Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasabi ko kay Daniel. Ewan ko ba kung bakit ko sinabi iyon, sa sobrang inis na rin siguro.
Parang ang bilis ng panahon. Parang gusto kong balikan yung unang araw na naging kami, yung araw na sinagot ko siya. Gusto kong balikan yung mga araw na nagde-date kami, yung mga araw na pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Gustung-gusto kong balikan ang mga araw na kinakantahan niya ako kapag wala ako sa mood.
Kaso hindi na pwede, lumipas na ang mga araw na iyon. May 20, 20**, ang araw nung sinagot ko siya doon sa bar sa tabi ng school. Kahit na limang buwan pa lang kaming magkasintahan…sobrang napamahal na siya sa akin. Wala namang problema sa akin noon kahit na hindi kami madalas mag-date dahil nga sa status niya. But a month ago, bigla na lang siyang nawawalan ng time sa akin na kahit nasa school ay madalang lang kaming magkita. Tapos makikita ko siya isang araw sa school na may kasamang babae. Sino bang hindi masasaktan.
Tumayo na ako at nagpunta sa may kusina. 8 pm na kasi ng gabi, pero hindi pa rin ako kumakain ng dinner. Sina mama naman hindi ako niyayang kumain, mukhang nainis na talaga sa akin sa ginawa ko kay Daniel.
Kung minamalas nga naman oh, naubusan ako ng ulam. Binuksan ko ang refrigerator para makahanap ako ng lulutuin. Hotdogs lang ang nakita kong madaling lutuin kaya yun na lang.
Magsisimula na sana ako magprito kaso may narinig akong kakaibang tunog. Tunog na ang sarap sa pandinig. Piano. May tumutugtog ng piano.
Normal na sa bahay na makarinig ng kung anu-anong musika dahil iyon ang hilig ng mga magulang ko. Lahat na yata ng mga instrumentong pagtugtog ay meron kami.Si papa ang magaling mag-piano. Kaya kahit gustung-gusto kong magpaturo sakanya, hindi niya magawa dahil sa trabaho niya. Kaya nga pinaturo pa nila ako sa iba nung gusto nila akong matutong mag-gitara.
Ang sarap pakinggan ng tugtog na nagmumula sa Piano. Madalas kong makita si Papa na tinutugtugan si mama ng Piano lalo na kapag may sakit si mama. Kaya naging ideal man ko dati na yung magiging asawa ko ay magaling tumugtog ng piano. Parang gusto kong makita ang sarili ko na tinutugtugan ng taong mahal ko kapag nagkakasakit ako.
Patuloy pa rin sa pagtugtog ng piano si papa kaya hindi na ako nakatiis kundi puntahan siya at panuorin, ganon kasi ang lagi kong ginagawa. Minsan habang tumutugtog siya, ako naman ay kumakanta.
Palapit na ako sa may salas kung nasaan ang piano namin nang biglang napalitan ang kanta. Alam na alam talaga ni papa ang paborito kong kanta.
“Wise men say only fools rush in
but I can't help falling in love with you”
Kumakanta ako ng mahina habanh umuupo ako sa may sofa malapit kay papa kung saan siya tumutugtog. Hindi ko na muna sila tinignan ni mama, kasi alam kong ma-iinggit na naman ako sa sweetness nila.
“Shall I stay
would it be a sin
If I can't help falling in love with you”
Medyo nilakasan ko ang pagkanta ko para mas maramdaman namin ang tugtog.
“Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
some things are meant to be
take my hand, take my whole life too
for I can't help falling in love with you”
Patuloy lang sa pagtugtog si papa habang pakanta-kanta naman ako dito sa kinauupuan ko. Ramdam na ramdam ko talaga ang kanta, kapag kasi iyan ang tinutugtog ni papa, feel na feel niya. Ang sabi kasi ni mama sa akin, itong kantang ito ang pinatugtog nang ikasal sila noon ni papa. Kaya masyadong naging memorable iyon sa pamilya.
“For I can't help falling in love with you”
Nakangiti ako nang kinanta ko ang parteng iyan, ganyan siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kahit na nasaktan ka niya, kaya ka pa rin niyang pangitiin gamit ang mga masasayang alaala na naipon ninyo.
“For I can't help falling in love with you”
Gulat. As in yung tipong napahinto ka sa pagkanta. Yung tipong saglit kang hindi nakakilos.
“For I can't help falling in love with you”
Ang boses na iyon. K-kay Daniel.
Tinapos na ang pagtugtog ng piano. Hindi pa rin ako tumitingin sa kinaroroonan ng piano. Nakayuko pa rin ako hanggang sa nagsalita si Daniel.
Akala ko pa naman ay si papa ang tumutugtog, si Daniel pala. Tsk.Wrong move ang ginawa niya, mas lalo lang niyang pinaalala sa akin ang kasinungalingan niya.
“Moo? Pwede ba tayong mag-usap? After nitong pag-uusap, ibibigay ko na ang g-gusto mo.” Panimula ni Daniel. “Please. Mag-usap tayo.”
Hindi pa rin ako sumasagot o kahit tumitingin sakanya.
Umupo ito sa isang upuan na nasa harapan ng kinauupuan ko. “B-bakit ka lumalayo? May ginawa ba akong mali?”
“Please, sumagot ka. Please Moo.”
“Nagsinungaling ka sa akin.” Malamig na tugon ko.
“Ha?”
Tumingin ako sakanya. N-nakita kong namumula ang mga mata niya.
Napalunok muna ako bago magsalita, “Nakita kita nung isang araw sa Music Room, kumakanta kasama ng isang magandang babae. At hindi lang basta kumakanta, tumutugtog pa kayo ng piano.” Tinignan ko siya ng matalim bago muling magsalita.
“Akala ko ba hindi ka marunong mag-piano?” Nginitian ko siya ng peke, “Wow! Idol! Ang galing mo palang mag-piano, sayang hindi mo pinapakita sa soon-to-be-ex-girlfriend mo.” I said with full of sarcasm.
“H-hindi…mali ka—“
“Anong mali sa nakita ko? Ang saya niyo ngang tignan habang tumutugtog eh. Ang ganda niya noh? Sayang at hindi ko alam ang pangalan niya, makikipag-friends sana ako.”
“Walang—“
“At naka-jackpot ka kasi ang ganda ng boses ha. In fairness, magaling kang pumili ng pampalit sa akin.” Sarcastic pa rin na sabi ko.
“Moo, pwede bang makinig ka muna—“
“Kaya siguro this few weeks ay talagang lagi kang busy. Siguro dahil dun sa babae---“
“PAKINGGAN MOMUNA AKO! PWEDE BA MOO?! Ang sabi ko mag-usap tayo kaya dapat mo akong pakinggan.” Hindi ako napaimik, nakatitig lang ako sakanya. This is the first time he shouted at me. This is the first time that he lost his temper.
“Nung nagpapaturo ka ng piano sa akin. Tumanggi ako kasi sabi ko hindi ako marunong. Totoo iyon. Kung natatandaan mo pa nung nagsisimula pa lang tayo sa guitar tutorial ko sa’yo. Ang sabi mo sa akin, mas gusto mo pa ang Piano. Pinagtanggol ko ang guitar over piano, diba? I never hated piano before. It’s just that…I’m not attracted to its sounds. I only love rock. I used to play with different kinds of guitars and drums, but not with piano.”
“But because of you, I learned to love all kinds of music. One time, nasabi sa akin ng parents mo na gustung-gusto mo talaga ang piano. Kaya pinuntahan ko ang pinsan, yun yung babaeng tinutukoy mo.” Nagsmile siya sa akin na parang nang-aasar. Nag-pout naman ako.
“Last month, nagstart yung piano lesson naming dalawa. Mag-classmates kasi kami kaya kapag breaktime namin pumupunta kami sa Music Room para maturuan niya ako. Hirap na hirap ako nung una, pero nagtyaga ang pinsan ko. After class naman, after kitang ihatid, nagpa-practice kami. Bilang kapalit kasi sa pagturo niya sa akin ay yung pagsali ko sa club nila. Kaya kahit na gustung-gusto kong maglibot muna tayo after class hindi ko magawa. Sorry Moo, kung nagkulang ako ng oras sayo.” Paliwanag niya sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Halo-halo kasi ang nararamdaman ko. Natutuwa, kinikilig, at syempre hindi mawawala yung…nahihiya. Ang lakas ng loob kong maghinala sakanya samantalang ako rin naman pala ang dahilan kung bakit siya nahihirapan. Ang hina ko talaga.
“Moo?” Nahihiya akong tumingin sakanya. “Sorry na…” Sabi ko kay Daniel.
Ngumiti naman siya ng malapad.
“Halika nga dito.” Utos niya sa akin tapos tumawa siya nung nag-pout ako. Lumapit naman ako sakanya tapos bigla ko siyang niyakap.
“Sorry kung immature ako ha?” Twenty years old na’ko kaso kung mag-isip parang teenager pa.
“Ayos lang sa akin yun, Moo.” Mukhang may na-isip siya kaya binawi niya yung sinabi niya, “Ay hindi pa pala okay. Kailangan mong maparusahan.”
Nag-pout na naman ako. See? Immature. “Anong parusa ko?”
Bigla siyang tumayo, “I-kalong mo ako.” Nahihiya pa niyang sabi.
“Seriously?” Tanong ko na medyo natatawa.
“Sure. Halika, upo na dali!” Natatawang utos ko sakanya habang tinatapik pa ang lap ko.
Pagkaupo niya, niyakap ko siya ng mahigpit mula sa kanyang likuran.
“Hahahaha! Hindi mo naman agad sinabi na gusto mo pala ng ganito. Hahaha!” Pang-aasar ko sakanya. Kahit na nakatalikod siya sa akin, ramdam ko pa rin na nagba-blush siya.
Makapang-asar nga ulit, “Harap ka sa akin, Moo.”
Umiling siya. “Ayaw.”
“Ayt. Dalii na. Haharap na iyan.” Natatawang sabi ko pa rin.
Wala na siyang nagawa kundi humarap sa akin. Ang gwapo niya.
“Uyyy. Nagba-blush siya.” Ngayon, parehas na kaming namumula ang pisngi. Bakit ba kasi ang gwapo niyang mag-blush?
“So, bati na tayo Moo?” Tanong niya sa akin.
“Opo. At pinapangako ko na hinding hindi na ulit ako lalayo sa’yo. Pero hindi ko mapapangako na iiwasan kong magselos ha? Normal na sa akin yun eh.” Pangako ko sakanya.
“Selosa talaga ang mahal ko.” Tapos pinisil niya ang pisngi ko na nagba-blush pa rin.
“Pero bakit hindi mo na lang sinabi sa akin na nag-aaral ka ng piano? Para hindi na ako nagselos.” Sana sinabi na lang niya agad para hindi umabot ng ganon.
“Gusto sana kitang i-surprise. Kaso ako ang na-surprise, tinataguan mo kasi ako eh.” Tapos bigla siyang nag-pout. Waaah. Nag-pout si Daniel! First time niya ito! Nag-pout ang isang rockstar!
“Cute!” This time ako namang ang pumisil ng pisngi niya na lalo namang namula sa ginawa ko.
“Pangako ko na hindi na ulit ako magtatago ng sikreto.” Napa-smile naman ako sa pangako niya.
“Sabi mo iyan ha?” Tumango naman siya. “Sooo, kalian mo ako tuturuan ng mga natutunan mo sa pinsan mong maganda?” Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Kung gusto mo ngayon na. But in one condition.”
“Hmm. Ano ‘yon?” Tanong ko.
“Yakapin mo ako ng mahigpit ulit.” Nahihiyang sabi na naman niya.
“Aysus. Gusto mo lang maka-chansing eh.” Biro ko sakanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit na mahigpit.
“I love you, Moo.” MOO stands for ‘My Only One’. Kung sa iba, ‘My One and Only’ pwes, iniba namin yung sa amin.
“I love you so much really very more, wala na akong pakialam kung mali ang grammar, basta ma-assure ko lang na alam mo kung gaano kita kamahal, okay na ‘yon.” Pagkatapos sabihin ni Daniel iyon ay hinalikan niya ako sa noo ng matagal. Nakangiti pa rin ako kahit na sobrang bigat niya. Nakaupo pa rin siya sa lap ko eh.
“Hmm. Ehem”
“Ganyan pala kayo kapag magbabati ha?”
Sabay naming nilingon sina mama. At sabay rin kaming natawa.
Haaay. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig.