(Daniel’s Point of View)
“Anak, si Kath oh.” Narinig ko na naman ang excited na boses ng mama ko habang pinapanuod nito ang concert ni Moo ko via Pay-Per View. Hindi niya daw kasi ako maiwan kaya sa TV na lang siya nanuod.
Siya nga. Kanina ko ko pa naririnig ang boses nito. Naka-sampung kanta na siya. Wala pa rin talaga itong pagbabago, napakaganda pa rin ng boses nito.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko pa rin magawa. Napaka-bigat nila o sadyang napakahina ko lang kaya kahit imulat lang ang mga mata ko ay hindi ko na magawa.
“Anak, ang ganda ganda ni Kath.” Alam ko kung anong ginagawa ni mama. Gusto niya akong ingitin para subukan ko pang ibukas ang mata ko.
“DJ, naririnig mo ba? Ang dami niyang fans, ang daming sumisigaw.”
“M-mama…t-tu…lu…ngan n-ni..yo a..ko.” Unang beses kong nagsalita, kahit mahina…sana maintindihan ni mama.
Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko. Mukhang naiintindihan na niya ako.
“P-pero anak…hindi ka pwedeng umalis dito sa ospital.”
“Ka…hit.” Sinikap kong ituloy ang sasabihin ko kahit sobrang hina lang.
“s-sa…T..V l-lang.”
Narinig ko na naman ang ayaw kong naririnig mula kay mama,umiiyak na naman ito.
“A-anak…” Huminga ito ng malalim, “H-hawakan mo ang kamay ko.” Pinilit ko namang hawakan ang kamay ng mama ko.
“At dahan dahan mong buksan ang mga mata mo…” Hinigpitan ni mama ang pagkakahawak sa akin.
Sinubukan ko ulit buksan ang mata ko…pero hindi ko pa rin kaya.
“Anak, kaya mo ‘yan. Dahan dahan lang…”
Narinig ko ang tawa ng Moo ko mula sa TV. Moo, gusto na ulit kitang makita.
“Anak…kayanin mo.” Hinigpitan ko ang hawak ko kay mama hanggang sa dahan dahang bumukas ang mata ko.
Nakita kong pinunasan ni mama angmga mata nito at saka ngumiti habang tinuturo ang TV sa tabi nito.
“S-si…M-Moo k-ko….”
Pasakay sa isang heart na nasa ere si Kath. Nang nakasakay na ito ay dahan dahang binababa ang sinasakyan nito habang siya ay kumakanta. Kitang-kita ko ang takot at kaba sa mga mata nito pero nakangiti pa rin ito ng pagka-ganda-ganda.
“When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?”
Kumakanta ito habang nakapikit. Natatakot pa rin pala ito sa matataas.
“Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up”
Ipinakita sa camera ang mga taong sumusuporta sa Moo ko. Sana nandun din ako para suportahan si Moo ko.
“And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find
'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up”
“M-ma….s-si Kath…” Ang ganda ganda niya at ang galing galing pa. Mama, gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako ka-proud sakanya kaso, mama, hindi ko na kaya.
“I don't wanna be someone who walks away so easily
I'm here to stay and make the difference that I can make
Our differences they do a lot to teach us how to use
The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake
And in the end, you're still my friend at least we did intend
For us to work we didn't break, we didn't burn
We had to learn how to bend without the world caving in
I had to learn what I've got, and what I'm not, and who I am”
Okay na ako na kahit sa huling pagkakataon ay makikita ko siyang kumakanta. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakanya pagkatapos, ang hiling ko lang ay sana maging masaya siya kahit na mawalan siya ng star.
“I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up, still looking up.”
Hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag iniisip ko na hindi ko na ulit siya makakasama. Ang sakit kasi eh, ang sakit sakit lalo na kapag alam mong hindi siya magiging okay kung iiwan mo siya.
“Well, I won't give up on us
God knows I'm tough enough
We've got a lot to learn
God knows we're worth it”
Bumaba na si Kath dun sa heart shape na sinasakyan nito kanina. Nung cinlose-up ito sa camera ay kitang kita ang mga luhang tumulo galing sa mata nito. Moo, please don’t cry. I can’t be there to wipe those tears away.
“I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up”
Ayos na sa akin na kahit sa huling pagkakataon ay makita ko siyang kumakanta. I think this is the time, my time…to leave. I closed my eyes.
“M-ma..ma.” mahal na mahal ko kayo ni papa, kasi kahit hindi niyo naman ako tunay anak, you still accepted me as your own son. Thank you so much for that.
Naramdaman ko ulit ang pagkahawak sa akin ni mama. “Anak, pakinggan mo siya.”
“T-This concert is because of his love. This is for him. “ She didn’t speak for almost a minute. All I hear is her cry.
“D-Daniel, we won’t give up. M-Moo, please don’t give up. I love you.”
“M-a…ma.” Pakisabi naman po kay Kath na mahal na mahal ko din siya. Pero..mama, kayo na po ang huminga ng sorry sakanya. Kasi po hindi ko na kaya…hirap na hirap na ako. Kahit na gusto ko pang lumaban hindi ko na rin kakayanin. Mama, wag niyo pong kalimutang sabihin sakanya iyan ha? Ma, ayaw ko ng magpaka-selfish sakanya kaya…pinapakawalan ko na po siya pero hindi ibig sabihin non na hindi ko na siya mahal…kasi imposibleng mangyari iyon. Pakisabi na rin po na patuloy ko siyang mamahalin.
Kusang lumalabas ang mga luha sa mata ko habang sinasabi ko ang mga iyan sa isip ko. Sa sobrang hina ko hindi ko na rin magawang magsalita. Kaya umaasa na lang ako na maiintindihan ako ni mama.
“M-ma…ma…” Naramdaman ko ulit ang hawak ni mama habang patuloy pa rin ang iyak naming mag-ina. Mama, nagpapasalamat po talaga ako sa Panginoon na ibinigay Niya kayo sa akin. Salamat po sa lahat.
“Anak…Anak?! DJ!” Sa huling pagkakataon ay narinig ko ulit na tinawag ako ni mama sa pangalan ko.
“DOC! DOC!”
When I first met this girl…she was singing a weird song. The funny thing is…she was also singing this night.
**
(Kathryn’s Point of View)
“Congrats, anak! We’re so proud of you.”
“Salamat po, ma.” Sagot ko kay mama at saka hinanap ng mga mata ko si papa.
“Ma, si papa?”
“Ewan ko nga dyan sa papa mo. Kasama ko lang kanina tapos ngayon biglang nawawala.” Sasagot pa sana ako kaso biglang nagsidatingan angmga staff pati na rin yung Director, na siyang ring magiging director para sa first movie ko.
“Kath, ‘celebrate tayo?” Tanong nito sa akin.
Ngumiti namana ko dito, sasagot na sana ako ng ‘hindi’ kaso bigla namang dumating si papa.
“Hon, saan ka ba nanggaling?” Tinanong ni mama si papa pero wala itong nakuhang sagot mula rito.
Nagtitinginan naman yung mga ibang kasama namin sa silid na iyon. Nagtataka ang mga ito kung anong nangyayari dahil bigla na lang nililigpit ni papa ang mga gamit namin na mukhang nagmamadali pa.
“Anong nangyayari?” Tanong ni mama pero hindi pa rin sumasagot si papa. Kaya tinulungan na lang namin siya sa pagkuha ng mga gamit namin.
“Aalis na tayo.” Iyon lang ang sinabi ni papa. Tatanggi sana ako dahil may isa pa akong interview. Pero wala namana kong magagawa kundi sumunod kay papa. Nag-sorry na lang ako sa mga ibang kasama namin sa silid na iyon at nagpaalam na.
Nang nasa kotse na kami ay iniabot sa akin ni papa ang phone nito. Binasa ko naman yung nakabukas na text message doon.
[Pare, pumunta na kayo dito sa ospital]
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nag-iba ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil sa text message na iyon ni Tito Rommel, ang papa ni Daniel.
“P-Pa…a-anong meron?”
Hindi niya ako sinagot at nag-focus lang ito sa pagmamaneho.
--
Patakbo kaming pumunta sa kwarto ni Daniel nang dumating kami sa ospital. Buti na lang nakapagbihis na ako kanina bago pa kami iuwi ni papa kaya hindi masyadong halata ng mga tao na ako ito. Pero meron pa ring nakakakilala kaya nagmadali na ako.
Nakita naming nakatayo si Tita Karla sa labas ng kwarto ni Daniel. Nagmamadali itong lumapit sa akin pagkakita nito sa akin. Ang akala ko ay yayakapin niya ako kaya sobra kaming nagulat nang malakas na sampal ang nakuha ko mula rito.
“Karla!” Narinig kong pagsuway ni mama kay Tita. B-bakit niya ako sinampal?
“Pinatay mo ang anak ko! Kung hindi dahil sa’yo ay hindi siya mamamatay!!!” Humahagulgol na ito sa harapan ko.
“P-pa…pa…p-pat-aa..ay?”
“Kung hinayaan mo lang sana siyang magpagamot hindi na sana umabot sa ganito! PINATAY MO ANG ANAK KO!”
Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko ng dahil sa narinig. Pa…patay? A..ng anak n-niya? S-si Daniel?
Matutumba na sana ako, buti na lang ay inalalayan ako ni papa. Tumingin ako ka papa.
“Pa.pa…ba…bakit po umabot sa g-ganito?” Humagulgol ako sa harapan ni papa. Hindi ko kaya. Hindi pwede.
Pinilit kong makalapit sa pinto ng kwarto ni Daniel. Doon ko ito nakita na unti unti nang binabalot ng putting tela. Hindi ako makapaniwala. P-parang kagabi lang ay kasama ko itong buhay. A-ang…star ko.
“S-si D-Daniel…” Humahagulgol ako nang lumapit ako dito at saka ko ito niyakap ng mahigpit sa huling pagkakataon.
Inilayo ako ng doctor kay Daniel. Pero nagpumulit pa rin akong lumapit. Inalis ko ang takip nito sa mukha. Nangmakita ko ang mukha nito ay lalo lang akong napaiyak.
“D-Daniel…b-bakit? Lalaban pa tayo di’ba?” Iyak lang ako nang iyak habang nakatingin ako sa mukha nito.
Hinarap ko ang doctor at saka ako lumuhod sa harapan nito, “Doc. Maawa po kayo sa akin. Ikakasal pa po kami ni Daniel ko. Nakikiusap po ako…Doc, buhayin niyo si Daniel. Parang awa niyo na po gawin niyo ang lahat.”
Base sa pagkakatingin sa akin ng doctor ay naaawa ito sa akin. Itinayo niya ako nito, “Hija, hindi ako Diyos para gawin iyon. Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto mo, wala na akong magagawa. Ang Diyos lang ang tanging makakagawa ng gusto mong mangyari.”
Parang na-estatwa ako doon sa loob habang pa-ulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ng doctor, wala na akong magagawa.
Parang nawalan na din ako ng buhay habang pinapanuod na ilabas nila ang bangkay ni Daniel.
“Kasalanan mo ang lahat ng ito. Hindi mamamatay ang anak ko kung hindi dahil sa iyo!” Muli kong naramdaman ang pagsampal ni Tita Karla sa aking pisngi. Napaluhod ako sa harapan nito habang nanginginig. Hinawakan ko ang paa nito habang nakaluhod.
“T-Tita..sorry po. H-hindi ko po sinasadya. M-a…masakit din po para sa a-akin ang nangyari.”
Matalim ang tingin na binigay ni Tita sa akin, “M-mababalik ba ng ‘sorry’ mo ang buhay ng anak ko?! Palibhasa kasi ay napaka-makasarili mo!”
Kahit na gustung-gusto kong ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ko magawa. Dahil alam ng ibang bahagi ng utak ko na tama ito, na ako ang may kasalanan sa pagkawala ng star ko.
Daniel…hindi ko sinasadyang pahirapan ka. Mahal kita, sobra. H’wag na h’wag mo sanang kakalimutan iyon. P-paalam na.
**
Sinarado ko ang journal at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata ko.
Ilang beses ko na bang binasa ito? Pero hanggang ngayon ganito pa rin ang epekto nito sa akin. Kapag hindi ko na kaya…kapag naiisip ko na mag-isa na ako ay ito ang binabasa ko para kahit papaano ay maramdaman ko na nandito siya…malapit sa akin.
Sa tatlong taong wala si Daniel sa paligid, ang hirap. Tatlong taon na mula nang kinuha na ito sa amin…sa akin. Tatlong taon na din akong nagtatago…nagtatago sa sakit na patuloy ko pa ring nararamdaman. Tumigil ako sa pagkanta, sa lahat. Lumayo ako sa lahat. Pakiramdam ko ay tumigil na rin ako sa pagiging tao. Hindi na ako tao. Unti unting pinapatay ng sakit na nararamdaman ko ang pagkataong matagal kong hinubog.
Parang isa na akong manyika na walang ginawa kindi magsisi at umiyak nang umiyak. Ito ang nararapat sa akin. Ito ang dapat na maging kaparusahan ko sa pagpatay sa lalaking patuloy kong minamahal…at kailanman ay hinding hindi ko makakalimutan.