Chapter 18

1662 Words
In the end, kagustuhan ni Felix ang nanaig. Ang galing niya kasing mamilit… mag-insist… and wala akong palag doon. Mabuti na rin nga siguro na siya na lang ang magpaabot ng pera sa pamilya ko kaysa ako pa. Hindi nila p’wedeng makita ang anak nilang akala nila ay nasa ibang bansa pero nandito pa rin naman sa Pilipinas. Kung maiisip ko man na ipadala na lang ‘yong pera, hindi naman marunong sina Papa na kunin ‘yon sa mga padalahan center. Baka ma-stress muna siya nang malala bago niya pa matanggap ‘yong pera. Kung si Felix nga naman ang tutungo sa kanya at magpapanggap na siya ‘yong inutusan ko na ipaabot sa kanila ‘yong pera, smooth ang magiging transaction. Kung kailangan man ni Felix mag-disguise para sure na hindi siya makikilala… sana gawin niya. “Hey,” sumalubong sa akin pababa sa hagdanan si Kim. “Can we talk?” “About what?” “Basta mahalaga.” Nagmamasid ang mga mata niya sa paligid na para bang tensyonado siya bago niya ako hatakin paakyat sa taas. Sa kwarto niya ako dinala at agaran din niyang isinara at ni-lock ang pintuan. Magsisimula na sana akong kabahan kaso naalala ko naman na kaya niya lang ako dinala rito ay mukhang sobrang importante ng pag-uusapan namin, to the point na sa sobrang circumstantial, walang ibang kahit sino ang dapat na makarinig. “Hindi naman sa tutol ako sa pagpapakasal mo kay Felix, sis.” Nagsimula na siyang maglahad ng detalye sa akin. Nakakagulat nga na tinawag niya akong ‘sis’... ibig sabihin ba ay naniniwala na siyang ako si Keziah? “Pero nakakaalarma kasi ‘yong natuklasan ko tungkol sa groom mo, e.” “Ano bang natuklasan mo?” “Natatandaan mong ang mama niya, ‘di ba? Namatay?” Mas lalong nangunot ang noo ko sa itinatanong ni Kim sa akin ngayon. Parang kinukutuban na rin ako sa mga nalalaman ko. Ewan ko. Kung ano-anong thoughts ang pumapasok sa isipan ko at this moment. “Kung anuman ang sinabi niya sa iyo, kung namatay ang nanay niya sa aksidente o sa sakit… it was all fake.” Namilog ang mga mata ko at mas lalo pang nakinig sa mga susunod na sasabihin ni Kim. “Because the truth is… Felix killed his mother. Ginawa niya ‘yon para makuha niya na nang mas maaga ang kayamanan ng pamilya nila. Unfortunately, hindi nakikiayon sa kanya ang plano niya. Dahil sa condition na kailangan niya munang maisagawa bago ‘yon makuha.” At ‘yon iyong marriage certificate. He needs to present a marriage certificate bago niya makuha nang buo ang kayamanan… ang pamana ng nanay sa kanya. Ngunit ang hindi ko maintindihan… bakit dumating si Felix sa point na kailangan niya pang patayin ang sarili niyang ina? Para lang talaga sa pera? Ang babaw na dahilan ‘yon para piliin na bawian ng buhay ang babaeng nagluwal sa kanya sa nga lang ng pera. “He murdered his mother, sis. Mamamatay-tao ‘yang pakakasalan mo… at hindi malabong gan’yan din ang sapitin mo once na matali ka na sa kanya. Kung kaya niya ngang paslangin ang mismong kadugo niya, ikaw pa kaya na asawa niya lang?” Sa mga narinig ko sa kanya, hindi ko na maitago ang kaba at panginginig sa katawan ko. Dapat naman na kasi akong kabahan, lalo na syempre sa mga naiisip ko ngayon… na baka after six months ko rito sa trabaho, ang matanggap ko pa palang bayad mula kay Felix ay kamatayan. “Talagang dapat mo nang intindihin ang kaligtasan mo, sis.” Muli ko na namang narinig na magsalita si Kim. “Sabihan ko na ba sina Tita-” “Huwag,” pigil ko sa kanya. “Mayroon ka na bang ebidensya sa mga sinasabi mo na ‘yan, Kim? Paano mo ba nalaman ang tungkol d’yan? May source ka?” “Yaya nila. ‘Yong katulong na nakasaksi sa pangyayari. Ang kwento niya sa akin ay nang mahuli siya ni Felix sa akto na sinisilip ang ginagawa nito, binalak din siyang patayin ng lalaking ‘yon. Hindi nga lang siya nagtagumpay kasi mabilis din siyang nakatakas sa bahay at nagpakalayo-layo sa lugar.” “May ebidensya naman na hawak ‘yong yaya?” Pinaningkitan ako ng mga mata ni Kim. Para bang nagdududa na siya sa akin na para bang ayaw ko siyang paniwalaan. Gusto ko lang naman na makasigurado, at wala naman akong nakikitang masama na gawin ‘yon. “Hindi ka ba naniniwala sa akin-” “I just want to make sure of it. Hindi naman kasi p’wedeng mambintang na lang tayo nang kung sino-sino nang wala man lang tayong maipakita na ebidensya na magtuturong guilty nga ang taong ‘yon sa krimen na gusto nating iparatang sa kanya. Hindi sapat na nakita lang ng mga mata ng kasambahay na ‘yon ang nangyari. Mananatiling sa sarili niya lang totoo na nangyari ang krimen kasi siya ang nakasaksi. We still have to search for some reliable evidence before accusing him.” “You know… mahirap mambintang sa isang tao nang wala man lang tayong hawak na ebidensya, Kim. Kung gusto mo na paniwalaan tayo ng mga pulis, pakinggan at tulungan na ma-solve ang kaso na ito, hindi nila tayo papansin unless we provide evidence to make them help us.” Ako ‘yong tipo ng tao na hindi agad-agad naniniwala sa sinasabi ng iba hangga’t wala akong ebidensya na nakikita. Unless the scene were seen by my own eyes, maniniwala ako. Pero ang ibang tao ay bigo kong mapaniniwala sa sinasabi ko hangga’t walang ebidensya na lumilitaw. Kaya nga mayroong tinatawag na imbestigasyon at may mga tao na ang propesyon nila ay investigators… dahil hindi p’wedeng arestuhin o pagbintangan ang isang tao na guilty sa krimen nang walang ebidensya na magpapatunay na guilty nga siya roon. “Wala siyang ebidensya-” “Then Felix is innocent until proven guilty.” Kita ko sa mga mata ni Kim na gusto niya akong tutulan at hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. “An investigation should be done. Mag-iingat pa rin naman ako sa kanya. Hindi mo kailangan mag-alala, hmm?” “Hindi pa rin natin sasabihin kina Tita?” “Sa akin mo pa nga lang sinabi, hindi pa rin ako naniniwala. Kailangan muna natin ng sapat na ebidensya bago sabihin sa kanila ang tungkol dito. Mahirap naman na magmadali ka sa pagkakalat ng isyu na ito, e hindi naman pala totoo. Naging ganap mo pa ay fake news enabler ka.” — Kasabay ko ngayong kumakain sina Lola Tasha at Felix. Nandito akong muli sa bahay nila dahil mayroon akong pangako sa matanda na ayaw kong bitawan. Although may kasamang pangamba ang nararamdaman ko ngayon, dapat ay hindi pa rin ako magpahalata. Delikado na. “Damihan mo ang kanin mo, Ziah. Gusto mong salinan na kita?” “Huwag na. Ayokong kumain nang marami ngayon,” pagtanggi ko kay Felix. Ibinaba niya na rin ‘yong sandok at mangkok ng kanin matapos ko siyang tanggihan. Ngayon ay si Lola Tasha naman ang inaasikaso niya, pinagsasalin niya ito ng gatas sa kanyang baso. Habang pinagmamasdan ko naman si Felix, mukha naman siyang hindi masamang tao. Siya ‘yong tipo ng tao na mukha namang hindi aabot sa point na handa siyang patayin ang sarili niyang ina para sa pera. Kaya lang ay hindi ako p’wedeng manatili at maniwala sa mga first impressions ko sa kanya. Dahil ang mga tao nga naman, kayang magpanggap na mabait sa iyo pero handang manaksak ‘pag nakatalikod ka na. Tulad ng napag-usapan naman namin ni Kim, handa naman akong mag-ingat. Habang nag-iingat ako sa mga kilos ko ay iimbestigahan ko si Felix. Kaya mas lalo kong kailangan na manatili rito sa bahay nila nang mas madalas. Siguro naman ay makakahanap ako ng mga solid evidence rito na makakatulong para sa ipinu-push na kaso ni Kim laban kay Felix. Mukha kasing paniwalang-paniwala si Kim sa sinabi ng katulong na ‘yon tungkol kay Felix. Mukhang determinado talaga siya na ipahuli si Felix at paniwalang-paniwala siya na mamamatay-tao ito. “Naibigay ko na sa pamilya mo ‘yong pera.” Ako na ang nagpresinta na magdilig ng mga halaman nang marinig kong may bumulong sa likod ko—si Felix na nakasuot ng face mask. “Mukha namang hindi naghinala ang papa mo sa akin na galing sa scam ‘yong pera na ibinigay ko sa kanya,” tatawa-tawa niya pang tugon. “Bakit naman nila iisipin na sa scam ‘yon galing?” “Teka nga… ‘di ba allergic ka pala sa mga bulaklak?” “Kaya nga ako mayroong suot na face mask. Para malapitan kita nang hindi ako nababahing.” Tago man ng suot na face mask ang kanyang bibig, nakita ko naman itong gumalaw sa likod ng tela nang siya ay ngumiti nang malaki. “At kung kailangan ko man na magsuot nito sa araw ng kasal natin, edi magsusuot ako. Hindi naman problema sa akin ‘yon.” “Hindi ba ‘yon nakakahiya?” “Ayoko nang mahiya. Hindi na dapat. Ang mahalaga ay maikasal sa iyo at-” “Tapos ang usapan,” ako na ang nagtuloy. Bumalik na rin ako sa pagdidilig ng mga halaman while curving a bitter smile on my face. “Iyon lang naman ang mahalaga sa ating dalawa, e. Lalo na sa iyo. Na maikasal ka at may ma-provide ka na marriage certificate, ‘di ba?” “Yeah… but-” “Wala nang pero ‘yon. Tuldok.” Pinilit ko pa ang sarili ko na tumawa para kunware ay masaya naman talaga ako—but deep inside, nasasaktan na. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit nag-iinarte ngayon ang puso ko. What’s the sense? Nahuhulog na ba ako? At kung sakaling mapatunayan na totoo ang bintang ng dating yaya nina Felix sa kanya… sa isang murderer pa talaga mahuhulog ang loob ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD