Pagkagising ni Rita kinaumagahan ay agad itong nagtungo sa kusina. Naghilamos at sipilyo na muna ito kasunod ay nagpakulo ng tubig upang magtimpla ng kape. Siya pa lamang ang gising.
Sumabalit napatigil siya dahil may naririnig siyang parang bumubulong na umuungol na ewan at nanggagaling ito sa sala nila kaya lumabas siya ro'n.
Nadatnan niya si Mang Gaspar na nanginginig, nang hawakan niya ito sa noo ay inaapoy pala ito ng lagnat.
"Naku 'tay! Anong nangyari't nagkagan'yan ka?" tanong nito. Subalit hindi sumagot si Gaspar, dali-daling nagtimpla si Rita ng kape para rito at kumuha ng gamot sa tukador.
"'Tay! Woi, 'tay! Bumangon na nga muna po kayo riyan at uminom ng gamot," gising ni Rita kay Gaspar. Pinilit namang idilat nito ang mga mata kahit sobrang sama ng pakiramdam.
"N-ngindi ngo ngaya, ngang nyamig." Nanginginig pa nitong tugon kay Rita.
"Ito po ang kape, inumin mo muna at magluluto lang ako ng almusal, inumin niyo na rin po ang gamot para pagpawisan kayo," aniya.
Si Gaspar naman sinunod na lamang ang sinabi rita. Humigop ito ng kape at kahit papaano ay nakatulong 'yon sa panlalamig niya.
Kasunod ay ininom na niya ang gamot at muling nahiga, mayamaya ay muli naman itong nakatulog.
Nakapag-luto na si Rita ng kanilang almusal, nang muli nitong puntahan si Gaspar ay tulog na at hindi na ito nagangatog sa lamig.
Nagpasiya na lamang siyang hayaan na muna ito at mag-aasikaso na siya dahil pupunta na siya sa tindahan. Nariyan naman si Nanay Soledad niya at ito na ang bahala kay Gaspar.
Nang magising si Gaspar ay med'yo bumuti na ang pakiramdam niya, dahan-dahan naman itong bumangon na sakto naman ang dating ni Soledad.
"Oh gising ka na pala, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.
"Ngayos na, minagmawisan nga rin ngako," mahina nitong sabi at nakaramdam na si Mang Gaspar ng gutom.
"Nangungutom ango, nangaluto nga na?"
"Aba'y oo, nagluto na si Rita bago umalis at siya ang nagpainom ng gamot sa 'yo kanina, tanda mo ba?" napaiwas naman si Gaspar ng tingin kay Soledad. Hindi kasi niya akalain na may malasakit pa rin pala si Rita sa kan'ya kahit paano.
"May sakit ka pala Gaspar, bakit hindi ka nagsasabi? 'Di sana'y nakainom ka agad ng gamot at mero'n tayo riyan," saad naman ni Soledad.
"Nganun nga! Nguminom ango ngamot nangabi, mumilii ango ngay Mingatsol," inis na sabi naman ni Gaspar rito dahil bumili naman siya ng gamot kagabi kina Mirasol.
"Meke 'yon dahil magkanginom ngo ng Myonyesic na namili ngo tsa nganya, miglang humingot maningin ngo! Napos nan nyabo maningin ngo ngat nyumangit ngulo ngo, ngaya nga nanulog na ango angad. Munyeta nalaga! Meke hang Myonyesic (Biogesic) ngila. May nyayd ngepek!" (May Sige effect) galit na sabi pang muli ni Gaspar kaya paniguradong gulo na naman 'yan sa pagitan nila ni Mirasol.
"Naku, gano'n ba? Baka kasi hindi lang tumalab agad ang gamot sa 'yo dahil baka lasing ka kaya hindi talaga tatalab, uminom ka ba kahapon?" tanong naman rito ni Soledad ngunit umiling naman si Gaspar.
"Ngindi ango nguminom! Ngindi ango nyasing!" hindi na sumagot pa si Soledad at iniwan lamang si Gaspar.
Samantala si Rita naman ay sumad'ya sa bahay nina Aling cora dahil may nabili siyang bangus para ulamin nila ngayong gabi. Naisipan nitong maghingi ng talbos ng kamote dahil maraming tanim do'n si Aling cora sa gilid ng kalsada at kung sino raw ang gustong mag-gulay ay humingi na lamang umano rito.
"Aling Cora!" tawag pansin ni Rita kay Aling Cora na abala sa pagwawalis ng bakuran.
"Oh, Rita ikaw pala. Kumusta?" tanong nito nang makalapit si Rita.
"Ayos naman po, ikaw ho ba?"
"Ayos lang din naman, awa ng Diyos. Anong maitutulong ko sa 'yo?" tanong naman ni Aling Cora kay Rita
"Ah– hihingi po sana ako ng talbos, Aling Cora. Ilalahok ko po rito sa bangus na nabili ko kung maaari po?" pakiusap ni Rita.
"Aba'y oo naman, sige lang at kumuha ka na. Sabi ko naman sa 'yo na kung gusto mong mag-gulay ay pumunta ka lang rito! Siya, sige na't kumuha ka ro'n at hapon na para makapagluto ka na." Ngumiti naman si Rita at nagpasalamat.
"Maraming salamat po, Aling Cora. Ang bait niyo talaga!" 'Yon lang at nagtungo na si Rita sa talbusan. Masaya naman si Aling Cora dahil napakabait rin talaga na bata ng anak-anakan nina Soledad at Gaspar.
Pagkarating ni Rita sa halamanan ay pakanta-kanta pa ito habang pinagmasdan ang mga talbos ng kamote, ang tataba at malago kasi ang mga ito. Talagang
alaga talaga ni Aling Cora.
Song Title : Hulog ng Langit By : Donna Cruz
Ikaw ang hulog ng langit Ikaw ang katuparan dito sa aking daigdig
Ikaw sa akin ang bituin
walang kupas ang ningning
ligaya kang walang hanggang
Ako'y sa 'yo, at ika'y para sa 'kin
At habang kumakanta ay namitas na si Rita ng talbos, abala na siya ro'n nang biglang may napansin siyang lalaki na huminto sa puno ng santol at akmang magbubukas na ito kaniyang zipper ay bigla niya itong sinita.
"Hoy! Sinong may sabing puwede kang umihi r'yan?! Kapal ng mukha mo! Hindi mo ba nakikitang halamanan ito?! Mga gulay ang tanim rito tapos iihian mo lang!" sigaw ni Rita at dinuro-duro pa niya ang lalaki habang hawak ang talbos ng kamoteng napamitas na.
"Excuse me, Ihing-ihi na kasi ako. Anong gusto mo? Umihi ako sa pants ko?"
'Aba suplado ka pa!'
"Wala akong pake! 'Wag dito! Do'n ka sa iba! Hindi mo ba nakikita na mataba at malago ang talbos ko? Tabos iihian mo lang?!" singhal pa ni Rita na ikinangisi naman ng lalaki.
"Talaga? Gaano ba 'yan ka taba at kalago? Patingin nga?" pilyong tugon naman nito kay Rita na napagtanto ang sinabi.
'Buwisit! Bakit parang iba ang naiisip ko sa tanong niya?'
Hindi naman nagpahalata si Rita na maski siya ay nahiya. Tinaasan niya pa ito ng kilay "Hindi ka naman siguro bulag? Nakikita mo naman yata 'tong hawak kong mga pinamitas na talbos?"
"Ah 'yan ba? O, sige na! Paihiin mo na 'ko dahil sasabog na talaga ang pantog ko, Ms. Talbos," sabi ng lalaki. Nanggagalaiti naman si Rita dahil itutuloy pa rin talaga ng lalaki ang pag-ihi nito.
"Hindi nga puwede! Alis! Umalis ka rito!" taboy ni Rita ngunit hind nakinig ang lalaki.
Nanglaki ang mga mata ni Rita na talagalang binuksan na nito ang zipper, hindi talaga ito nahiya na may babaeng makakakita.
"Sige, pigilan mo 'ko kung kaya mo!" Napatalikod naman si Rita dahil hindi pa naman siya hibang upang panuorin nga ang lalaki habang umiihi.
Narinig ni Rita na tumawa pa ito.
'Tang ina talaga! Ang kapal!'
"Haayyy...sarap!" anas pa ng lalaki.
"Oh ayan! Tapos na, ba't ka ba nagagalit? Eh, pataba pa nga yon sa talbos mo. Siguradong lalago pa 'yan lalo, tataba at mas lalong masarap kainin." Sabay kindat pa nito sa kay Rita.
"Sige na, Ms. Talbos, salamat!
Patabain mo pa 'yan lalo ah. Malay mo sa susunod na pagkikita natin ay matikman ko 'yang talbos mo!" Ngising paalam nito kay Rita.
"Let'se! 'Wag ka nang babalik!" sigaw pa ni Rita sa papalayong lalaki.
"Hayup na tikbalang 'yon! Humanda ka 'pag nagkita pa tayo ulit!"
Nang papauwi na si Rita ay saktong nadaanan niyang nagkakagulo sa tindahan ni Mirasol.
Hindi niya na sana ito papansinin dahil wala naman siyang paki sa mga 'yon ang kaso ay namataan niyang si Gaspar pala ang naro'n kaya dali-dali niya itong pinuntahan sa tindahan ni Mirasol.
"Oh bakit ako ang sisisihin mo kung hindi tumalab ang gamot sa 'yo? Ako ba gumawa no'n? Taga benta lang ako Gaspar!" bulyaw ni Mirasol sa nagagalit na si Gaspar.
"Nyempre nyahil nyito ango momili!
Magmementa nga, meke! Ngulol nga ba?!
Lalong umusok ang ilong ni Mirasol dahil sinabihan siyang ulol ni Gaspar.
"Tar*ntad* ka pala eh! Baka hindi ka na talaga talaban ng gamot dahil kahit dugo mo siguro ay Emperador na rin!" halakhak pa ni Mirasol pagkasabi no'n.
"Muck you nga! Ngindi nga nyannyaman mustahan mha! Ngiyak nawa nga mha!" sabi pa ni Gaspar na napipikon kay Mirasol.
"'Tay, ano ba 'yan at nakikipag-away ka rito?
May sakit po kayo 'di ba?" Sinamaan naman ng tingin ni Gaspar si Rita dahil mukhang pati ito ay pakikialaman pa siya.
"Ay naku, Rita! Sinugod ako niyang tatay mo kasi hindi raw tulamalab 'yong gamot na binili niya sa 'kin kagabi. Hindi ko na kasalanan 'yon! T'saka sa lahat ditong bumili ng gamot sa 'kin siya pa lang ang nagreklamo," inis pa ring sabi ni Mirasol
"Ahmmn... Pasensiya na po, Aling Mirasol–"
"Makit nga magnyo-nyori n'yan? Meke hang myonyesic na ninda n'yan! Mahala nga ngayo!
Magnamanama ngayong mga meke!"
banas na sabi ni Gaspar sa mga ito at tuluyan nang umalis, tulikod na ito at iniwan ang mga tao sa tindahan pati na rin si Rita.
'Pisteng yawa talaga, oh! Ang pangit ng araw ko ngayon ah!'
Tumuloy nang umuwi uwi si Rita.