Journey 12

1429 Words
“KATHRYN BERNARDO: THE UNSEEN SUPERSTAR” “FIRST EVER APPEARANCE OF CHANDRIA” “DJ PADILLA’S FIANCE” Naging mainit ang pangalan namin ni Daniel dahil sa video na ginawa ko. Buti na lang ay napaghandaan ko ang pangyayaring ito kaya nakakaya ko pa…pero mas kakayanin ko ito kung nandito si Daniel. Nalaman na din ang tungkol sa kondisyon ni Daniel, iyon ay dahil sa isang nurse ng hospital na nagkalat non. Kaya wala nang nagawa ang ospital kung hindi higpitan pa ang security nila para sa kaligtasan ni Daniel. Kasabay din ng video na iyon ang paglabas ng pinaka-unang album ko na “For His Love”. First week pa lang ay nag-Platinum na agad, kaya natuwa ako….sulit ang pagod namin ni Daniel para dun sa album na iyon. “Kath, ready ka na? Tatawagin ka na in a minute.” Pagpapaalala nung isang staff nung TV Show kung saan magaganad ang first-ever-TV Guesting ko. “Ready na po.” Tumayo na ako habang inaayos ng makeup artist ko yung dress na pinasuot sa akin. “Alam mo na ang gagawin mo, Ms. Kath. Kapag tinawag ka na, bubukas ito.” Tinuro nito yung nasa harapan namin. “Magbilang ka muna ng three seconds bago lumabas, para mas intense. After nun, kakanta ka na. Tapusin mo muna yung chorus ng song bago ka lumabas dun sa box.” May parang glass kasi na itatago muna ang itsura ko habang kumakanta. Shadow lang daw ang makikita sa akin kapag nasa loob ako ng parang box na glass. Ewan ko nga sakanila kung bakit kailangan pa nila akong itago, samantalang nakita na ako ng madla. Basta ang sabi nila para daw sa title nila sa akin ng “The Unseen Superstar” kaya magpapaka-mysterious muna daw ako. “For the past two years, we knew her for being ‘The Unseen Superstar” and last week she decided to end the title we’ve given her. This is actually the first time we’ll be seeing her on TV live! The singer behind the success of ‘For His Love’. Let us all welcome…Kathryn Bernardo aka The Unseen Superstar!” ---fast forward--- Pagkatapos ng performance ko dun at konting pagpapakilala dun sa TV Show na iyon ay nagtungo na kami sa isang pinaka-kilalang radio station ng bansa. Dito ko piniling magpa-interview, hindi pa kasi ako handing magpa-interview sa TV ng live. Nagpatugtog muna sila ng isang kanta mula sa album ko bago mag-start yung interview. “Sa totoo lang mga Heart-ers! Hindi ako masyadong makapag-chikka dito, sobra akong na-star struck sa kagandahan ni Ms. Kathryn Bernardo. Sobrang ganda talaga niya, nakuuu, kahit na sinong makakakita dito ay tiyak na maiinggit.” Ang ibig sabihin ni DJ Joyce sa ‘Heart-ers” ay ang mga listeners niya sa kanyang radio program na ‘Heart-to-Heart-talk’. “Gusto niyo na ba siyang narinig na kumanta ng live? Hintay na muna. Tatapusin na muna natin yung interview bago iyon. Para intense hihihi.” Nakatingin lang ako kay DJ Joyce habang sinisimulan niya ang kanyang programa. Napaka-masayahin nitong tao. Parang wala itong problema pero alam ko naman ang lahat ng tao ay may kanya kanyang problema. “Hello Miss Kath!” “Kath na lang po. Hi DJ Joyce.” “Ready ka na ba, Kath, para sa interview?” “Ready na.” “So, simulan na natin.” I smiled. Nakita kong may pinindot siya at tumunog yung song ng kanyang programang ‘Heart to Heart Talk’ “Ating, relax lang ha? Hindi kami nangangagat. Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong sagutin ang isang tanong, okay?” Tumango na lang ako bilang sagot sakanya. “Dahil napanuod na namin ang pagpapakilala mo kanina. Ang mga tanong namin ngayon ay nanggaling sa mga tweets ng mga Twitter followers namin kani-kanina lang.” “Hindi naman kaila sa lahat na talagang sikat na si DJ Padilla. Anong masasabi mo sa mga taong nagsasabing ginamit mo lang si DJ para sumikat?” Nararamdaman kong medyo naaalangan siyang magtanong pero para sa trabaho eh kailangan niyang gawin. “Nagulat. Gulat po talaga ako nung nalamanko iyon. Wala naman o akong ginamit na tao para sumikat. Kung gagamitin ko man si Daniel para sumikat ako agad, edi sana dun sa first video na in-upload ko ay agad ko ng sinabi na may relasyon kami ni Daniel. Pero hindi po, hindi ko po ginawa yun. Dun sa last video ko lang ginawa. Pero God knows na wala ako intensyon ng ganun kay Daniel.” Sobrang nasaktan talaga ako nang marinig ko yung issue na iyon. Kakaiba talagang gumawa ng issue ang ibang tao. “Tama nga naman si Kath. Alam na ng lahat na may girlfriend si Daniel, may mga nakakaalam na dati na ikaw iyon kaya sobra silang nagulat na ikaw pala si Chandria. Maari ba naming malaman kung ilang taon na kayong may relasyon ni Daniel?” “Three years na po kami.” “Hmm. Kailan naganap ang engagement niyong dalawa?” “Noong birthday niya…” yung araw na huli kaming nagkausap. “Kumusta na ang kalagayan ni DJ?” Tumingin ito sa akin na parang tinatanong kung okay lang sa akin na sagutin iyon. Ngumiti na lang ako ng tipid sakanya. “Sa ngayon po ay comatose pa rin siya. Pasensya na po pero hanggang doon lang po ang kaya kong sabihin.” “Maaari mo bang ibahagi sa amin ang totoong nangyari?” Matagal-tagal bago ako makasagot. Tanging ang background music lang ang naririnig namin. “The morning after our engagement, doon nagstart ang lahat. Y-Yung sayang nararamdaman ko ay napalitan ng takot…na baka iyon na ang huli. May sakit ito pero itinago nito sa lahat dahil sa kagustuhan niyang matupad ang kanyang pangarap.” Naramdaman ko ang hinawakan ni DJ Joyce ang kamay ko. “T-Three months na siyang natutulog…three months ko ng hindi nakakausap. Ang hirap ng feeling na malapit nga siya pero paranga ng layo niya sa akin. Daig pa namin ang may long-distance-relationship, buti pa ang mga may LDR ay kahit papaano ay may way sila para makipag-communicate sa isa’t isa. Pero k-kami magkalapit nga kaso…di ko siya nakakausap. Sobrang namimiss ko na siya. S-sob..ra.” Hindi ko na naman napigilang hindi maiyak. Ang sakit pa rin kasi. Araw araw akong humihiling na sana ay magising na si Daniel pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. A-Ang hirap isipin na anumang oras ay maaari nang bawiin ng Panginoon ang buhay na pinahiram nito sakanya. Tumingin ako kay DJ Joyce para ipahiwatig na tapos na ako. Ngumiti lang ito at nagpunas ng luha niya. “K-Kung maririnig ka niya ngayon…anong kakantahin mo para sakanya? Pasensya na ha kung naiyak ako. Hindi ko napigilan eh.” “Ready ka na?” She mouthed. “Yes.” “It's you and me The stars and moon will keep us company They'll watch over us as we fall asleep And I will hold you close So lay your head down on the pillowcase Close your eyes and feel my warm embrace 'Cause in my arms you know you will be safe And I won't let you go” I won’t let you go… “So baby let my heartbeat be The rhythm that puts you to sleep My smile will be the first thing you see When you wake up When you wake up When you wake up” Daniel, gaya ng sabi ng kanta. Nakahanda na ang ngiti ko para sa paggising mo. Gusto kong ang ngiti ko ang una mong makita. “So dream with me Hold my hand; escape reality Let my love be your cavalry And I will hold you close Don't you worry; I'll be by your side I promise I'll be here all through the night I'll comfort you until the morning light And I won't let you go” Daniel…habang natutulog ka…napapanaginipan mo ba ako? Sana kahit sa panaginip lang man ay magkasama tayo. “So baby let my heartbeat be The rhythm that puts you to sleep My smile will be the first thing you see When you wake up So baby let my heartbeat be The rhythm that puts you to sleep My smile will be the first thing you see When you wake up” “When you wake up..” Daniel, please….wake up
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD