon? “Para patahimikin, obviously,” ani Kim na para bang nababasa niya ang nasa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD