Journey 6

1218 Words
Naging maayos ang relasyon namin ni Daniel, kahit na may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan ay ginagawan namin paraan para maayos. Masasabi kong hindi perfect ang relasyon, hindi naman dahil sa kulang ang pagmamahal namin para sa isa’t isa. Kundi dahil, nagkukulang siya ng oras para sa akin. Isa siyang Online Celebrity, aminado ako dun kaya nga lagi siyang busy. Pero kapag may time naman siya, ay bumabawi siya sa akin. Pero may mga times din na nasisira yung mga date namin dahil sa mga ibang fans niya na lalapit sakanya kapag nakita siya habang magkasama kami. Wala naman akong magawa kung hindi manahimik na lang, kaysa namang ipagdamot ko si Daniel sakanila diba? Kahit pumapasok kami sa University, kaunti pa rin ang time namin para sa isa’t isa. Magkaiba kasi kami ng schedule. Pero kahit na ganon, isa lang ang iniintindi ko…mahal ko siya at mahal niya ako. ** Bibili sana ako ng makakain sa canteen nang mapadaan ako sa Music Room. Medyo bukas kasi yung pinto kaya rinig ko yung tumutugtog doon. Piano. May tumutugtog ng Piano. Sa lahat ng instruments ang Piano talaga ang gusto kong matutunan, kaso sa guitar ako natuto. Dahil gustung-gusto ko yung tunog ng piano pumasok ako sa loob para manood. “I don't know you But I want you All the more for that” Pagpasok ko pa lang narinig ko na yung boses, at alam ko na kung kanino ang boses na iyon. “Words fall through me And always fool me And I can't react” Ang ganda din ng boses ng kasama niyang babae. Sino kaya ‘to? Bakit parang close na close sila nung babae. Enjoy na enjoy sila habang tumutugtog ng piano habang kumakanta. “Games that never amount to more than they meant will play themselves out” Kung sino man ang makakakita sakanila ngayon, sigurado akong masasabi nilang, “Bagay na bagay sila!” “Take this sinking boat and point it home we've still got time Raise your hopeful voice, you had the choice you've made it now” Habang tinitignan ko sila, nakaramdam ako ng matinding selos. Normal naman siguro sa lahat na kung makita mo ang boyfriend mo ng ganito, ay aatakihin ka ng selos. Kahit gustung-gusto ko nang humakbang palayo kaso hindi ko magawa. Bakit ganito? Bakit sobra akong nasasaktan kahit na hindi dapat? Hindi dapat dahil hindi ko pa naman alam kung ano ang totoo. Kung bakit sila magkasama. “Falling slowly, eyes that know me and I can't go back Moods that take me and erase me and I'll paint it black” Mas nasasaktan ako dahil nagsinungaling sa akin si Daniel. -Flashback- “Marunong ka bang mag-piano? Turuan mo’ko, please?” Pinagdikit ko ang aking mga kamay na parang nagdadasal. “H-hindi kasi ako marunong e. More on guitar ako.” Medyo nahihiyang sagot niya sa akin. Nalungkot naman ako sa narinig ko. Gustung-gusto ko kasi talagang matuto ng piano. Kaso ang gusto ko siya rin ang magturo sa akin kaso hindi naman pala niya forte ang pagtugtog ng piano. Sayang… -End of flashback- “You have suffered enough and warred with yourself It's time that you won” Ang sakit…ang sakit sakit. Ito ba ang dahilan kaya nawawalan na siya ng oras sa akin? Ito bang pagtugtog niya ng piano kasama ang babaeng iyan ang dahilan? B-bakit? Hawak-hawak ko ang dibdib dahil sa sumisikip ang dibdib ko. Ilang sandali lang a tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. At hindi ko na silang magawang tignan. “Ooooooh Take this sinking boat and point it home we've still got time Raise your hopeful voice, you had the choice you've made it now Falling slowly sing your melody I'll singing mine “ Nagmadali akong lumabas ng Music Room na iyon, wala na akong pakialam kung mapansin man nila ako o hindi. Basta ang alam ko lang ay sobra na akong nasaktan. ** “Anak, hindi mo ba talaga pupuntahan si DJ sa labas?” Tanong ni mama, apat na beses na niyang tanong. Umiling lang ako. “Pero anak, ilang araw na siyang pabalik-balik dito. Ni hindi mo man siya kinakausap, kawawa naman yung batang iyon.” Ma, ako ang kawawa dito. “Paano niyo maayos itong problema niyo kung ganyan ka? Hindi naman ako nakikialam…” Ilang saglit itong napatigil, “Oh, okay. Nakikialam nga ako pero para sa inyo naman ito. Sayang ang relasyon niyo, nakikita namin na mahal niyo talaga ang isa’t isa. Kung may kasalanan man siya, why don’t you give him another chance?” Sinasabi niyo lang ho iyan kasi wala kayong alam sa nangyari. “Anak, ayaw mo ba talaga? O’sige wala naman akong magagawa. Lalabas na muna ako.” Gusto ko sanang mag-sorry sa mama ko kasi naging rude ako. Hindi ko kasi siya sinasagot kapag si Daniel ang pinag-uusapan. Ayaw ko lang naman maalala yung nangyari kaso hindi ko maiwasan. Mukhang naiinis na si mama sa akin at alam kong ganun din si papa kahi na hindi ito kumikibo. Limang araw. Limang araw nang nagpupunta dito si Daniel. Pero nagkukulong lang ako sa kwarto, kung pwede lang ayaw ko muna siyang makita o makausap. Kapag nasa school, kung alam kong nasa malapit siya, aalis ako agad dun sa kinaroroonan ko. Sabihin na natin na ganon ako ka-bitter. Pagkalipas ng ilang minuto, sigurado akong kakatok ulit si mama para kulitin ako na kausapin ko si Daniel. Ewan ko ba, bakit botong-boto sila kay Daniel. “Anak?” Boses ni papa yun. Oh nice, siya pala ang mangungulit sa akin ngayon. “Pasok po” Naupo ako ng maayos sa may kama ko, magre-ready na ako sa pangungulit nito. *sigh* “Anak.” Tumingin ako kay papa. Ang expect ko ay nakangiti siya kasi lagi naman siyang nakangiti kapag kinakausap ako. Pero hindi, wala siya ipinapakitang emosyon sa kanyang mga mata. “Po?” “Mag-usap kayo.” Yun lang tapos lumabas na siya ng kwarto ko. Akala ko pa naman kukulitin niya ako. “MOO?” Gulat na napatingin ako sa lalaking kakapasok lang. Si D-Daniel. “Si papa talaga oh..” Bulong ko. “Pwede ba tayong mag-usap?” Sabi nito nang nakapasok na siya sa kwarto ko. Hindi ako sumagot atumiwas na rin ako ng tingin sakanya. “Moo, mag-usap tayo please?” “Moo, ano bang nangyari? Sabihin mo naman sa akin oh… hirap na hirap na’ko sa kakaisip. Kung tingin mo na nagkukulang na ang oras ko sayo, sorry. Sorry Moo, may ginawa lang ako ako na akala ko namagpapasaya sa’yo. Kaso nagkamali ako. Sorry Moo.” Humiga ako sa kama ko at nagkumot. Makaramdam ka please! Umalis ka na. Narinig kong huminga siya ng malalim, “Moo, sorry. Pero hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka nagsasalita ng kahit ano.” “Kath, kausapin mo naman ako oh.” “I need space.” Inalis ko ang kumot ko at tumingin sakanya na mukhang nagulat sa sinabi ko, “You heard me, right? Then, get out.” Tinignan ko lang siyang lumabas ng kwarto ko. I can only say one thing, it’s difficult to control your tears.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD