Episode 1: Sky
"Sky, kelan ba namin makikilala ang nobyo mo? " tudyo sa akin ni lola. Napasimangot nalang ako sa tinuran ni Lola.
" Lola, Im having the time of my life and Im not ready to have a relationship yet." saad ko. Hindi maiaalis ang pag-aalala sa mukha ng matanda.
"Sky, you're already an adult now, you're 27 na apo. Aba'y baka di ko na makita ang magiging apo ko sa'yo. May plano ka bang magpakatandang dalaga? Sayang naman ang ganda mo!" pagpapatuloy ni Lola. Gustk ko sanang idepensa ang sarili ngunit may punto naman siya. Imbes na sagutin ko si Lola, iniiwas ko nalang ang aming usapan.
" Lola, do you want some tea and cake? Nag bake ako. I want you to try it!" ngiti kong alok kay lola at pumayag naman siya.
Nakita ko naman sa reaction ni Lola na naenjoy niya ang cake na binake ko kaya nagpaalam na ko na pupunta na sa kwarto, at tumango siya bilang pagtugon.
Pagpasok ko sa kwarto agad kong kinuha ang aking cellphone at agad na hinanap ang pangalan ng kanyang bestfriend na si Earth sa kanyang cellphone at ng mahanap niya ito, tinawagan niya ito.
Ilang ring din ang kaniyang hinintay bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Yes hello sky?" sambit ng nasa kabilang linya.
"Hello Earth, kumusta? Kelan ka babalik ng Pilipinas? " tanong ni Sky.
" why asked? namimiss mo na ako?" balik tanong niya. K smiled at him na tila ba ay nasa harap ko lang siya, and yes, I missed my best friend so much.
" Of course! Ikaw pa ba? How long has it been ba? 6 months na" tanong ko.
" Dont worry, I'll be home soon and I promise you that I'll stay home for good na." pagsisiguro niya sa kaibigan niya.
" I cant wait! dont forget my pasalubong okay?" mahihimigan ang pagka excited ng dalaga.
"Sure, ikaw pa ba. Eh malakas ka sa akin, you know naman how special you are to me, right?" seryosong saad nito.
"Of course, and ganun ka din sa akin! O sige na ha, baka maiyak pa ako. I loveyou bestie! You take care, okay? " pagpapaalam ni sky at pinutol na niya ang linya.
Si Earth ang nag iisa niyang kaibigan. Mahal na mahal niya ang kaniyang bestfriend na tila ba kapatid na niya ito. Siya ang kaniyang naging sandalan ng mga panahong down na down siya. Lalo ng mga panahong nalaman niya na siya ay isang ampon, tanging ang bestfriend lang niya ang naging sandalan niya. Naalala na naman niya kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong nalaman niya ito, galit na galit siya sa kaniyang totoong mga magulang. Hindi din naman alam ng mga umampon sa kanya kung nasaan at kung sink ang mga magulang ni Sky, basta nalang siyang napulot ng nakilala niyang magulang sa airport. Napahagulgol na lamang ulit siya nb iyak sa isipi na iyon. Hanggang ngayon ay masamang masama parin ang loob niya sa tunay nitong mga magulang na di na niya ninais na mahanap pa. Nakatulog na lamang si Sky dahil sa pag-iyak.
Umaga na ng magising si Sky. Agad siyang nagtungo ng banyo para makaligo bago siya bumaba. Ayaw niyang magpakita sa kaniyang lola ang hitsura niya na mugto ang mata.
Dumiretso na si Sky sa kitchen at nadatnan na niya ang kaniyang Lola na nag aalmusal.
" Good Morning Lola!" masayang bati ni Sky sa matanda bago siya lumapit dito at humalik sa pisngi.
"Good morning too apo, come join me" nakangiting sambit ng matanda kay Sky. Umupo na din sa lamesa si Sky at kumuha ng bacon, egg and a slice of bread sa kanyang plato at masayang nagkwentuhan ang dalawa habang nag aalmusal.
Pagkatapos mag almusal ay nagpaalam ang dalaga upang pumunta sa shopping mall upang makapag labas siya ng stress. Nagbihis agad si Sky ng makapag paalam, nagsuot siya ng isang white lace fitted na off shoulder dress na tinernohan niya niya ng white strappy sandals. Hinayaan lang niyang nakalugay ang kaniyang makapal at alon alon na buhok. naglagay di siya ng light make up. Nang kuntento na siya sa kaniyang itsura ay lumabas na siya at nagtungo sa kaniyang sasakyan.
Nang makarating sa parking lot si Sky ay agad siyang dumiretso sa entrance ng mall. Naglakad lakad siya roon, namili ng mga kailangan niyang gamit ang nag shopping na dun ng mga bagong damit. Ipinili na din niya ang kaniyang Lola, balak niyang regaluhan ito. Isang blouse na may flower pattern ang napili nito sa kaniyang lola. Mahilig kasi ito sa mga bulaklak.
Dahil sa pamimili, biglang nakaramdam na ng gutom si Sky. Ala una na ng tanghali, kaya napagpasiyahan niyang kumain sa isang restaurant na malapit sa kanya.
Hinihintay na ni Sky ang order niya ng mapansin niya ang isang gwapong binata na gulat na gulat at titig na titig sa kanya. Hindi alam ni Sky kung ano ang mararamdaman dahil kumakabog ang kaniyang dibdib para dito. Gwapo ang lalaki, May maamo itong mata, makapal ang mga pilik mata, matangos ang ilong, at may mapupulang mga labi na tila kay lambot lambot at may matipuno itong pangangatawan. Nagulat na lamang siya nang galit na ang nakikita nito sa mata niya at bigla ay takot na lamang ang kaniyang nadarama.