“She should not be Marlyn. Hindi siya ang serial killer-” “Paano ka magiging effective na detective n’yan, Ken… kung mismong isinasampal na nga sa iyo ang ebidensya, pero dahil ba mahalaga sa iyo ‘yong tao, handa kang maniwala na lang sa kasinungalingan at ibalewala na lang ‘yong katotohanan?” Sobrang disappointed ako sa inaakto niya. Noong nasa puno pa kami at inaaya ko siyang sugurin na si Marlyn dahil siguro naman ay sapat nang dahilan na nakita namin siyang pagala-gala sa lugar at may bitbit pang mga armas para matukoy na siya ‘yong traydor sa grupo at ang kumakalat na kriminal dito sa Makabayan. Pero si Ken naman ay parang ayaw akong sundan. Ayaw niyang bumaba sa puno. Hanggang sa mawala na sa paningin namin si Marlyn… wala kaming nagawa imbes na sana ay burado na itong kaso na ito

