I closed the journal after reading it.
Tumingin ako sa lalaking nakahiga sa hospital bed.
“Oh ayan ah. Binasa ko na itong journal ko para sa’yo.” Hinawakan ko ang kamay nito. “Daniel, turn mo na. Di’ba sabi ko sa’yo dapat basahin mo rin yung journal mo para sa akin?”
Nanahimik ako saglit, baka kasi sumagot ito. Pero nadismaya ako nang nanatili itong tahimik. Wala akong magawa kung hindi ngumiti na lang habang nakatingin sa kanya.
“D-Daniel…tignan mo oh. Lagi akong malapit sayo…ayaw ko kasing mahiwalay sa star ko. Kailangan kita, kailangan na kailangan kita, M-Moo.” Kahit anong pigil ko sa mga luha ko na ‘wag tumulo, wala ring nangyari, dahil kusa nang tumulo ang mga luha ko.
“D-Daniel…ayaw mo na bang punasan ang mga luha ko?” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Dati, kapag umiiyak ako lagi siyang nandyan para punasan ang mga luha ko.
“Daniel….kaya mo pa di’ba? Kakayanin mo di’ba? D-Daniel…b-bakit di mo sinabi sa akin? Moo, kailangan kita….wag mo muna akong iwan ha? Please?”
Sa lahat ng tanong ko, hindi siya sumasagot. Nanatili pa rin itong natutulog. Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan niya ngayon. Wala na sa itsura niya sa ang Daniel na nakilala ko, yung Daniel na makulit. Ngayon…mukha na itong mahina. Ang mapula nitong labi ay naging maputla na. Malayong malayo na ito sa Daniel na kilala niya. Pero kahit anumang itsura nito…alam kong mananatili pa rin ang pag-ibig ko para sakanya.
“D-Daniel…pwede bang g-gumising ka na? Ayoko na ng ganito. Namimiss ko na ang boses mo. Magpapakasal pa tayo diba?” Hinalik-halikan ko ang mga kamay nito na may nakatusok na kung ano.
Alam kong sobrang nahihirapan na si Daniel, pero gaya nga ng laging sinasabi ni Daniel, ‘selfish na kung selfish, nagmamahal ka lang’. Aminado akong selfish ako to the point na kahit alam kong sobrang mahihirapan siya ay pinili ko ang ganung sitwasyon. Wala akong ibang pagpipilian kundi hayaan siyang ganito.
-Flashback-
Pagkarating namin sa ospital. Umupo kami dun sa labas ng Emergency Room. Gulong-gulo ako, hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang sabi ni tita may sakit si Daniel, pero anong sakit?!
We waited for almost six hours outside the emergency room. Iyak lang ako ng iyak habang pilit naman akong pinapatahan nina mama.
“W-We already experienced this…twice.” Nagulat kami lahatnang biglang magsalita si Tita. Nananahimik lang kasi kaming lahat. Si Tita lang ang nagkalakas ng loob para basagin ang katahimikan.
“Daniel, my son, dalawang beses na siyang pumasok dyan.” Paglalahad ni Tita Karla. Walang nagsalita sa amin, hinihintay lang namin ang susunod na sasabihin ni Tita Karla.
“Remember the time na sinabi naming may two weeks gig siya sa Boracay? Yung two weeks na iyon ay naging one month. H-He became unconscious for one month. Kahit gustung-gusto kong sabihin sa’yo ang kalagayan niya. Hindi ko magawang sabihin, Kath.”
“Two years ago nalaman naming m-may Renteria’s Disease siya. Mas malalang kaso iyon ng brain cancer.” Brain cancer?
“That time, nung nalaman namin…kumakalat na sa katawan nito ang disease na yun. He took medicines, kaso wala nang magagawa ang mga gamot na yun. Pinapabagal lang nila ang pagkalat ng disease sa katawan nito..” Hinawakan ni Tita ang dalawang kamay ko.
“Wala…wala pang cure sa sakit niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya masabi. God knows kung ilang beses kaming nag-away about sa issue na yun. You need to know everything. Pero nagpumilit pa rin siya na isikreto muna ito habang wala pang natutuklasang cure para sa sakit niya.” Lalo pang hinigpitan ni Tita ang pagkakahawak niya sa akin.
“Kinaya lahat ni Daniel ang sakit na nararamdaman niya. Dahil sa kagustuhan niyang matupad naipangako niya sa’yo na maging superstar. Pero kung kailan malapit na….dun pa naging complicated ang lahat. He loves you so much. You are the only person who gave him too much hope.”
Habang patuloy lang si Tita sa pagkwento…patuloy lang din sa pagluha ang mga mata ko.
“Iniisip niya na kapag nalaman mo ang tungkol sa sakit niya…siya ang magiging destruction para sa pag-abot mo sa pangarap mo. God knows kung ilang beses ko siyang nakitang nagdadasal para gumaling siya. God knows kung ilang beses niyang itago ang sakit niya sa harap ng maraming tao. God knows kung ilang beses siyang sumuka but he still managed to smile at everyone. H-He…He knows na kung minsan bigla na lang babagsak ang anak ko na parang batang nadadapa kapag naglalaro. God knows kung ilang beses siyang nakiusap sa Doctor para pagalingin siya. And his reason is….he can’t leave you, Kath. He can’t.”
Ang sakit pala. Ang sakit pa lang malaman na ikaw ang dahilan kung bakit siya lumalaban. Na kapag lumalaban siya ay mas lalo siyang nahihirapan. Ang sakit malaman na ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ng husto ang taong mahal mo.
“Nung first anniversary niyo, napilitan lang namin siya na pumunta. Yes, you heard it right. That day, wala siyang maalala. Isa iyon sa symptoms ng sakit niya. Nung kumakanta ka sa stage noon. Ramdam na ramdam ko yung pagtataka sa mga mukha niyo. Ikaw Kath, nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon ni DJ. Si DJ nagtataka kung bakit siya naroon.”
Napahagulgol na ako dahil sa narinig ko. Kaya pala misan parang lagi siyang wala sa sarili. At lagi na lang niya inuulit-ulit yung mga sinasabi niya.
“H-Hindi ko kayang makita ang anak ko ng ganon, Kath. Hindi ko kaya. Ilang beses akong nagmakaawa sa harapan niya pra magpagamot sa ibang bansa pero ang sabi niya, ayaw ka niyang iwan. Naiintindihan ko siya, Kath. Pe…pero sana maintindihan mo rin ako, Kath. Isa akong ina na gustong mabuhay pa ng matagal ang anak ko. Nabigla kaming lahat sa ginawa ni Tita Karla. Humahagulgol itong lumuhod sa harapan ko.
“Please Kath….hayaan mo siyang magpagamot sa ibang bansa. Please, Kath….nakasalalay saiyo ang buhay niya.”
This time, nagtanong na ako. “Ba…B-Bkit po ako?”
“Gumawa siya ng testament na ikaw lang ang pwedeng magdesisyon kung ipapagamot mo siya sa ibang bansa or hindi. “
“P-Pero ang sabi niyo po kanina walapa pong cure sa sakit n-niya.”
“Meron na. Pero wala pang ibang nakakasubok dun sa treatment dahil bago pa lang. Kung papayagan mo siya, siya ang unang makaka-experience nun. We will take the risk.” Lalo lang akong naguluhan sa sinabi ni Tita.
“Wala pa pong kasiguraduhan? Sorry po Tita, pero ayaw ko po. Ayaw kong pag-experiment-an nila ang katawan ni Daniel. Sorry po pero mas pipiliin kong dumito siya kasama natin kaysa mamatay siya sa ibang banse dahil dun sa bagong tuklas na treatment na iyon.” Matapang kong sabi na lalong nagpa-iyak kay Tita.
“Kath, kung nandito siya wala tayong ibang gagawin kung hindi maghintay na…tuluyan na siyang kunin sa atin.” Pagpapatuloy ni Tita Karla.
Itinayo ko si Tita mula sa pagkakaluhod niya. Pinunasan ko yung mga luha nito, katulad ng laging ginagawa ni Daniel kapag umiiyak ako.
“Tita, pwede po bang pag-isipan na muna ito? M-Mahirap po kasing magdesisyon sa ngayon…”
“Excuse me, Mr. and Mrs. Padilla.” Tumingin kami lahat dun sa Doctor. Pero wlang nagsasalita sa amin.
“May kailangan po tayong pag-usapan.” Pagpapatuloy nung Doctor. Hinawakan ulit ni Tita ang kamay ko na parang sinasabi niya na sumama daw ako sakanila.
**
“He’s in coma. Hindi namin alam kung hanggang kailan. Sinubukan niyang lumaban sa sakit niya pero hindi na nakayanan ng katawan nito. Mismong katawan na nito ang sumuko.” Pagpapaliwanag sa amin ng Doctor.
“P-Pero wala na po bang ibang pweding gawin to save his life?” Nanginginig kong tanong.
Ngumiti ng tipid ang doctor, “Meron.”
“A-Ano po?”
“Yung bagong tuklas na treatment para sa Renteria’s Disease. 10 percent. 10 percent lang ang chance na mabuhay ang isang pasyenteng sumubok nun after the operation. Pero kung kinaya ng katawan niya yung operation, he’ll be safe. Pero sa condition niya ngayon, hindi nito kakayanin ang operasyon na iyon.”
-end of flashback-
“Renteria’s Disease, noong Spanish lumaganap ang sakit na ito. This is a very rare disease. Mostly, lalaki ang mga nada-diagnose nito. Until now, wala pang nakakaalam ng ‘cause’ nito. Malalaman mo lang na na-diagnose ang isang tao kapag kumalat na yung sakit sa katawan nito. Isa ito sa mga kinakatakutan na sakit, dahil wala pa ngang cure for this. Kung meron man, wala pang kasiguraduhan.”
I remember the other doctor saying this. Ilang araw na nagpa-ulit ulit sa isip ko ang bawat salita niya. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.
Kinuha ko yung videocam at inayos ko ito. Then I clicked the record button.
“Anywhere you are, I am near
Anywhere you go, I'll be there
Anytime you whisper my name, you'll see”
Where every single promise I'll keep
Cause what kind of girl would I be
If I was to leave when you need me most””
Kailangan ko si Daniel, pero alam kong mas kailangan niya ako ngayon. Mahirap man pero kailangan kong ipagpatuloy ang lahat ng nasimulan namin.
“What are words
If you really don't mean them
When you say them
What are words
If they're only for good times
Then they're done
When it's love
Yeah, you say them out loud
Those words, They never go away
They live on, even when we're gone”
Sa bawat sakit na nararamdaman ko. Kahit papano ay nawawala kapag iniisip kong mahal ako ni Daniel. Iyon ang lagi nitong pinapaalala sa akin.
“And I know an angel was sent just for me
And I know I'm meant to be where I am
And I'm gonna be
Standing right beside her tonight
And I'm gonna be by your side
I would never leave when he needs me most”
Sa mga panahon na kailangan ko siya, lagi itong nandun kaya dapat ngayong kailangan niya ako…ay lagi akong nandito sa tabi nito. Three months na itong unconscious. Three months ko na siyang hindi nakakausap. Masakit. Mahirap. Pero ito ang pagsubok na ibinigay ni Lord para sa amin na kailangan naming pagtagumpayan….kahit na hindi namin alam kung paano.
“What are words
If you really don't mean them
When you say them
What are words
If they're only for good times
Then they're done
When it's love
Yeah, you say them out loud
Those words, They never go away
They live on, even when we're gone”
-flashback-
“Daniel?” Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.
“Please….’wag kang umiyak.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na akong dinalaw ng antok.
“I love you, Moo.”
-end of flashback-
Lagi na lang niya pinaparamdam na mahal niya ako. Kahit sa huling pag-uusap namin nunggabing iyon…nakuha pa nitong sabihin na mahal niya ako. Pero….ni hindi ko man siya nasagot. Ito ang isa sa mga pinagsisisihan ko. B-baka…iyon na ang huling pagsabi nitong “I love you” pero hindi ko pa nasagot.
“Anywhere you are, I am near
Anywhere you go, I'll be there
And I'm gonna be here forever more
Every single promise I'll keep
Cause what kind of girl would I be
If I was to leave when you need me most”
Para sa’yo, Daniel. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan nito. Para sa pagmamahal mo, para sa pag-ibi ko saiyo…gagawin ko ang matagal mo nang gustong gawin ko.
“I'm forever keeping my angel close”
Niligpit ko ang gitara ko bago ko ayusin ang videocam para ipakita ang mukha ko.
I sighed.
“That song is for Daniel John Padilla, my fiancé.” Pinipigilan kong umiyak.
“Daniel is my angel, he’s my star. I’m doing this….for him, for his love…..for our love.”
“My name is Kathryn Bernardo. And I am The Unseen Superstar.” Ngumiti ako sa videocam bago ko ito i-stop.
In-upload ko din ito agad sa Youtube.
I smiled, “For his love.”
NOTE: Ang Renteria's Disease po ay gawa gawa ko lang.