Journey 15

1818 Words
Tahimik lang akong nakatago sa isang cottage malapit sa dagat. Nandito ako sa resort kung saan naganap ang isang importanteng pangyayari sa buhay ko, dito sa resort kung saan naganap ang kanyang marriage proposal. Tahimik akong umiiyak habang nakatanaw sa mga bisiti ni Daniel. Ang kanyang mga bisita para sakanyang 3rd Death Anniversary. Mag-gagabi na pero hindi pa rin nauubos ang mga dumadalaw dito. Mga tagahanga, kaibigan, at mga ibang kamag-anak. Maaga akong pumunta dito sa resort, pero hindi ko nakita ang mga magulang ni Daniel. Sa pagkakaalam ko ay nag-migrate na sila Tita Karla at Tito Rommel sa ibang bansa, katulad ko, para mag-move on. Nakita ko rin ang pagdating nina mama kasama ng ibang pinsan ni Daniel, pero hindi ako nagpakita sa mga ito. Hindi pa ako handa. Tatlong taon na pero hindi ko pa kayang harapin ang sinuman sakanila. Sa tuwing nakikita ko kasi sila ay naaalala ko ang mga paghihirap ni Daniel. Tumingin ako sa wristwatch ko, mag-sisix na. Ilang sandali na lang ay aalis na ang lahat ng tao. Kinausap ko kasi ng palihim ang may-ari ng resort na iyon para isara na ang gate kapag nag-six pm na. Naintindihan naman niya ako kaya pumayag ito. Dito kasi sa dagat na ito ibinuhos ang mga abo nito pagkatapos ma-cremate. “Daniel ko, naiinip ka na ba? Ilang sandali na lang ay magkakasama na rin ta’yo.” Muli kong hinawakan ang isang daliri ko kung nasaan nakasuot ang engagement ring na ibinigay sa akin ni Daniel. Nakita kong nagsialisan ang mga tao. Bigla ding may kumatok sa cottage na kinaroroonan ko. Ito na ‘yon. “DJ…magkakasama na ulit ta’yo.” “Ms. Kathryn, wala na pong tao. Isinara na din ang resort, pwede na po kayong lumabas.” Boses iyon ng tagapamahala ng resort na iyon. Agad ko din namang binuksan ang pintuan. Lumakad na ako palapit sa dagat pagkatapos kong magpasalamat dito. Punong-puno ng bulaklak sa dalampasigan. Ngumiti ako ng tipid. “Daniel, madami ka pa ring fans. Iba talaga kapag pogi.” Tumawa ako sa sarili ko joke. Peron ang marealized ko kung bakit ako naroon ay bigla na lamang ako napaiyak. “D-Daniel…bakit ganon? Tatlong taon na, pero masakit pa rin. Ayaw mo ba akong pakawalan? Gusto mo na bang magsama tayo ulit? H’wag kang mag-alala…ilang sandali na lang ay magkakasama na ulit ta’yo.” Lumuhod ako sa may buhangin at hinayaan kong mabasa ako ng mga dumarating na alon. “Daniel, ang unfair talaga ng mundo ‘no? Ang ibang taong namamatayan ng minamahal ay may naiiwan na isang batang pagtutuunan nito ng pansin. Pero bakit ako…naiwan akong mag-isa? B-bakit mo ba ako hindi binigyan ng anak?” Natawa ako, ni minsan kasi ay walang nangyayari sa amin ni Daniel, umaapaw ang ibinigay nitong respeto sa akin noon. “S-sana kung may anak ta’yo, magkakaroon ka ng junior. Magiging kamukha mo siya, parehas kayong sobrang gwapo.” I faked a smile. “D-Daniel…sobrang lungkot ko. Wala akong makasama. Kahit gustung-gusto kong umuwi kina papa…pero hindi ko magawa. Sa tuwing makikita ko sila ay lalo akong nasasaktan at alam kong lalo din silang nasasaktan.” “Daniel…ikaw ba, malungkot ka ba dyan? Namimiss mo din ba ako?” Hinawakan ko ang dibdib ko para pigilan ang sakit na nararamdaman ko ng dahil sa kakaiyak ko. “D-Daniel…naaalala mo pa ba ako?” ♪ I keep your picture by my bed For when I'm feeling sad And I don't know why I would be The way your smile looks so real I feel like I could start to understand your grace ♪ “Daniel…sunduin mo na ako. H-hindi ko na kayang mabuhay pa ng ilang araw na wala ka. Gusto ko nang tapusin itong paghihirap ko. Naiintindihan mo ba ako, M-Moo?” Tumingala ako sa itaas. Palubog na ang araw, sobrang ganda ng araw. Pero…ito na siguro ang pinakahuling pagkakataon na masisilayan ko ito. ♪ But I… I don't understand Why you're not here with me And I I don't even wanna know Where else you'd be ♪ “Daniel…miss na miss na miss na kita. Gusto na kitang makasama ulit. Pagbigyan mo na ako oh.” Muli kong pinunasan angmga luha ko. Pero lalo lang akong naiyak, bigla ko kasi naalala yung mga times na si Daniel pa ang pumupunas sa mga luha ko. Napatingin ako sa harapan ko. Nanlalabo pa ang mata ko dahil sa mga luha ko…pero alam ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Ang lalaking ito ay nakatapak sa dagat habang nakatingin sa akin. “D-Daniel?” ♪'Cause I have photographs and memories Of the times When you weren't on my mind And I was alone And I have poetry and drawings Of my life when you weren't on my side And I didn't know Just what is love ♪ Kahit na nanghihina ako ay pinilit ko pa ring tumayo. Pagkatayo ko ay humakbang si Daniel palapit sa akin…nakatulala lang ako dito, hindi ako makapaniwala. Buhay ito! Buhay si Daniel! Pagkalapit ni Daniel ay hinawakan nito ang isang kamay ko, kitang-kita ang lungkot at pagkasabik sa mga mata nito. Hinalikan ni Daniel ang kamay ko habang ito ay umiiyak. “D-Daniel…please don’t cry, nandito na ako.” Nilapit ko ang mukha ko kay DJ, gusto ko itong halikan…gusto ko ulit maramdaman ang mga labi nito. ♪ Writing moments on the wall The different color keeps My mind away from missing you And I can't wait to fall asleep Slip into my dreams Where we can dance upon the stars ♪ Ilang minuto ang ang lumipas pero hindi ko pa rin maramdaman ang mga labi ni Daniel. Napalua na naman ako…umasa na naman ako. Sa tatlong taon na pagkawala niya, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-hallucinate na nakikita at nakakausap ko siya. Hindi ba pweding ma-malikmata na lang ako habang buhay? Buti ba doon ay nakikita ko siya at nakakausap. Dire-retso na akong naglakad, nararamdaman ko na ang lalim ng dagat, gusto ko ng tapusin ito. Hindi ko na kaya. “D-Daniel…mahal kita kaya ginagawa ko ito. Magsasama na tayong muli, masaya ka ba? Kasi ako…malapit na…alam kong sasaya na ako pagkatapos nito.” ♪ And I… I'll be as patient as a boy In love could ever be And I I feel like I wasn't real Until you were a part of me ♪ Nagstay muna ako dun sa isang bahagi ng tubig kung saan nakalutang ang mga bulaklak na iniwan nila para kay Daniel. Iba’t ibang klaseng bulaklak na galing sa iba’t ibang nagmamahal kay Daniel. Wala akong ibinigay na bulaklak para kay Daniel dahil alam kong hindi sapat ang bulaklak para ibigay kay Daniel. Ako, sarili ko ang dapat kong ibigay sakanya. Dapat matagal ko nang ginawa ito… ♪'Cause I have photographs and memories Of the times When you weren't on my mind And I was alone And I have poetry and drawings Of my life You weren't on my side And I didn't know Just what is ♪ Madilim na sa paligid…isang ilaw na lang ang nakasindi sa isang poste sa hindi kalayuan. Nagsimula ulit akong lumakad papunta sa kalaliman ng dagat. Konting tiis na lang, Daniel. Magkakaroon na rin ng bituin ang langit mo. Nasabi mo sa akin dati na ako ang langit mo ‘diba? Naniniwala akong…ako pa rin. Hintayin mo ako, Moo. ♪ I need you back I need you back I need you here I need your smile I need your eyes I need you dear ♪ “Daniel ko….malapit na..” Huling sambit ko bago ako tuluyang lumulubog sa dagat hanggang sa hindi na akong makahinga. Ipipikit ko na sana ang mata ko subalit may kung sinong pumigil sa binabalak ko. Lumangoy ito habang nakahawak sa aking bewang na naging dahilan para sumama ako dito. Mabilis itong lumangoy kaya agad kaming nakarating sa hindi kalaliman ang tubig ng dagat na iyon. Napa-ubo ako dahil siguro sa mga nainom kong tubig-dagat kanina. Nanlalabo pa ang mata ko dahil sa muntikan kong pagkalunod kanina, na sinasadya ko naman. ♪'Cause every line on your face Makes a beautiful maze For my eyes to trace ♪ Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Nabibingi ako…sa pinagsamang lakas ng t***k ng puso nito..at ng puso ko. Isang tao lang ang nakakapagpa-t***k sa puso ko ng ganito. Mariin akong pumikit. “Lord, please po…wag niyo na akong gisingin. Ayos na ako sa ganito. Na kahit sa guni-guni ko lang ay nayayakap ko siya.” Bulong ko. Sana pakinggan ako ni Lord. Umalis na sa pagkakayakap ang lalaking sumagip sa akin kanina. Hinawakan nito ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Kaya unti-unti na ring lumilinaw ang paningin ko. Siya nga. ♪ Every line on your face Makes a beautiful maze For my eyes to trace ♪ “M-Moo, please wag na wag mo nang gagawin iyon. Hindi ko kakayanin. Naiintindihan mo na ako? Tandaan mo ‘yan ah.” Muli akong lumuha nang sakupin ng lalaki ang mga labi ko. Nagpadala ako sa halik. Lord, wag niyo na po akong gisingin. Nakikiusap po ako. “D-Daniel ko?” Mahinang usal ko nang pakawalan nito ang labi ko. “Hindi ka nananaginip, Moo. Buhay ako. Hindi na kita iiwan. Hinding-hindi na.” Tinignan niya ako ng matagal at muli kong naramdaman ang paghalik nito sa labi ko. Binuhat ako nito nang hindi pinuputol ang halik at dahan dahang naglakad paalis sa dagat. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nito pagkatapos ng halik. ♪ Photographs and memories Of the times When you weren't on my mind And I was alone♪ Pagpasok namin sa cottage ay kinuha nito ang twalya at ibinalot sa katawan ko, “Magpahinga ka muna, Moo, before I explain everthing.” Sabi nito habang dahan dahan akong ibinibaba sa kama. Kumapit ako sa basa nitong damit. Ayaw kong iwanan niya ako, ayaw ko ng maiwan ulit. He smiled, “Hindi na ako mawawala, Moo. Pangako ko ito saiyo.” Sabi ni Daniel bago niya ako bigyan ng halik sa noo. “I love you, Daniel.” Hinaplos nito ang buhok ko, “I love you more than yesterday and I will never stop loving you, Kath” Bago ako pumikit ay tahimik akong himingi ng tawad sa Panginoon dahil sa nagawa ko kanina. Sa loob ng maraming taon…ngayon lang ako nakatulog ulit ng mahimbing…dahil alam kong nasa tabi ko ang star ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD