Epilogue

2631 Words
Nakatanaw ako sa papalubog na araw. Napangiti ako dahil nakita ko ulit ang kagandahan n’yon. “Hmm.” Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likuran ko. “Daniel?” Lumingon ako sakanya pero nanatili lang itong nakapikit habang nakayap sa akin. Ang sarap nitong titigin, mala-anghel ang anyo nito kapag nakapikit. Inalalayan niya ako sa isang duyan sa hindi kalayuan, doon kami naupo habang pinapanuod ang ganda ng paligid. ---Flashback---- “Daniel…” Nagising ako ng may luha sa mga mata. Hinawakan ko ang pisngi nito. “Daniel…a-akala ko panaginip lang lahat.” “Hssh.” Pinunasan nito ang mga luha ko at bahagya itong ngumiti. “Totoo ako.” “P-pero paano?” Naguguluhang tanong ko dito. Umupo si Daniel sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko bago nito simula ang kwento… “That night, sobrang natuwa ako kasi nakita kita ulit na kumakanta…pero yung tuwa na iyon ay napalitan ng takot dahil alam kong hindi ko na kaya. Yun yung araw ng concert mo, Moo. Ang huling narinig ko noon ay ang pagtawag ni mama sa doctor then everything went black.” “Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, doon ko nakilala yung dalawang mag-asawa na nagpakilalang mga magulang ko, mga tunay na magulang ko. Gulung-gulo ang isip ko noon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako or magagalit but when they revealed the truth, naintindihan ko. Matagal na daw nila akong hinahanap. Pero hindi nila akalain na doon nila ako mahahanap. Nasa isang hospital ako sa Canada noon, doon din nagtatrabaho ang mga real parents ko. Parehas silang Doctor, and the odd thing is…sila ang naka-diskubre ng cure para sa Renteria’s Disease.” Habang kinukwento ni Daniel iyon ay kitang kita ko kung paano ito napangiti ng buo. Buo na ang pagkatao nito dahil sa wakas ay nakita na niya ang mga tunay nitong magulang. “Kasama ko din doon sina Mama.” Ang mama na tinutukoy nito ay si Tita Karla. “Pinaliwanag nila sa akin ang lahat. Nung araw ng concert mo, muntik na daw akong mamatay, buti na lang ay naagapan agad ako ng doctor. Sobrang natakot si mama kaya agad niyang kinausap ang doctor na gawin ang plano niya. Ang plano niya ay ipakita sa lahat na namatay ako.” Kaya pala hindi ako hinayaan ng Doctor na yakapin ng matagal si Daniel noon para hindi ko maramdaman na buhay pa nga ito. “Kath, humingi din ng tawad si mama sa ginawa niya saiyo. Nakwento niya na ikaw ang sinisi niya sa nangyari. Pero pinaliwanag niya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Umarte lang ito para maging mas totoo ang binabalak nila.” “Daniel, hindi naman ako nagalit kay Tita Karla pero aaminin ko na all these years sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ka ‘namatay’” I emphasized the word ‘namatay’. Nakaramdam ako ng lungkot sa paraan nang pagtitig nito sa akin. Hinawakan nito ang pisngi ko, “Moo, hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan. Pakiusap wag na wag mong sisisihin ang sarili mo ha?” Napangiti na naman ako, ito ang pinaka-namimiss ko dito. Ang paglalambing niya, “Continue.” “Nung una, nagalit ako dahil pinangunahan nila ako. Pero nung narealized ko na para sa akin din ang ginawa nila papa kaya nawala yung galit ko. Kinunbinsi nila akong mag-undergo nung operation. Ayaw ko talaga nung una pero pumayag din ako nung pinakiusapan na rin ako ng mga totoo kong magulang.” “May 3, 20**. Yun ang araw ng operasyon. Natatakot ako pero inisip ko na lang yung mga taong gusto kong makasamang muli, sina papa at mama na gusto kong makasamang muli, ang mga totoo kong magulang na gusto ko pang makasama, at ikaw…na hindi ko kayang iwan.” Hinigpitan nito ang paghawak nito sa kamay ko. “August 26, the same year ng operation ko. Doon lang ako ulit nagising. I was very happy that time kasi nabuhay ako means makakabalik na ako saiyo. Kaso pinaliwanag ng mga doctors na hindi pa doon natatapos, hindi nila itinuloy ang operation dahil hindi daw nagrerespond ang katawan ko. Na-coma na naman ako ng four months.” “November 18, yun ang araw ng continuation ng operation. Nagising ako after a month. Doon, naging mas masaya ako dahil akala ko maayos na ako. Pero nasabi ng doctor na marami pang treatments na gagawin. Ipinagpatuloy ko yung treatment, dalawang taon din iyon bago mawala yung Renteria’s Disease ko. Akala ko after wala ng sakit ko ay makakabalik na ako saiyo, pero hindi pala ganun kadali iyon. Kailangan ko pang magpahinga, para mabawi ko na ulit yung lakas ko.” “Three months din ang lumipas bago ako maka-fully recovered. January 23, this year, lang kami nakauwi ng Pilipinas. Hindi ko kasama yung totoong parents ko dahil nagpa-iwan muna sila sa Canada. Hindi ako pwedeng lumabas dahil baka may makakita sa akin, ayaw ko muna kasing magpakita sa mga taon nakakakilala sa akin dahil hindi pa ako ready na magpaliwanag sa lahat at ang gusto ko ay sa’yo ako unang magpapaliwanag.” Kinilig ako sa sinabi niya, talagang adik na sa akin ang lalaking ito. Hinalikan ko siya sa pisngi na kinagulat nito. Tumingin ako sakanya, halatang kinikilig ito. Haha “Moo naman eh. Mamaya na lang iyan.” Pilyong sabi niya bago magpatuloy sa pagkukwento. “Gusto kong magpaliwanag sa iyo pero hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Kahit mga parents mo ay hindi alam kung nasaan ka kaya ang sabi nina mama, hinatyin ko na lang daw yung araw na ‘third death anniversarr’ ko which is Valentine’s Day. Belated Happy Valentine’s Day pala, Moo. Baka kasi hindi mo narinig nung binate kita kagabi, ang himbing kasi ng tulog mo.” Hindi muna ako sumagot. “Saan ka pala pumunta? Bakit hindi ka mahanap?” Tanong nito, iyon ang hinihintay kong itanong niya. “Nagpunta ako sa Paris. Doon ko naisipang tumira habang pinipilit na mag-move on kaso hindi ko rin nagawa. Naging malaya ako sa Paris dahil konting-konti lang ang mga nakakakilala sa akin doon kaya kahit papaano ay nakakahinga ako ng maluwag. Hindi pa ba alam ng parents ko na buhay ka?” Tanong ko dito. “Hindi pa, wala pang ibang nakakaalam. Ikaw pa lang.” Hinawakan ko ang pisngi nito at unti nti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. “D-Daniel…sorry kung naisipan kong magpakamatay. I love you.” Ito na ang gumawa ng next step, nagpalunod na lang ako sa halik niya habang nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng ito. ---End of Flashback--- “Ready ka na ba, Daniel?” Tanong ko sakanya habang nakaupo pa rin kami sa duyan. Dalawang buwan na rin kaming nagbakasyon. Naisipan kasi namin na maghanda muna bago ulit magpakita, dahil siguradong uulanin kami ng issues. Naisipan naming after this day ay magpapakita na kami. Tutal, sapat na sa amin ang dalawang buwan na nagsama kaming muli. Naipaliwanag na rin niya sa mga magulang ko at sa ibang kamag-anak niya ang nangyari, naintindihan naman nila. Last week, dumating na sa Pilipinas ang mga tunay na Parents ni Daniel. Naipaliwanag na rin nila sa amin ang lahat, noong sanggol pa lang daw si Daniel, ay mag nanguha sa kaniya. May isang lalaki na nagalit daw sakanila dahil hindi daw nila napagaling ang asawa niya kaya naghiganti sila gamit ang bagong silang na anak nila, na si Daniel. Nasabi rin nila na hindi na daw nila papalitan ang surname ni Daniel, mas maganda daw kung mananatili siyang ‘Padilla’ dahil sina Tito Rommel naman daw ang nag-alaga kay Daniel kaya nagpaubaya na lang ang mga ito. “Ready na.” ** Three days after… “Malayo pa ba?” Tanong ko kay Daniel na kasalukuyang nagmamaneho. Kahapon ay naipaliwanag na namin sa madla kung bakit bigla itong nabuhay sa pamamagitan ni Tita Brianne, isa sa mga sikat na reporter at host sa TV. Maraming gustong mainterview kami ulit pero sinabi namin na kami mismo ang magpapa-interview kapag ayos na ang lahat. Humingi din ako ng paumanhin sa mga big bosses namin sa Network dahil sa biglaan kong pagkawala. Ang sabi nila, naintindihan nila ako at welcome na welcome pa rin daw kami ni Daniel kung naisipan namin dito pumirma ng contract. Nakapirma na ako before ng one year contract kaya wala ng bias ngayon iyon. Kanina bago kami bumyahe ay sabay kaming pumirma ng three year contract sa network na iyon. “Malapit na lang.” Sagot ni Daniel, pupunta kasi kami sa isang orphanage para kantahan yung mga bata. First time naming gagawin ito kaya sobrang excited na ako. -fast forward- Nakangiti ako habang tinitignan yung mga batang naglalaro. Halos maiyak ako sa tuwa nang makita ko ang saya ng mga bata sa mga binahagi naming mga school supplies kanina. Galing din ako sa ampunan na iyon, kahit napaka-bata ko pa noon ay alam ko kung anong pakiramdam kapag may bumibisita sa amin at nagbabahagi ng mga gamit. Kanina nang kinantahan ko ang mga ito, pakiramdam ko may isang bahagi ng puso ko ang bumukas para sa mga bata na iyon. “Ate Kath! ‘ingnan nyo po ti Kuya ‘Anyel!” Tinuro nung isang maliit na bata si Daniel na kasalukuyang inaayos ang gitara nito. “Ati, ang pogi ni ‘uya!” Bulol na sabi naman ng isang bata. Ibang klase talaga si Daniel, kahit mga bata, nabibihag sa kagwapuhan niya. “Waaah. Kakanta siya!” Sigaw namn nung isang batang babae. Inayos kasi ni Daniel yung microphone. Nasa garden kami ng bahay ampunan. Malaki kasi ang space non kaya doon namin naisipang gawin ang munting party para sa mga bata. “Ang pag-ibig, hindi parang cellphone Pag naluma, papalitan Ang pag-ibig, hindi parang damit Pag may bagong uso, papalitan Kung sabihin kong mahal kita Yan ay totoo sinta Huwag na 'wag kang magdududa Hindi kita binobola” Tuwang tuwa ang mga bata dahil kumakanta ang ‘ultimate crush’ nila. May mga batang napapasayaw pa habang kumakanta ito. Tawa naman ako ng tawa kasi bawat line yata na kinakanta ni Daniel ay kumikindat ito sa akin. “Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago” Isa ang kantang ito sa mga paborito ko. Ito kasi ang nagpa-ibig kay Daniel. Ito kasi ang kantang ito ang kinakanta ko nang una akong makita ni Daniel. “Ang pag-ibig, hindi parang pagkain Pag pinagsawaan, ipamimigay na lang Ang pag-ibig, hindi parang pusa Pag maingay, ililigaw nalang Kung sabihin kong mahal kita Yan ay totoo sinta Huwag na 'wag kang magdududa Hindi kita binobola” Nakatingin lang ito sa akin na lalong nagpapakilig sa akin. Kasi naman eh…bakit ba kasi ang gwapo niya at ang swabe pa ng boses niya. “Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta Kahit na ika'y tumaba, hindi ako mangangaliwa Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta Kahit na magka-wrinkles ka, ikikiss pa rin kita” Natawa na naman ako nungnag-flying kiss pa ito sa akin. Yung mga ibang batang nagsasayawan ay kinilig din, akala siguro nila para sakanila yung flying kiss na iyon. Kinuha nito ang mic sa stand at saka lumapit sa akin habang kumakanta. Hindi ito agad nakalapit dahil sa mga batang humaharang sa kanya. “Kung sabihin kong mahal kita Yan ay totoo sinta Huwag na 'wag kang magdududa Hindi kita binobola” Iniabot nito sa akin ang dalawang sobre, ang isa ay kulay blue at yung isa ay white na may magandang design. Kumakanta pa rin ito habang binabasa ko yung laman ng mga sobre. Ang unang words ang nakakuha ng atensyon ko… [Padilla-Bernardo Nuptial] Tumingin ako kay Daniel na nakaluhod ang isang nitong tuhod habang nagpapatuloy sa pagkanta. “Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta Kahit na tupakin ka, iintindihin kita Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta” Ngumiti ako sakanya at sinabayan ko siya sa pagkanta sa last line. “Kahit na ika’y mawala…ikaw pa rin at wala ng iba.” Habang nakaluhod ito ay hinawakan niya ang pisngi ko. Pinunasan pala niya ang mga luhang tumulo sa mata ko. Hindi ko man namalayan na lumuluha na pala ako sa saya. “Life has been really hard on me. But everytime I think of you, I can’t help but smile. You have been there on my darkest days and nights, I am very thankful for that, Moo.” Seryosong sabi sa akin ni Daniel. “M-Moo, anong sobre ang pinipili mo?” Tanong nito sa akin. Muntik na akong matawa, halata kasi sakanya na kinakabahan ito. Ngumiti ako sakanya at itinaas ang asul na sobre. Ngumiti siya sa akin at saka ito tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Rinig na rinig namin yung hiwayan at tuksuhan ng mga batang nasa paligid. Hinalikan lang ako ni Daniel sa pisngi dahil nga may mga bata. Yung dalawang sobre ay mga wedding invitations para sa kasal namin. Parehas lang ang laman ng mga iyon except sa kulay at sa date ng wedding. Pinili ko yung blue na wedding invitation dahil mas malapit na yung date na nakalagay doon. In two weeks…magiging Kathryn Bernardoo-Padilla na ako. “I love you, Daniel” Ngumiti muna siya bago niya ako sagutin, “I love you too, Mrs. Padilla.” Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib, “Excited ka ah!” Sumabay ang mga bata sa tawanan namin…at ang mas nakakagulat pa ay nung narinig ko rin yung mga tawanan ng mga parents namin. I feel so blessed and loved. ** Pagkatapos kong isulat ang Epilogue ng story na iyon ay isinara ko na yung journal ko. Pumasok sa tent ko ang assistant ng Directornamin. “Mrs. Kathryn Padilla, tinatawag ka na ng Director. Next na daw yung last scene niyo.” Ngumiti ako dito, “Wait lang po.” Itinago ko muna yung Journal ko bago sumunod sa kanya sa labas. Pagkalabas ko ay nakita kong kinakausap ng director si Daniel. May ginawa na naman siguro itong kalokohan, napaka-kulit kasi nito kapag nasa set. “Oh ayan na pala si Kath. Mag-ready na kayo.” Sabi ng director pagkakita sa akin. Humalik si Daniel sa pisngi ko, “Moo, ang tagal mo namang lumabas.” Reklamo nito. “Natapos ko na yung story natin.” “Talaga? Babasahin mo ba sa akin iyon, mamaya?” Niyakap niya ako patalikod. “Sure.” “I love you, Moo.” Bago pa ako makasagot ay inangkin na nito ang mga labi ko. Kahit na naging mag-asawa na kami ay hinding hindi pa rin nagbabago ang epekto ng halik niya sa akin. Pagkatapos ng halik ay sinabihan ko ito na mahal ko rin siya. Hahalikan pa sana niya ako muli nang… “Cut! Okay na ‘to para dun sa last scene. Good job, guys!” Sigaw ng director para sa first movie namin ni Daniel. Nilapit ni Daniel ang bibig niya sa tenga ko, “Uwi na tayo, Moo?” Nanlaki ang mata ko sa gusto nitong mangyari. “Ihh! Ikaw talaga Daniel ah! Ang pilyo mo!” Hinahampas hampas ko siya ng mahina. Tawa naman nang tawa si Daniel. Hahampasin ko sana ulit siya kasi pinigilan niya ang dalawa kong kamay at mabilis niya akong hinalikan sa labi. “I love you forever, The Unseen Superstar.” -The End- Thank you for reading! -Joycei♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD