It’s our start. A start of a new. Habang patagal nang patagal mas lumalalim ang pagkagusto ko sakanya. Or should I say ang love ko sakanya.
Two months na rin nang magsimula siyang manligaw, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin kasi naman siya naman talaga ang may gusto nitong ligawan. Pero para sa akin sinagot ko na siya, siya lang talaga ang makulit.
Kapag naman ino-open yung pagsagot ko sakanya lagi naman niyang sinasabi na, ‘Wait for the right time’ tapos kikindat siya. Kaya wala akong magawa kundi maghintay na lang. Ibang klase nga kasi parang ako pa ang naghihintay. Pero alam ko namang naghihintay din siya.
Pagkatapos ng proposal niya sa akin noon, hinatid niya ako pauwi. At doon, hiningi niya ang permiso ng parents ko sa panliligaw. Natatandaan ko pa nga nung hawak niya yung kamay ko habang sinasabi yon tapos biglang tiningnan ni papa yung mga kamay namin kaya bigla siyang napabitaw. Pumayag sina mama, kakilala naman daw kasi nila si Daniel.
After that night, lagi na kaming lumalabas ni Daniel. Kahit saan kung saan kami mapadpad. Syempre, hindi naman mawawala ang mga fans niya. Kaya kapag may nakakakita sa amin at magtatanong ang sasabihin niya, ‘future girlfriend ko to’ Kapag naririnig ko iyon, proud ako. Hindi naman sa pinagmamayabang ko siya…pero hindi ko talaga maiwasang hindi maging proud kung ganitong klaseng lalaki ang nagmamahal sayo.
Dumarami na rin ang gigs niya, kaya mas sumisikat na siya. Pero syempre, patuloy pa rin ang guitar tutorial niya sa akin kaya mas nagiging madalas ang bonding namin. Pero sa kahit anong performance niya hindi ako nakakapunta, hindi naman niya ako niyaya at hindi ko naman din gustong pumunta, baka ma-out of place lang ako. Peron ngayon…
“Pwede ka ba this Friday?” Tanong ni Daniel sa akin pagkatapos niya ako maihatid sa bahay kakatapos lang ng Summer school namin.
“Friday?” Nag-isip muna ako kung may plans ako that day. “Oo. Bakit?”
“Yayayain sana kita sa isang gig ko. Game ka?”
“Totoo ba yan? Sige!” Nakaka-excite, gusto ko siyang makitang kumanta ulit. Naririnig ko na siyang kumakanta habang nagtuturo siya, araw araw pa nga eh. Kaso iba pa rin kung kumakanta siya na may ibang nakikinig.
After kong sumagot, nagliwanag ang mukha niya para bang sobrang saya niya nang dahil lang sa pagpayag kong iyon.
“Thank you so much, Kath!” Pagkatapos, hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi.
--
Friday na…
Hindi ako mapakali, hindi ko kasi alam kung anong dapat kong suotin. Kailangan bang mag-dress? Or kahit jeans na lang? Sa gig lang naman niya ako dadalhin eh. Tumitingin-tingin na lang ako sa mga damit ko sa closet hanggang sa mahanap ko ang damit na babagay para sa araw na ito. Simpleng pink dress lang. Naglagay lang ako ng kaunting makeup para mas magmukha akong presentable. Hindi naman sobra, powder lang, lip tint at light eye shadow lang.
Pagkatapos kong mag-ayos, may sampung minute pa ako bago dumating ang sundo ko. Nag-text siya akin na hindi daw niya ako masusundo kaya yung family driver na lang daw niya ang susundo sa akin.
Iniisip ko lang kung bakit bigla siyang nagyaya? May surprise na naman kaya siya? Ohh…I can’t wait for that.
--
“Salamat po.” Pagkatapos kong magpasalamat sa driver, pumasok na ako sa isang club na malapit lang sa University namin. Dun madalas mag-hangout ang mga students ng Wonderstruck kapag Friday Night. Maganda kasi ang club na ‘toh, there are different bands na nagpeperform every night, may mga single performers din pero once in a blue moon lang mangyari yun.
Honestly kahit isa ako sa mga avid fan ng music, isang beses lang ako nagpunta dito sa club. Just like what I said, I hate rock music. But because of Daniel, I’m starting to love the different kind of music.
Nasa entrance pa lang ako eh dinig na dinig na ang malakas na musika na nanggagaling sa loob. Kahit malakas at maingay, maa-appreciate mo pa rin ang beauty ng song na pinapatugtog.
(Play the music, Everything by Michael Bubblé)
“You’re a falling star
You’re the getaway car
You're the line in the sand
When I go too far.
You're the swimming pool
On an August day.
And you're the perfect thing to say.”
Nung pumasok na ako sa loob. Nagulat ako nung biglang mawala yung nakakabinging music at napalitan ng may pagka-rock pero slow and romantic song. And that voice sounds so familiar. And at the very first moment I heard the voice….I already knew that I love the person behind it.
“And you play it coy but it's kinda cute.
Ah, when you smile at me you know exactly what you do.
Baby don't pretend that you don't know it's true.
'cause you can see it when I look at you.”
“Ma’am, let me lead you to your chair. Requested by the performer of the night.” Bigla na lang may sumulpot na babae, “This way, Ma’am.”
Nagawa ko pa ring sumunod sa babae kahit na nanghihina na ang tuhod ko habang pinapakinggan ang boses ni Daniel.
“And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, you make me sing.
You're every line, you're every word, you're everything.”
Habang palakad kami sa chair na pina-reserved ni Daniel, ay ramdam ko ang mga matang nakatingin at inggit na inggit sa akin. Bakit kaya? Paano nila nalaman na ako ang kinakantahan niya? Ako nga ba? Ang feeler ko naman.
Naupo na ako sa pwest ko na pinakamalapit na table sa mini stage. At kung titingnan mo ang ibang mga tables, this table is more special. Mukhang pang-VIP.
“You're a carousel, you're a wishing well,
And you light me up, when you ring my bell.
You're a mystery, you're from outer space,
You're every minute of my every day.”
Feeling ko nakatunganga na ako sa harapan niya habang pinapanuod siya kumanta. At lalo pa nung kinindatan niya ako! Shocks! Bakit ang hilig magpakilig ng lalaking ito?!
“And I can't believe, uh that I'm your man,
And I get to kiss you ,baby just because I can.
Whatever comes our way, ah we'll see it through,
And you know that's what our love can do.”
Lumakad si Daniel papunta sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sakanya habang inaakay niya ako papunta ng stage. Buti na lang hindi ako naglalaway kung hindi…baka ma-turn off siya. Sino ba naman kasing hindi maglalaway kung kaharap mo itong sobrang gwapong nilalang na ‘to.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang baba gamit lang ng isang kamay nito habang ang kabilang kamay nito ay may hawak hawak na microphone.
“And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, you make me sing.
You're every line, you're every word, you're everything.”
May iniabot na flower ang isang bandmate niya sakanya at pagkatapos lumuhod sa harapan ko si Daniel. Ohmygoodness.
“You're every song, and I sing along.
'Cause you're my everything.
Yeah, yeah”
“Yieeeeeh…”
Halos nagtilian na ang lahat ng tao sa club na iyon sa ginawa niya, at mas lumakas pa ang tilian at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko ng dahil sa mga sumunod niyang sinabi.
“Will you be my girlfriend, Ms. Kathryn Bernardo?” Tanong nito habang nakatingin sa akin ng seryoso at nakaluhod. Ramdam na ramdam ko ang kanyang sinseridad sa bawat salitang sinambit niya.
Ito na ba ang sinasabi niyang right time? Pwes....sasagot na'ko.
“Yes, of course.” Then again, he did the sweetest thing a man can do for a girl….he wiped my tears.
**
“Are you ready, MOO?” He held my hand. Sinundo ako ni Daniel sa bahay para sa first day namin sa school. Last year na namin toh sa school after that ga-graduate na kami. Then we can start reaching for our dreams.
“I’m ready, MOO.” Hinalikan ko siya sa pisngi at hinila na papasok sa kotse niya. “Good luck sa atin, MOO. Sabay tayong gagraduate ha?”
Ginulo niya ang buhok, “Oo naman.”
“Ihh, ginulo mo na naman ang buhok ko.”
“Cute mo talaga.” Tapos siya naman ang humalik sa cheek ko.
Haaaay. I am happy…and I am really happy.