Journey 8

1928 Words
Six months after… We’re free! Sobrang saya lang, kasi natapos na kami sa pag-aaral. Kanina sa Graduation namin, halos nag-iyakan kaming lahat lalo na yung mga mag-super classmates. Nakakalungkot na sobrang saya. Nakakalungkot kasi iiwan mo na ang school life kasama na dun ang mga ilang taon mong naging kaibigan, pero masaya din kasi nakatapos na kami ng pag-aaral. Another level na naman ang pagdadaanan ng bawat isa sa amin. “Anak, nasa baba na si Daniel.” Tumingin ako ulit sa salamin, nang makuntento na ako sa itsura ko sumama na rin ako kay mama pababa. Pagkababa namin, magkausap si papa at si Daniel. “Ayan na pala si Kathryn eh. Oh Daniel, pinapaubaya ko na sa’yo ang anak ko for this day.” Tumayo si papa at saka tinignan kaming dalawa ni Daniel. Napa-seryoso ng muikha niya. First time kasi ito na buong araw kaming magsasama ni Daniel. May closing party kasi kami na pupuntahan at ni-require kaming mag-overnight. “Honey naman. Matanda na sila. Hayaan na natin sila, ‘kay?” Singit ni mama sabay abot nung bag ko na kung saan nakalagay ang mga damit ko. “Mag-iingat kayong dalawa ha? DJ, ikaw na bahala sa anak ko.” Muling sabi ni papa. “Babye, pa, ma. Alis na kami ha?” Humalik ako sa pisngi nina mama bago kami sumakay ng kotse. Ganun din ang ginawa ni Daniel sa mama ko. “Paano ba ‘yan, pinapaubaya ka na ng mga magulang mo sa akin. Hindi naman siguro sila magagalit kung itatanan na kita ngayon diba?” Nagulat ako sa sinabi ni Daniel nung nagsimula na siyang mag-drive. Kahit alam kong biro lang ‘yon, pero syempre magugulat ka pa rin. “Iyang biro mo ha, Daniel.” Sabi ko sabay kurot ng mahina sa bewang niya. Pero no reaction lang siya. Ang seryoso niya. H-hindi kaya…seryoso siya sa sinabi niya? “S-seryoso ka?” Tanong ko sakanya. Tumingin siya saglit sa akin tapos nagpatuloy sa pagmamaneho, “Oo. Tutal may dala ka namang damit, so ano payag ka?” “Alam mo namang gusto kitang makasama. Pero kasi…diba yung mga nagtatanan lang eh yung mga may problema sa mga magulang nila? Wala naman tayong problema sa mga magulang natin ha.” Napayuko ako. Wala naman kaming problema sa magulang ha? “Alam ko yun Moo.” Hinawakan niya ang kamay ko. Kaya napatingin ako sakanya at dun nakita ko yung natatawa niyang mukha. “Kainis ka naman Daniel eh! Akala ko seryoso ka na! Hmp.” Tinawanan lang niya ako tapos hinalikan ako sa pisngi kaya nawala na ang inis ko. ** “Moo…gising na.” “Moo…” Niyugyog ako ni Daniel ng mahina. Nagkunwari pa rin akong tulog, wala trip ko lang. Gaganti lang ako sa kalokohan niya kanina. “Moo, gising na. Nandito na tayo sa resort oh.” “Moo?” Niyugyog na naman niya ako. This time medyo nilakasan niya, pero hindi pa rin ako nagigising. Syempre, napapanggap lang akong tulog. After ilang seconds, tumigil din siya sa kakayugyog sa akin. Aba, iniwan na yata ako nito. In-open ko ng kaunti yung mata ko pero yung kunwaring tulog pa rin. Si Daniel…nakatitig lang sa akin. Tapos, dahan-dahan niyang binaba ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa nagdikit ang mga labi namin. “I love you Moo.” Sabi niya pagkatapos niya akong halikan. “Pero kung hindi ka titigil sa pagpapanggap mo dyan, baka maitanan na talaga kita.” Nang narinig ko yun, automatic na bumakas ang mga mata ko. Wow, automatic. Haha “Ayan ka na naman eh. Gstung-gusto mo lang talaga akong itanan eh.” Pang-aasar ko sakanya. “Wag ka ngang feeling.” Natawa ako dun sa sinabi niya. Ako pa talaga ang feeling ha. “Hm, para saan pala yung kiss kanina?” Inaasar ko na naman siya. Ang cute lang kasi namula na siya. “Wala lang.” “Weh? Ano nga? Ba’t ka nagbablush? Ayieeeh. Attractive ba ako masyado? Bakit mo muna ako hinalikan kaning habang nagpapanggap akong tulog?” Hinawakan niya ang kamay ko. Holding hands while walking. Papasok na kasi kami dun sa resort kung nasaan yung mga ka-batchmates namin. “Yes, you’re attractive kahit na may muta ka pa sa mata.” Automatic ko namang inalis yung muta ko sa mata. Ang galing din kasing mang-asar ng isang ito. “Kinilig ka no?” Nakakaasar talaga! Namumula na tuloy ako dito. “Eh, tumigil ka nga, Moo.” Nakakatawa lang. Kasi kung makikita mo kami mula sa malayo eh parang sweet na sweet kami habang naglalakad. Pero kung maririnig mo kung anong pinag-uusapan, ay matatawa ka na lang. “Tapos kanina nung hinalikan kita hahaha gumalaw yung lips mo kaya nahalata kita!” Sige, Daniel, tawa pa. “Edi nung bago mo ako halikan akala mo tulog talaga ako? Ahhh! Sinasamantala mo ang pagtulog ko, sabi ko na ba eh…” binulong ko na lang sakanya ang kasunod, “…matagal mo na akong pinagnanasaan.” Namula na naman siya sa sinabi ko. “I knew it! Matagal mo nang pinagnanasaan ang magandang ako! Bakit hindi mo naman sinabi agad? Malay mo naman pagbibigyan kita…tutal gwapo ka naman.” “Gwapo pala ha?” Tumigil siya sa paglalakad. At dahil nga magkahawak-kamay kami kaya napatigil din ako. “Pinagnanasaan mo din pala ako.” “Umamin ka din sa wakas, my dear Daniel. Alam ko naman na naaadik ka na sa kagandahan ko.” Pang-aasar ko sakanya habang hinahawakan ko yung pisngi niya. “Inaakit mo ba ako, Kathryn Bernardo?” Nilapit ko pa lalo ang sarili ko sakanya, “Naaakit ka ba?” Then I winked at him. “Oo. Pwede naman ah, tapos na tayo ng college. Pwede ng magka-baby. What do you think, Moo?” Tapos siya naman ang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. “Harrr. Hindi mo ako maaakit noh!” “Talaga lang ha?” Lalapit pa sana siya sa akin kaso biglang dumating yung isa naming ka-batchmate. “Nandyan lang pala kayo eh! DJ, hinahanap ka na ni Lei! Lagot ka sa pinsan mo, kanina pa nagsisimula yung program. Next na daw yung prod mo.” Si Yanna, isa sa mga ka-close namin ni Daniel. Siya din ang nag-organize ng Closing party na ito. “Nakabihis na naman ako, okay na ako.” Sabi ni Daniel tapos tumingin sa akin. “Hoy! Kailangan na ako dun. Kayo ha, diretso sa club ha? Wag sa room! Mahirap na baka makagawa kayo ng makakadagdag sa birth rate ng Pilipinas!” Ganyan lang talaga si Yanna, kalog kung kalog. Hinawakan lang ulit ni Daniel yung kamay ko at naglakad na dun sa sinasabi ni Yanna na club ng resot. Nung nasa club na kami, ang dami ng taong nagsasayawan sa may dance floor. Tinawag na siya sa may stage. “Pakinggan mo yung kakantahin ko ha?” Tapos kinindatan na naman niya ako. Tinitignan ko lang siya habang paakyat siya dun sa mini stage. “First of all, I would like to congratulate you guys! I hope makahanap tayong lahat ng trabaho! Haha. Stay nice, guys.” Sabi ni Daniel sa lahat. “As always, I will dedicate this song to a girl who seduced me a while ago. Hahaha. Moo, this is for you.” Kinikilig na naman ako ng parang ewan. Ikaw ba naman ang sabihan ng ganon. Pero mukhang sanay na sila sa amin kaya tinawanan na lang nila si Daniel. “I got a cold and you got one too My silly heart says you're a fool Go take care of her she's all that you've got All that you've wanted, and all that you're not” Nakatingin lang ako sakanya habang kinakanta niya iyon. Daniel, thank you…thank you for this. Thank you for everything. “I'll leave my head for thinking This jobs for a heart that's beating Don't care if I'm down Dont care how I feel Love you so much That Ill always be here Dont worry about me Ill take care of you This is a way to say that I love you” Nakakapagtaka lang kasi kapag kinakantahan niya sa mga gigs niya sa akin lang siya nakatingin pero this time naka-focus lang siya sa gitara niya. At minsan ay pumipikit para mas ma-feel niya ang kanta. “You tell me I’m sick with a giggle and stare I hope that you know that I really care You get out of bed youre so messy and sweet A kiss on my cheek” Natawa ako, naalala ko naman yung kanina nung nagpanggap akong tulog. Kahit hindi ko maamin sakanya, inaamin ko sa sarili ko na sobrang na-touch ako. Sinabi kasi niya na mahal niya ako kahit na wala siyang kasiguraduhan kung maririnig ko. Hinalikan pa nga niya ako eh. Nalaman na lang niya na nagpapanggap pala ako nung bigla daw gumalaw yung labi ko nung hinalikan niya ako. Hindi ko naman kasi siya matiis. “I'll leave my head for thinking This jobs for a heart that's beating Don't care if I'm down Dont care how I feel Love you so much That Ill always be here Dont worry about me Ill take care of you This is a way to say that I love you Say that I love you...” Maganda yung song. Tinignan ko yung ibang nakikinig. May ibang nakatingin sa akin tapos biglang titingin sa stage. Meron din naman na nakikipagsayaw sa mga kasintahan nila habang kumakanta si Daniel. At tulad ko…meron ding nanunuod na umiiyak. “Not only today but forever more Until I die or you just get bored Ill give you my all everything Ive got Because of this heart” Tiningnan ko ulit si Daniel na hanggang ngayon ay naka-focus pa rin ang mata niya sa kanyang gitara. “I'll leave my head for thinking This jobs for a heart that's beating Don't care if I'm down Dont care how I feel Love you so much That Ill always be here Dont worry about me Ill take care of you This is a way to say that I love you” Nakita kong dahan dahan siyang tumingin sa audience. “Awwww…” “Ang swerte talaga ni Kath…” “Perfect boyfriend..” “Perfect couple ‘kamo..” Kahit ako nabigla nung nakita kong namumula yung mata ni Daniel at nang biglang may tumulong luha sa mga mata niya. I never thought that he will cry in front of these people. “To say that I love you... To say that I love you... To say that I love you... To say that I love you... “ Kinanta niya ito habang nakatingin sa akin. Iyakin na kung iyakin…pero ganito naman siguro kung mahal mo ang isang tao. Okay na sigurong umiyak basta tears of joy. “I love you...” Sumabay ako sa pagkanta niya sa huling part, Mahina lang ang pagkakakanta ko pero alam kong alam niya na kinanta ko iyon. Halata kasi sa ngiti niya. Bago siya bumaba ng stage, lumapit ulit siya dun sa mic para isigaw ‘to… “Woooh! Adik na adik ako sayo Kathryn Bernardo! Tandaan mo, mahal kita forever!” Ano pa bang dapat kong hilingin? Masaya ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa lalaking papakasalan ko someday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD