bc

Love for Sale

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
family
HE
age gap
powerful
heir/heiress
drama
bxg
loser
cheating
poor to rich
addiction
like
intro-logo
Blurb

Gumuho ang mundo ni Jade nang piliin ni Vince na iwan siya at pakasalan si Monica. Napuno ang puso niya ng hinanakit sa dating nobyo na kinalaunan ay nauwi sa galit. Paanong naipagpalit ni Vince ang limang taon nilang pinagsamahan para tuparin ang isang kasunduan? Para saan? Sa kayamanan na nakatakda niyang manahin?

Dala ng kinikimkim na poot ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi siya titigil hanggang hindi siya nakapaghihiganti.

Kaya naman nang manligaw sa kaniya ang tiyuhin ni Vince na si Primo ay kaagad niya itong sinagot, kahit pa malayo ang agwat ng kanilang edad, idagdag pa ang katotohanan na hindi rin niya ito mahal. Para sa isang layunin... ang makapag higanti! Ang maipamukha kay Vince na nagkamali siya nang iwanan siya nito kapalit ng kayamanan at kapangyarihan.

Wala na siyang pakialam kung magmukha man na ipinagbili niya ang kaniyang pag-ibig kay Primo at kung alipustahin man siya ng pamilya ng lalaki ang tanging mahalaga sa kaniya ay masaksihan ang pagdurusa ni Vince.

Ngunit paano kung naging matagumpay na siya sa paghihiganti sa dati niyang nobyo, at ngayon ay kaya na siya nitong ipaglaban? Paano kung ngayon ay ito naman ang nagmamakaawa para lang mahalin niya muli?

Babalikan pa ba niya si Vince o pipiliin niya si Primo? Tunay nga ba na ang puso ay maaring turuan kung sino ang dapat nitong mahalin? Kailan ba masasabi na tunay ang pag-ibig kung umpisa pa lang ito ay may katumbas na salapi?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Fixed Marriage
"Jade! Jade! Jade!", malakas na ani Cheska ang matalik niyang kaibigan. Mabilis na sumilip sa bintana na gawa sa kawayan at pawid si Jade upang tanawin ang kaibigan na noon ay humahangos. Tumatahip ang dibdib nito at namumutla rin. Nakaramdam si Jade ng kakaibang kaba. Kanina lang ay nagpaalam sa kaniya ang kaniyang kaibigan na pupunta sa bayan upang mamalengke pero heto at halos mawalan ito ng ulirat sa pagtawag sa kaniya mula sa labas. "O? Akala ko ba papunta ka sa bayan?" nagtataka niyang sabi. "Jade! Diyos ko Jade!" nangangatal na wika ng babae. Tila hindi magandang balita ang dala ng kaniyang kaibigan. Nagmamadali siyang lumabas sa kubo nilang mag-ina upang kausapin nang masinsinan ang kaibigan dahil base sa mukha nito nakikita niya na hindi magandang nangyari. "Cheska... a..ano ba yung gusto mo sabihin? Bakit ganiyan ang mukha mo?" "Jade... Kailangan mo ngayon pumunta sa bayan sa simbahan!" "Simbahan? Kakasimba ko lang kahapon bakit?" "H'wag kang mabibigla! Yung..yung boyfriend mo si Vince..ikinakasal na! Ikinakasal na siya kay Monica..yung anak ni Don Manuel Encarnacion!" Daig pa ni Jade ang nasabugan ng bomba sa sinabi ng kaibigan. Pakiramdam niya nawala lahat ang lakas na mayroon siya. Nangatog ang kaniyang tuhod at nanginig ang kaniyang laman. Hanggang sa hindi na niya namalayan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Ang sakit! Paanong nagawa ni Vince ang lahat ng ito? Matagal nang ipinagkasundo ng dalawang pamilya ng mga haciendero sina Monica at Vince ngunit gaya ng pangako ng lalaki hinding hindi niya papakasalan ang babae. Dahil tanging siya ang mahal ni Vince! Siya ang mahal ng kaniyang nobyo at hindi si Monica! At naniwala naman siya! Naniwala siya dahil mahal na mahal niya ang lalaki... Naniwala siya na kailanman ay hindi siya pagtataksilan ng lalaking halos limang taon niyang inibig! May magagawa pa siya! Kailangan niyang pigilan si Vince! Ipaglalaban niya ang pag-ibig nila kung hindi kaya ni Vince siya ang gagawa ng paraan upang hindi ito matuloy! "Cheska! Kailangan mo akong samahan!",aniya sa pagitan ng paghikbi. "S...sigurado ka ba? Pipigilan mo ang kasal ni Vince at Monica?",tila nag-aalala na ani Cheska. "Oo! Hindi niya maaring iwanan kami ng anak ko!" "Ha? Anong? B...buntis ka Jade?!" "Oo Cheska! Alam kong ako ang pipiliin niya lalo na kapag nalaman niya na dinadala ko ang aming anak!" Ngayon pa nga lang sana niya balak sorpresahin ang lalaki ngunit mas malaki pala ang sorpresang naghihintay para sa kaniya. "S...sige sandali lang tatawag ako ng tricycle!", walang pag-aalinlangan na ani Cheska. Nasa isang sitio ang kinaroroonan ng maliit nilang kubo. Malayo sa kabayanan at hindi naabot ng mga sasakyan. May mangilan ngilan lang silang kapitbahay na pumapasada ng tricycle kung wala ka masasakyan na tricycle malamang na wala kang pagpipilian kung hindi ang maglakad sa maalikabok na kalsada tuwing tag-araw na maputik naman tuwing tag-ulan. Sa isip niya nananalangin si Jade na makakuha sana kaagad si Cheska ng sasakyan dahil kung kung aasa siya sa bilis ng lakad nila ni Cheska sa halos tatlong kilometro na kalsada palabas ng kanilang sitio natitiyak niyang hindi siya aabot sa simbahan sa bayan at matutuloy ang pagpapakasal ni Vince at Monica. Kapag nangyari yun daig pa niya ang nagpatiwakal! Tama …… mamamatay ang puso niya kung makakasal sa iba ang lalaking pinaka mamahal niya! “Jade! Jade! Halika na bilisan mo!”, malakas na hiyaw ni Cheska. Umaalingawngaw sa malawak na kapaligiran ang matinis na boses ng kaniyang kaibigan. Na para bang isa iyong hudyat para sikapin niyang magmadali bago pa mahuli ang lahat. Simpleng palda at damit na kupas pa ang kaniyang soot-soot. Malinis naman siya at maayos ngunit sa unang tingin pa lang masasalamin na ng sinoman na siya ay isang dukha! Isang pobre na hindi nababagay sa panganay na anak ni Don Menandro Villareal. “Jade hoy ano ka ba? Bilisan mo!”, malakas na hiyaw muli ng kaniyang kaibigan nang mapansin na para bang napako na siya kaniyang kinatatayuan. Noon lamang siya nagbalik sa kasalukuyan. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ng kaniyang kaibigan at kaagad na sumakay sa tricycle na minamaneho ni Mang Damian. “Mga ineng saan ba kayo pupunta?”, wika ng lalaki. May edad na si Mang Damian kaya kilala ito sa kanilang sitio na sobrang bagal magpatakbo ng tricycle ngunit wala na rin tiyak na mapagpipilian si Cheska. Nasisiguro ni Jade na ito na lang ang tricycle driver na maari nilang sakyan dahil sa oras na ito malamang na nasa kabayanan na ang lahat at nakapila na sa terminal. “Mang Damian doon po tayo sa simbahan ng Nuestra Senyora De Guia kailangan po natin bilisan!”, mabilis na sagot ni Cheska habang panay naman ang pag-agos ng mga luha niya sa magkabilang pisngi. Hindi mailarawan ng dalaga ang pait na kaniyang nadarama tila isa iyong matalim na kutsilyo na patuloy na itinatarak sa kaniyang dibdib nang paulit-ulit! Kaagad naman na sumunod ang driver sa sinabi ni Cheska mabilis nitong pinatakbo ang tricycle nang mapansin ang kaniyang pagluha. Marahil kahit paano ay may kutob na ang matanda kung ano ang nangyayari sa kaniya. Maliit lang ang kanilang bayan napaka imposible na hindi rin nito alam kung ano ang nagaganap sa mga sandalling ito sa simbahang katoliko ng kanilang bayan. Kilalang pamilya ang kinabibilangan ni Vincent at Monica hindi ito magiging isang lihim! Alam niyang sinadya ni Vince na itago sa kaniya ang lahat! Sinadya ni Vince na maglihim dahil alam niyang hindi siya makapapayag. Ilang sandali pa at narating na nila sa wakas ni Jessa ang simbahan. Maraming naggagandahang sasakyan sa labas at malakas rin ang boses ng pari na nagsasalita sa mikropono. Alam niya na nagsisimula na ang seremonya ng kasal. Walang lingon likod na tumakbo siya papalapit sa malaki at malapad na pintuan ng simbahan. Kitang kita niya kung gaano kaganda ang ayos ng simbahan sa loob. Kung gaano kasopistikada si Monica sa soot nitong off shoulder na wedding dress na hakab na hakab sa makurba niyang pangangatawan. Pakiramdam niya nauubos ang kaniyang hininga habang tinititigan niya kung gaano kasaya ang lahat habang nagpapalakpakan nang bigyan na ng hudyat ng pari ang groom na maari na niyang halikan ang kaniyang bride. Ito raw ang kanilang unang halik bilang isang ganap na mag-asawa! Nangatog ang kaniyang dalawang tuhod at halos mabuwal siya mula sa pagkakatayo. Nawalan siya ng lakas upang sumigaw ng malakas at pigilan ang kasal ng lalaking minamahal niya. Gustong-gusto niyang pigilan ang kasal ngunit nakita niya na masayang-masaya si Vince habang itinataas ang belo ni Monica. Kitang-kita ng dalawa niyang mata kung paano nagtagpo ang labi ng dalawang taong nasa harapan niya. Kung gaano kasaya si Monica! Masuyo pang dinamipaan ni Monica ng kaniyang mga daliri ang labi ni Vince nang mapansin ng babae na bahagya niya itong nalagyan ng lipstick. Hinawakan pa ni Vince ang mga palad ng babae at ginawaran rin iyon ng masuhong halik na nagpakilig sa lahat ng bisita. “Jade…. Ok ka lang ba? Ano ka- kaya mo pa ba? A…. akala ko ba pipigilan natin ang kasal ng dalawang iyan?”, may pag-aalala sa boses ng kaniyang matalik na kaibigan. “Wa…. Walang nang dahilan para pigilan ko si Vince! Masaya siyang nagpakasal kay Monica…. Isa lang ang ibigsabhin ng lahat ng ito pinaglaruan lang niya ako Cheska! Ginawa lang niya akong t*nga!” Muling naging matunog ang palakpakan ng mga tao sa loob ng simbahan! “Halika na nga Jade! Umalis na tayo sa lugar na ito… bago pa nila tayo makita! Halika na!”, kaagad na sumulyap sa paligid si Cheska at hinila palayo si Jade. Halos hindi siya makalakad ang pakiramdam ni Jade hindi lang labis na kalugkutan ang bumabalot sa buo niyang pagkatao kung hindi paninibugho at galit! Paano nagawa ni Vince ang lahat ng ito sa kaniya? Pinaglaruan lang ba ng lalaki ang kaniyang damdamin matapos niya itong mahalin sa loob ng maraming taon? O na realize na kaya ni Vince na ang gaya niyang mayaman ay para lamang sa mayaman rin na gaya ni Monica? At siya? Isang basahan lang! Isang basahan na pagkatapos na gamitin ay pwede nang itapon dahil hindi na kailangan? “Jade…. Umupo ka muna dito sa bench”, ani Cheska na bakas sa mukha ang labis na pag-aalala para sa kaibigan. May malapit na parke mula sa kinaroroonan ng simbahan at upang makaiwas sa mga mapanuring tingin ng mga tao dito mas pinili ni Cheska na dalahin si Jade. Halos wala nang maiiyak pa si Jade at namumugto na rin ang kaniyang mga mata. “Hmmmm…. Jade, nag-aalala na ako sa’yo! Loko pala iyang ex-boyfriend mo! Ang akala ko pa naman iba siya sa iba pang mga lalaki diyan na pagkatapos maka iskor e nawawala na na parang bula!”, may kasamang inis na bulalas ni Cheska. “Hindi ito dito lang magtatapos Cheska! Isinusumpa ko pagsisisihan ni Vince ang panlolokong ginawa niya sa akin! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
802.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
375.3K
bc

Not just, the Beta

read
358.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook