Journey 13

2996 Words
“Kapag natapos ka nang kumanta yung isang surprise guest mo. Sasakay ka dun sa heart, yung nasa itaas. Tapos kakantahin mo na yung last song mo habang nasa ere yung heart na sinasakyan mo. Napag-practice-an natin yan kaya wala ng problema. After nung last song, mapasalamat ka na sa mga gusto mong pasalamatan.” Hinawakan nito ang balikat ko, “This will be your first concert. Kaya do your best. Maraming nag-eexpect from you kaya you must do everything para hindi sila ma-disappoint. Kaya mo yan, Kath.” Pagkatapos akongkausapin nung director ay agad din itong umalis. Tinulungan na din akong mag-ayos nung pinsan ko na siyang nagsilbing make up artist-s***h-PA ko kaya kahit papaano ay komportable ako, hindi naman kasi ako mahilig sa make up. “Insan, anong next sa sched natin?” Tanong ko dito. Gusto ko na kasing makita si Daniel. “Last na yung sa isang talk show tapos free time mo na ‘te, pero sabi ni Miss Yana mag-beauty rest ka daw after ng work.” Si Miss Yana na kasi yung tumayong manager ko. “Salamat naman. Namimiss ko na kasi si Daniel.” Kinurot ako bigla ni insan, “Kalurkey te! Ganyan na ba ang in love? Parang kanina lang nakita mo ha? Miss mo na agad? Agad agad?” Pang-aasar nito at tinaas pa yung kanyang make up kit. Tumawa na lang ako ng mahina. Natatawa pa rin ako sa way ng pagsasalita ng pinsan kong si Leo, na mas gustong twagain siyang “Lea” ** “Kathryn, anong pakiramdam mo ngayon? Kinakabahan ka na ba or something?” Tanong ni Miss Brianne, siya kasi ang nag-iinterview sa akin. Hindi live yung interview kaya kahit papano ay hindi naman ako masyadong kinakabahan. “Kinakabahan na po ako para bukas. Normal naman po kasi sa mga mag-coconcert ang kabahan lalo na kung first timer. May mga nakausap nga rin po akong singers na kahit ilang beses na daw silang nag-concert ay kinakabahan pa rin sila.” “True! Kahit nga kumanta lang sa sampung katao na hindi mo naman kakilala ay tiyak na kakabahan ka na, paano pa kaya kung thousands na.” Sabi nito. Ngumiti na lang ako habang tinitignan ang disenyo ng studio. Napapaligiran kami ng mga pulang puso. “Kathryn, will you sing for us? I already bought your ticket for your concert. And I’m super excited na! ‘Can’t wait to watch you on stage tonight.” Sinabi nitong ‘tonight’ kahit bukas pa lang naman yung concert ko. Bukas din kasi ipapalabas itong interview kaya ganon. Pagkatapos kong sagutin yung ibangtanong nito at nung natapos na akong kumanta ay agad ding sumigaw ng ‘cut’ ang Director. After naming magpasalamat sa audience ay sabay na kaming pumunta ni Miss Brianne sa dressing room. “Kath, sobra akong natutuwa sainyo ni DJ. Sobra ang pagmamahal niya para sa’yo at alam kong ganun ka din para sakanya. I wish you both happiness.” Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tita Brianne. Kahit galing sa ibang tao yung nagsasabing mahal niya ako, kinikilig pa rin ako. Sasagot na sana ako kay Tita kaso biglang pumasok si insan Lea na humihingal pa. “Insan?” “K-Kath…si D…J.” Mababakas sa mukha ni Lea ang takot at lungkot. “A…Anong nangya…ri?” Nahihirapan na akong magsalita sa sobrang kaba ko. “K-Kath..n-nagising na si DJ.” Biglang nagdiwang ang puso ko sa narinig. Hinila ko agad si insan para mapuntahan na si Daniel pero hindi naman ito nagpahila. “Nagising si D-D..J…p-pero…” Naghihintay lang kami ni Tita Brianne sa susunod na sasabihin ni Lea. “M-mas lumala. P-pinasok siya sa Emergency Room kaninang umaga—“ Hindi ko na pinatapos si insan sa sasabihin nito. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng building na iyon. ** Nagmadali na akong pumasok sa ospital. Hindi ko na lang pinansin yung ibang taong nakatingin sa akin. Daniel….please….kayanin mo. Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. “Kath, anak!” Niyakap ko agad si mommy nang makalapit ako sakanya. “K-Kumusta na po s-siya?” “L-ligtas na siya, anak….sa ngayon.” Ang sabi ni mama habang pinupunasan nito ang mga luha ko. Kahit na sinabi ni mama na maayos na ito, hindi pa rin ako mapakali hangga’t hindi ko siya nakikita. “Ma? Nasaan po siya?” Huminga muna ito ng malalim bago sumagot, “Inilipat na siya sa kwarto niya.” Sinamahan na ako ni mama dun sa kwarto ni Daniel. At doon namin nadatnan sina tita Karla. “K-Kath!” Niyakap ako agad ni Tita Karla nang makita niya ako. Kahit siguro sino ay paniguradong maiiyak sa makikita mong saya sa mukha ni Tita Karla. “Tita…” “Kath, nagising na siya! Nagising na ang anak ko!” Nung binitawan ako ni Tita ay agad kong nilapitan si Daniel. “Nakatulog siya dahil dun sa epekto nung tinusok sakanya kanina.” Paliwanag ni Tito. Hinaplos ko ang mukha ng tulog na Daniel. Mayngiti sa mga labi ko dahil sa sobrang saya ng nararamdaman dahil sa wakat after eight months ay nagising na ito. “Ahm, Kath…nakita ko ito sa bag niya yung last niyang ginamit. Mukhang ikaw dapat ang humawak nito.” Iniabot ni Tita yung journal ni Daniel. Lalo naman akong panangiti dahil may nakalagay ng picture namin ni Daniel dun sa cover nung journal. Pagkatapos ibigay ni tita yung journal ay umalis na din sila. Gusto siguro nilang masolo ko si Daniel. Eight months ko na rin kasi siyang hindi nakakausap. Kaya laking tuwa ko nung nagisingna siya. “D-Daniel….naririnig mo na ba ako?” Nakatingin lang ako dito habang nakahawak sa kamay nito. Naisipan kong buksan yung journal niya, kahit na ang gusto ko sana ay siya ang magbasa nito para sa akin pero mukhang mas maganda kung ako na lang. “D-Daneil…babasahin ko na ha?” Hinigpitan ko ang pakakahawak ko sa kamay niya at sinimulan ko ang pagbabasa. “Aprl 3, 20**. When I bought this little journal, the first thing in my mind was to write sweet things for my Moo. But I guess…It would be much better if I use this to express the pain I feel inside.” Huminto muna ako sa pagbabasa. Kaya ko pa bang ituloy? Base sa first paragraph nito na this journal ay tungkol sa hirap na nararanasan niya ng dahil sa sakit niya. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak kamay namin ni Daniel kaya bigla akong napatingin dito. Nakapikit lang siya pero pinipilit niyang higpitan pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko. G-Gising na si Daniel! “Itutuloy ko pa ba?” Tanong ko sakanya. Naramdaman ko na naman ang bahagya nitong pagpisil sa kamay ko kaya tuluyan nang bumagsal ang mga luha ko sa aking mga mata. Gising na siya. Thank God. “This morning, I got a call….from our family doctor. He said that he wanted to talk to me as soon as possible.” Natawa ako sa susunod nitong sentence. “Hahaha. Syete. Napapansin kong panay ang English ko ah, makapag-Tagalog na nga lang.” “Pagkatanggap ko sa tawag ay pinuntahan ko agad yung doctor bago ko sunduin si Kath para sabay na kaming pumunta nung Closing Party.” Huminto muna ako saglit habang inaalala yung nangyari nung araw na iyon. Yun yung araw na kinantahan niya ako at napaluha ito sa harapan ng mga ka-batchmates namin. Kaya pala ang weird niya nung araw na iyon. “Ngayong araw ko nalaman na I had this disease for a long time already. The Renteria’s Disease.” Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa habang magkahawak-kamay kaming dalawa…. ------------------------Daniel’s Journal------------------------ April 19, 20** Ang hirap namang mag-isip ng ireregalo. 11’th monthsary na namin bukas. Tapos Anniversary na. Tapos Engagement. Tapos kasalan. Tapos Honeymoon. Tapos binyag ng first baby namin. Hahaha. Kinausap ko ulit si Dr. Ramirez pero wala pa din daw cure kaya hindi ko muna gustong sabihin kay Kath, hindi ko pa kaya at baka hindi din niya kakayanin. ** May 20, 20** Ito na ang kinakatakutan ko. Baka tuluyan ko na siyang hindi maalala. Hindi ako papayag na ibasura ng sakit na ‘to ang isang taon naming relasyon. Hindi pwede. ** September 12 Tumawag si Dr. Ramirez kanina, ibinalita niya na may mga doctors sa Canada na sinimulan na ang pagtuklas ng gamot para sa Renteria’s Disease two years. Dahill doon, nadagdagan ang pag-asa ko. ** September 13 Nag-away ang parents ni Kath kaya sobrang lungkot ni Kath kanina. Kinantahan ko siya ng “Moving Closer” para mawala yung lungkot niya. Adik talaga sa akin si Kath, hahaha, kumanta lang ako tapos nakangiti na siya. ** December 25 Sa bahay ni Kath kami nag-celebrate ng Christmas. Ang dami nga niyang nakain haha. May secret kami niyang, nagkulong kasi kami sa kwarto niya bago mag 12:00. Wala kaming ginawang milagro ah. Kumanta kasi siya habang ako ang taga-video niya. Christmas gift daw niya para sa mga ‘friends’ niya sa internet. ‘Fans’ ang tinutukoy niya sa ‘Friends’. Siya kasi si Chandria. Ang galing galing talaga ng Moo ko. ** January 1 Sa bahay naman kami nag-celebrate ng New Year. Nag-away nga kami ni Kath, na-late kasi ako ng dating sa bahay. Nagperform pa kasi ako dun sa isang mini-concert. Pero nagbati din kami agad. Ang sabi niya dapat iwasan ang problema kapag sasalabungin ang new year kaya nung 12 na. Nagkiss kami. :3 ** February 14 Ilang beses akong tinanong ni Kath ngayong araw kung anong problema ko. Sinabi rin niya na parang ang tamlay ko daw. Bigla akong natakot kasi baka malaman niya na. Sana wag na muna niyang malaman yung tungkol sa sakit ko. Hinihintay ko pang magkaroon ng cure bago ko sabihin sakanya. ** June 16 Kanina, ibibigay ko sana kay mama yung gatas na itinimpla ko para sakanya, hindi kasi ito makatulog hangga’t hindi nakakainom ng gatas. Parang bata lang eh ‘no. Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya, nasa work pa kasi si papa, kaya siya lang mag-isa habang umiiyak. Nung lumapit ako at tinanongkung bakit, wala lang daw ang sagot niya. Tinignan niya ako ng matagal pagkatapos nitong inumin yung gatas. Tapos tinanong niya ako ng, “Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak?” Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako at niyakap si mama. Hindi ko pinahalata na masama ang pakiramdam ko. “Happy Birthday, anak. More birthdays to come.” Pagkasabi niya nun ay umiyak na naman siya. Parang hindi ko yata kayang makita si mama ng ganito. Kung may magagawa lang ako…kaso wala pa. Ayaw ko silang iwan. ** November 19 Nakatanggap ako ng tawag galingkay Doctor Ramirez. Ang sabi niya, may nagawa na daw cure para sa Renteria’s Disease. Kaso…hindi pa alam kung effective. 10 percent lang daw ang chance na mabuhay after the operation. Edi yung 90 percent ay baka hindi ko kayanin ang operasyon. Ang hirap naman. ** December 12 Nag-away kami ni mama kanina. Gusto kasi niyang sabihin ko na kay Kath, tutal may cure na naman daw. Kaso natatakot pa rin ako, paano kung ipagamot ako sa ibang bansa at maiiwan siya dito? Itutuloy ba niya yung career niya? Knowing my Moo, baka sumama pa siya sa akin. :3 ** January 21 Kinausap ako ni dad kanina kung kailan ko daw balak sabihin kay Kath. Hindi ko din alam. Natatakot akong masaktan siya kapag nalaman niya nag kondisyon ko. Paano kung mamatay ako after nung operation? Edi iisipin niya na iniwan ko siya. Ang pag-iwan sakanya ang pinakahuling gagawin ko sa buong buhay ko. ** May 20 Three years na kami ni Kath. Sobrang saya namin ngayon. Kasi may natanggap kaming dalawang good news. Kinukuha na kasi ako para pumirma ng contract sa isang TV Network. Ang kaso tinanggihan ko muna, ang gusto ko kasi sabay kami ni Kath na pumirma. Yung isang good news, magkaka-album na rin si Kath. Excited na nga kaming mag-recording. Bonding time na naman. ;) ** June 15 Naghahanda kaminglahat para sa surprise ko bukas kay Kath. Sana lang mag-yes siya. Kinukulit na naman ako ni mama na magpagamot na dahil sa lumalala na daw. Hindi na nga daw ako makapag-gitara dahil dito sa sakit ko. Kaso naduduwag pa rin ako. Natatakot ako sa magiging resulta kapag tapos na ang operasyon. Hindi pa ako handa. Magtitiis na muna ako. Gumawa ako ng testament na kung ano mang mangyari sa akin ay si Kath ang magdedesisyon kung ipapagamot ako sa ibang bansa or hindi. Alam ko kasing kapag si mama ang bibigyan ko ng karapatan para doon ay siguradong ipapagamot niya talaga ako. Kaso hindi pa talaga ako handa para dun sa nasabing operasyon. ----------------------End of Daniel’s Journal---------------------- Pinunasan ko yung luhang tumulo sa mata ni Daniel after kong basahin yung last entry ni Daniel sakanyang Journal. Sobrang nahihirapan na talaga siya, ang hirap hirap pala ng pinagdadaanan niya. Naramdaman ko yung pagbitaw ni Daniel sa kamay ko. Ang akala ko ay nakatulog na siya ulit, pero hindi. Pilit nitong iniabot ang journal at dahan dahang inilipat ang page hanggang sa pinaka-gitna ng journal. Pagkatapos niyang gawin iyon ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. ♪You can leave me Take away all that I have You can want me Love me for who I am Choices, romance Takin' me high in the air Flying, so scared Afraid not to see you again ♪ Tiningnan ko yung binrowse niya. Another entry niya sa journal. “July 16, 20**. Happy Birthday to me! This is the happiest day of my life! She said yes! Pagkatapos ko siyang buhatin papasok sa kwarto ay kinantahan ko siya ng song na nasa album ko. Para sakanya ang song na iyon. B-bilang tanda ng pangako ko sakanya na sabay kaming mangangarap at sabang ring tutuparin iyon.” Halos hindi ko na maintindihan ang nakasulat. Hindi ko siya ma-imagine habang sinusalat ito. Mukhang hirap na hirap ito pero pinilipt pa rin niyang magsulat. ♪Cause I'm scared to death Now that I'm losin' you I'm scared to death Knowin' I can't get through I'm scared to death Living this lonely life without you Baby I'm scared to death♪ Nagpatuloy ako sa pagbabasa. “Kath, kung nababasa mo man ito. Gusto kong humingi ng tawad sa hindi pagsabi tungkol sa sakit ko. Ayaw kong ako ang maging dahilan para masira ang mga pangarap mo, Moo. Tulad ng lagi kong pinapaalala sa’yo….mahal kita. Lagi mong tatandaan na sobrang mahal kita ha? Kasi hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatandaan na mahal kita. Unti-unti na kasing dinudurog ng sakit ko ang memorya ko. Mahina na ako. Unti-unti nang nakakalimutan ng isip ko ang lahat pero asahan mo, Moo, na itong puso ko ay hinding-hindi ka kakalimutan.” ♪Something's changin' Giving me fears run through my head Only find me Give me the eyes I will understand Words left unsaid Leaving me weak in the edge Getting over I'm runnin' scared I can't comprehend♪ Tuluyan na akong napahagulgol habang binabasa iyon. Napahigpit tuloy ang paghawak ko sa kamay ni Daniel na parang ayaw ko na siyang pakawalan. “M-moo, sobrang nahihirapan na ako. Natatakot ako na baka hindi ko na makita ang mukha mo. Natatakot ako na baka mawala na ang star mo. Kath, ako lang ang star mo ha? Kasi para sa akin iakw ang langit, kaya umaasa ako na ako lang ang magiging star mo kahit na alam kong hindi mabilang star na nakapaligid saiyo. Kath….sana mahintay mo ako. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.” ♪Cause I'm scared to death Now that I'm losin' you I'm scared to death Knowin' I can't get through I'm scared to death Living this so lonely life without you♪ “Daniel, ang selfish mo talaga ‘no? Haha. M-moo, kahit na hindi mo hilingin, alam ko na ikaw lang ang gusto kong maging star ko kahit na sobrang daming stars sa paligid ko, ikaw at ikaw lang pipiliin ko. Mahal kita. Sobra.” ♪I'm scared to death Fallin' in love with you I'm scared to death There's nothing that I can do I'm scared to death What if you won't be around anymore♪ Hinalikan ko ang kamay nito habang patuloy ako sa pag-iyak. Napangiti ako sa ginawa niya. Sinubukan kasi nitong punasan ang mga luha ko. Parang yung dati lang… Inilapit ko ang kamay ko sa mukha niya. “D-Daniel….wag kang umiyak, please. Magpagaling ka ha? Kayanin mo, Moo. Hihitayin ko ang paggaling mo, Daniel. Basta ipangako mo na hindi mo ako iiwan. Mahal na mahal din kita Daniel. Narinig mo ba? Mahal na mahal kita.” Pagkapunas ko ng luha niya ay mabilis ko itong hinalikan sa noo. ♪Slowly, gently Choosing me will make me then You're one and only I pray that our love will begin♪ “D-Daniel…ayaw kong mawalan ng star. Kulang anglangit kung walang star, di’ba? Daniel…para sa’yo ang gagawin ko bukas…” ♪I'm scared to death Knowin' I can't get through I'm scared to death Living this so lonely life without you Ohh, I'm scared to death Na.na.na…. I'm so scared Na.na.na…. I'm so scared♪ Tumingin ako sa orasan. 12:00 AM. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya, “Happy Valentine’s Day, Moo.” Muli ko itong hinalikan sa kanyang noo. ♪What if you won't be, won't be around anymore I'm scared to death♪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD