Chapter 11

2142 Words
“So far… ayos naman siyang kausap. Mabait.” Nang magkita na kami ni Felix, saktong bihis na bihis siya at mukhang ready to go nang pumasok sa kanyang trabaho. “Hindi ko alam kung sadyang nasa mood siya kaya siya gano’n makipag-usap o talagang mabait lang talaga siya. Kung sa itsura kasi ako magbabase, nakikita kong siya ‘yong tipo ng mga ‘granny’ na masungit, strikta, at hindi masyadong pala-kwento.” “Ngayon ay alam mo nang hindi sa lahat ng pagkakataon, e itsura dapat ang lagi mong pagbasehan to determine someone’s personality.” Sinamahan na niya akong umupo sa dining table pero siya ay kape lang ang ininom, pero ‘yong fried rice na tinulungan ko pang iluto ng cook nila, e hindi niya ginalaw. “By the way, aagahan ko ang uwi ko mamaya. May mahalaga tayong pupuntahan… na dapat ay kasama ka.” “Baka kay Melody na naman tayo tutungo, tapos ay iiwan mo na naman ako sa kanya?” “Kung sakaling kay Melody nga, bakit ayaw mo? Sinungitan ka ba niya? Anong ginawa niya sa iyo? Sabihin mo sa akin.” “Wala!” sagot ko. Ang OA naman kasi niya mag-isip. “Ang akin lang… ayaw ko na sanang mag-undergo na naman sa isang lesson. Nakakapagod kaya! Masaya akong hindi na ako nag-aaral kaso ito palang trabaho na ibinigay mo sa akin, e need pala ako i-require na mag-aral na naman?” “I quit!” “Relax.” Naibaba niya tuloy bigla ‘yong tasa ng kape na kanina ay iniinom niya. “We’re not going to her. Tapos na ang trabaho niya sa buhay natin, and I know that the lessons she has taught to you is really tiring. Well, enough with the lessons. We’re going somewhere to plan the important matter.” “The wedding?” “Indeed.” Inubos niya lang ang laman ng tasa ng kanyang kape bago niya ako iniwan na roon. But then, before he left, he spoke his last reminder, “Get yourself ready at exactly 3 in the afternoon. Susunduin kita rito.” Ni hindi man lang ako nakatutol para sabihin na hindi ba ako uuwi? Maghapon ba dapat ako rito sa bahay nila? Teka… wala yata ‘yon sa usapan, huh? Ang napag-usapan kasi namin, e dadalaw lang naman ako rito. ‘Yong pagdalaw ba na tinutukoy ni Felix, e araw-araw na nga ako rito tapos maghapon ko pang i-se-spend ang oras ko sa bahay nila? Ano ngayon ang gagawin ko rito habang naghihintay na mag alas-tres ng hapon? E, si Lola Tasha naman ay nagpapahinga na ‘yon sa kwarto niya. Bababa lang siguro ‘yon kapag kakain o kaya mainip na siya sa kakatanga sa kwarto niya. Besides, kahit naman mabait at maayos ang pakikitungo niya sa akin, e since baguhan pa lang naman ako, e hindi pa rin ako comfortable na makausap o makipaghuntahan sa kanya. Rather talking to her as my past time while waiting for Felix is something I can’t really do as of now. Ilang sandali rin ang nakalipas, nang matapos na akong makapagligpit ng sarili kong pinagkainan ay dumiretsyo na lang ako roon sa malaki nilang living room at pinabuksan sa isa sa mga kasambahay roon ang malaking TV. Hindi kasi ako marunong magbukas ng flat screen TV since ang TV lang naman na mayroon kami ay ‘yong type ng TV na traditional. At nag-netflix na lang ako. And suddenly, my phone rang. [Finally, sinagot mo rin ang tawag ko sa iyo, Julie-] Agad kong ipinalit from loud speaker to low speaker ang phone ko. Ang lakas kasi ng boses niya at todo pa ang volume ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Buti’t walang umaaligid na kasambahay o kahit sino sa area kaya’t walang nakarinig sa sinabing pangalan ni Xy sa kabilang linya. “Bakit ka ba tumawag?” [Hindi ba’t dapat ako ang magtanong sa iyo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Bakit ilang araw ka nang nawawala? May k-um-idnap ba sa iyo? Nasaan ka ba? Bakit bigla na lang akong nakatanggap ng resignation letter mo? Gano’n na lang ba ‘yon, Julie?] [May problema ka ba?] “Wala.” Naisip kong ‘yong follow-up question niya na lang ang sagutin ko. ‘Yong mga nauna kasing tanong… hindi ko alam kung paano ko ‘yon ipaliliwanag sa kanya over the phone. “Pumunta ka sa lugar na i-te-text ko sa iyo. Doon tayo mag-usap.” Natapos na rin ang tawag after no’n. I don’t think I can explain to him everything if sa phone call lang kami mag-uusap. Hindi ko alam kung maipapaliwanag ko sa kanya nang maayos at maiintindihan niya ang ganap sa buhay ko kung sa tawag lang kami mag-uusap. Umaga pa lang naman kaya magpapaalam na lang ako sa isa sa mga kasambahay rito na lalabas lang ako saglit para eka bumili sa isang convenience store. Sapat na siguro ang time-frame ng isang taong bibili sa convenience store para maging sapat ‘yon sa magiging pag-uusap namin ni Xy. At nang marating ko na ang kalapit na park ng mansyon kung saan ako galing, nakakamangha na naroon na agad si Xy. Ang bilis ng travel niya, ha? In fairness sa kanya. Expected ko naman na baka isang oras niya ako paghihintayin dito. “Ang aga-” “Magpaliwanag ka na ngayon, Julie.” Ni hindi pa nga ako nakakaupo pero gusto niya na agad ako hingan ng paliwanag. Atat yarn? “Lahat ng mga tanong ko kanina, make sure to answer those one by one.” “Ano-ano nga ulit ‘yon?” “Bilis na!” Ilag pa rin ang tingin niya sa akin… halatang may pagtatampo. Dahil kagustuhan naman niyang maliwanagan, and I think karapatan naman niyang malaman ‘yong sanhi ng pag-re-resign ko nang biglaan sa trabaho ko sa kanya, edi ipinaliwanag ko na. “Huwag mo na lang sana munag maikukwento sa pamilya ko ang tungkol dito, Xy. Wala pa silang alam… at ang tanging alam lang nila kaya nila ako hindi hinahanap ay dahil ang akala nila ay nasa ibang bansa ako.” Sa mga oras na ito, nakokonsensya na talaga ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa mga taong malapit sa buhay ko. “Gipit lang talaga ako kaya ko pinasok ang trabaho na ito. Nanghihinayang naman akong tanggihan kasi malaki ang sahod na matatanggap ko… sobra-sobra pa nga sa plano naming pagpapa-opera kay Mama… nang makakita na siya ulit.” Bulag kasi ang mama ko. Maraming taon na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang isa sa pinakapangit na aksidenteng nangyari sa buhay niya. Mahal na mahal pa naman ni Mama ang pagdo-drawing… kaya ngayon, e hindi na niya ‘yon nagagawa kasi nahihirapan pa rin siyang mag-adjust at mangapa na gamitin ang mga gamit niya sa pagguhit… at ‘yong imagination niya naman, pakiramdam ko ay hindi niya magamit nang maayos dahil apektado pa rin talaga siya dahil nawalan siya ng paningin. “Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan mo, Julie. Gets ko naman na gusto mong kumita nang malaki para sa pamilya mo. Pero sumagi man lang ba riyan sa isip mo na delikado ‘yang trabaho na pinasok mo, huh? Paano kapag nahuli ka? Baka nga hindi mo pa matanggap ang malaking sahod na ipinangako sa iyo ng boss mo, e. Wala ka na ngang sahod, sa kulungan ka pa pupulutin.” While lecturing me, puno ng dismaya ang boses niya. “Disappointed talaga ako sa iyo, Julie. Hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang nagdesisyon na mag-go riyan sa trabaho mo nang hindi ka man lang nagsasabi sa akin. P’wede mo naman akong utangan tapos bayaran mo na lang ‘yon nang pakonti-konti sa trabaho mo sa akin. Kaya naman kitang tulungan basta magsabi ka lang… at least kung ako ang tutulong sa iyo, wala kang aberya na sasabitan.” “E, ang problema naman kasi sa iyo… gusto mong sinasarili ang lahat. Ayaw mong humingi ng tulong sa iba dahil ang gusto mo ay gawan ng solusyon ang problema without asking for help. Sa kakaganyan mo… sa totoo lang, ‘yan pa ang magpapahamak sa iyo.” Talagang kilala na talaga ko nitong alaga kong artista. Hindi ako ‘yong tipo ng tao na humihingi talaga ng tulong sa iba kahit na kailangan na kailangan ko na talaga ‘yon. Ayoko kasing magkaroon ng utang. Ayokong may tanawin pa ako na utang na loob. Mataas ang pride ko. Hangga’t mayroon akong paraan na p’wedeng gawin maliban sa pag-utang o paghingi ng tulong, gagawin ko ‘yon. Maiging gawan ko na lang ng paraan kaysa ang humingi pa ng tulong sa iba. Kaya lang mukhang itong paraan na nahanap ko… ito pa nga siguro ang magdadala sa akin sa peligro. “Hayaan mo na… nandito na, e. Huli na para umatras pa ako.” I faked my laugh. Gusto ko lang na magpanggap na masaya sa harap niya para naman hindi na mag-alala sa akin itong si Xy. “Huwag ka na mag-alala sa akin. Magiging okay ako, hmm? Kaya ko ito.” “Kaya mo ba talaga?” may pagdududang tanong niya. “Sige nga… sabihin mo nga sa akin kung may plano ka na ba sakaling mahuli ka sa akto ng mga mayayaman na ‘yan? May plano man lang ba sa iyo ang boss mo? Anong ipinangako niya sa iyo sakaling magkabukingan?” “Wala… kasi hindi naman kami mabubuking.” “Sabihin nating nagiging maingat kayong dalawa sa kilos n’yo… pero, Julie… hindi n’yo kayang lokohin habambuhay ang mga taong ‘yon. Darating ang araw na malalaman din nila ang sikretong itinatago n’yo, kaya dapat ay may plano sa iyo ‘yang boss mo.” “Gusto mo bang ako na ang kumausap d’yan?” “Huwag na, Xy. ‘Wag mo nang idawit pa ang sarili mo sa magulo kong buhay. Please?” pakiusap ko. “Marami kang pinagkakaabalahan ngayon, ‘di ba? Marami ka pang pending meetings na kailangang attend-an, mga seminars, fan meetings, fansigning, and if I’m not mistaken, sa second week ng buwan na ito ang premiere ng bago mong movie. ‘Yon na lang ang atupagin mo… ‘wag na ang buhay ko.” “Gusto kong bumalik ka na ulit sa akin kaya ako nagtungo rito… maliban pa sa makahingi ako sa iyo ng sagot.” Namumutawi sa kanyang mga mata ang sincerity ng pag-deliver sa akin ng gusto niyang sabihin. “I want you back, Julie. Kasi kung hindi rin ikaw ang magiging P.A. ko… ititigil ko na ang pag-aartista.” “Xyrus-” “Hindi ko mahanap ang katulad na pag-aalaga na mayroon ka sa bago kong P.A., kasi sa alaga, sermon at pangungulit mo… doon ako nasanay. Iyon ang hinahanap-hanap ko araw-araw… ‘yon ang kulang sa akin simula noong araw na natanggap ko ang resignation letter mo. Ngayong alam ko na ang dahilan ng pagpasok mo sa trabahong ‘yan, handa naman akong tulungan ka. Umalis ka lang d’yan.” “Ako naman ang makikiusap sa iyo, Julie. Alang-alang na rin sa kaligtasan mo.” Ngayon nga ay naiipit ako ng dalawang options na gusto kong parehong piliin… pero isa lang ang valid na dapat kong pindutin. Sa totoo lang… gusto ko na rin talagang sumama kay Xy paalis sa lugar. Gusto kong bumalik na ulit sa normal kong buhay. Ngunit kaakibat ng sinabi ko sa kanya kanina, huli na para umatras ako. Huli na para magdalawang-isip ako na umalis sa trabaho ko. Masyado nang maraming bagay ang naganap… at hindi p’wedeng talikuran ko na lang ito nang gano’n na lang. “I’m sorry… I can’t.” Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay niya. “Isipin mo na lang na nanibago ka rin noong unang beses mo akong maging P.A., kasi ‘di ba hindi ka nga sanay na mayroong parang aso na bumubuntot sa iyo? Gano’n lang din ang magiging pakiramdam mo sa kapalit ko. Sa katagalan na makakasama mo siya, masasanay ka rin at hindi mo mamamalayan na tinanggap mo na ang kapalit ko bilang bago mong P.A., at malaya ka na rin sa akin.” “Let’s just accept that life seemed to be like this… na ang mga tao sa buhay natin, hindi habambuhay ay sasamahan tayo. Because in order to grow, we tend to part our ways.” Ngunit isinaalang-alang ko ang trabaho ko kay Felix. Kilala na ako ng pamilya niya, ng pamilya ng taong ginagamit ko… at kung sakaling parang bigla akong bula na maglaho, mas lalo lang gugulo ang magulo na naming mundo. Pinangakuan naman ako ni Felix na after six months ay pakakawalan na niya ako… kaya’t ang hinihiling ko na lang sa ngayon ay sana lumipas nang kay tulin ang anim na buwan na ‘yon nang hindi nabubuking ang sikreto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD