Chapter 8

1037 Words
"Woi, Friend! Aga mong nakabusangot ah. Hulaan ko, si Mang Gaspar na naman iyan 'no?" "Tss. May iba pa nga ba?" walang gana kong tugon kay Rose. Bad trip talaga! Araw-araw na lang nagpapasaway. Wala na nga maitulong, sakit pa sa ulo! 'Bigyan pa sana ako nang mahabang pasensya at si Nanay, pagalingin mo na siya lord. Dahil sa kan'ya kaya ako kumakayod, kapag nawala siya ay hindi ko alam ang gagawin ko.' "Anyare ba? Lasing na naman?" "Hindi!" nag-uusap kami ni Rose habang abala sa kani-kaniyang ginagawa. "Oh, hindi naman pala lasing. Ano ba ang ginawa?" "Hay, naku! Nakipag-away na naman. Malamang! Sinugod na naman si Aling Mirasol dahil peke raw iyong nabili niyang gamot, at may side effect Kasi nahilo at nanlabo ang paningin. Aba'y sino bang hindi nakaramdam ng gano'n kapag inaapoy ka lang lagnat? Wala talaga sa hulog si Tagay. Na-gigil!" Pinagtawanan naman ako ng gaga na lalong ikinainis ko. "Ibang klase talaga iyan siang Gaspar, halos lahat ng kabit-bahay ninyo kaaway na ah." Kinahapunan pag-uwi ko ay tahimik ang buong kabahayan. Hinanap ko si Nanay sa kaniyang kuwarto subalit wala ito ro'n kaya muli akong lumabas. 'Nay..." tawag ko ngunit wala talagang nasagot. 'Saan naman kaya iyon nagpunta?' Sa totoo lang ay kanina pa ako nilulukob nang kaba at hindi ko maintindihan kung, bakit? "Baka may binili lang iyon labas," sambit ko. Nagpasya akong magtungo sa likod bahay para silipin sana ang pugat ng alaga kong manok na nagitlog na pero lakit gulat ko nang makita ko si Nanay doon malapit sa puno ng suha nakahandusay at walang malay. "Nay Soledad!" bulalas ko na agad ko itong tinakbo upang dalhan. "Nanay, gumising ka. Anong nangyari sa inyo?" naiiyak na ako dahil hindi ito gumigising. Malamig ang kaniyang mga kamay at maputla na ang rin ang kaniyang balat at labi. Inilapit ko ang aking sarili sa kan'ya upang damhin kung humihinga pa ba ito subalit wala akong maramdaman. "Hindi." Naiiling kong sambit. Kinapa ko rin ang kaniyang pala-pulsuhan ngunit wala rin itong pitik ro'n. Halos mabaliw na 'ko. Tatayo at bigla ko na naman itong dadaluhan, hindi ako makapag-isip ng tama habang ang aking mga luha ay sagana lamang na nagsi-agos na tila bukal na walang tigil. "Nanay, gumising ka! Ano ba?! sigaw ko na. Nang mahimasmasan ako ay tumakbo na ako palabas upang manghingi ng tulong sa aming mga kabit-bahay. "Tulong.... Tulungan niyo po kamin..." "Rita, bakit? Anong nangyari sa 'yo 't umiiyak ka?" Sakto naman na may dumaang malapit sa bahay kung kaya 't lumapit ako sa kan'ya. "A-ate, t-tulungan m-mo p-o a-ako. S-si N-nanay po kasi," nauutal na sambit nang dahil sa pag-iyak. "Hala, bakit? Ano nangyari kay Soledad? Nasaan siya?" "N-naro'n p-po sa likod, bahay. Basta ko na lamang po siya nakita ro'n. W-walang m-malay," pilit ko sinisiksik sa utak ko na nahimatay lamang ito kahit pa alam ko naman kung ano talaga. Hindi ko kaya! Ayaw kong tanggapin! Nauna na si Alice sa akin patungong likod bahay. Nangangatog ang tuhod ko na sumunod sa kan'ya, hindi ko kayang makita si Nanay na nasa gano'n estado. "Diyos ko po, Soledad!" dinig kong wika ni Ate Alice na tulad ko ay dinala rin ang pala-pulsuhan nito. Nang tumingin siya sa akin ay naluluha na rin ito at bakas ang lungkot at awa. Nailing pa si Ate sa akin na isa lang ang ibig sabihin. Wala na. "Nakikiramay ako sa iyo, Rita. Magpakatatag ka ha? Sandali lang at hihingi pa ako nang tulong at pupunta akong Brgy. upang makausap si Kapitan." Yumakap si Ate Alice sa akin at tinapik-tapik pa ang aking balikat. Napasalampak lamang ako sa lupa hindi kalaunan kay Nanay. Ang sakit-sakit, kasabay nang paghagulhol ko ay ay ang pagtambol ko nang ilang beses sa aking dibdib. "Bakit? Bakit siya pa? Bakit ang si Nanay?" nagsidatingan na ang iba naming kabit-bahay na lahat sila ay nabigla sa biglaang pangyayaring ito. Kung bangungot ba ito, lord gisingin mo na 'ko! "Ay kawawa naman si Ate Soledad." "Ano kayang nangyari?" "Nasaan ba kasi si Gaspar?" *Mukhang intake ito si Soledad ah. Malas lang dahil wala siyang kasama, baka sana ay na agadapan siya." Rinig ko ang mga usapan nila. Kasalanan ko siguro. Kung sana ay uwiwi ako agad nang may naramdaman akong kakaiba. Si Nanay na pala iyon! 'Patawarin mo ako, Nanay ko.' "Rita, iminom ka na muna nang tubig oh." May nag-abot sa akin ng maiinom subalit hindi ko ito tinanggap. Wala akong gana, kahit nga ang pagkain ay hindi ko maalala. "Nadatnan mo na lang siya riyan pagdating mo, Rita?" tanging tango lang ang naisagot ko. Parang nawalan na ako nang boses. "Hoy parating si Gaspar, nagmamadali." Humahangos na lapit ng isa sa aming mga kabit-bahay kung kaya 't nagsigilid ang mga ito. "Nganong hangyare, ngasan na? Tsonedad..." papalapit pa lang ay iyon na ang sigaw ni Tatay at batid kong pagtangis nito. Natigilan ito nang ilang sandali nang makita na ang labi ni Nanay. Halos hindi naipinta ang kaniyang mukha sa samo 't saring emosyon kay Tatay. Napaiwas na lamang ako nang tingin dahil hindi ko kayang makita ang tagpong iyon. Sa akin nga na hindi naman tunay na anak ni Nanay ay sobrang sakit na. Siya pa kaya na kabiyak. "Tsonedaadddd!" Tumakbo si Tatay palapit kay Nanay, niyakap niya ito na ani mo'y mababaliw rin. Halos mawasak ang puso ko, alam kong kahit palaging nakasighal si Tatay ay mahal nito si Nanay kahit napaka-pasaway niya "Makit mo ango hingiwan? Ahhh..." Lahat nang naro'n na nakatunghay na nasisi-iyakan na rin. Mabait ang nanay ko, sa lahat nang tao ay masasabi kong ito ang pinakamabai na nakilala ko. Napatingin ako sa kalangitan "Lord, kaya mo ba agad kinuha ang nanay ko dahil sobrang bait niya?" Ang daya naman no'n! May mga pangarap pa ako para kay Nanay, eh. Nang mapansin na ako ni Tatay ay saglit itong tumahan ngunit ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa akin. Dahan-dahan nito inilapag si Nanay, tumayo na. Kung nakakamatay lang ang mga titig na iyon ay tiyak na nakahandusay na ako. "Hingaw!" asik nito sabay duro sa akin. "Nahil tsa 'yo ngaya nagngashangit tsi Tsonedad! Ngung ngindi nga numating tsa muhay nyamin nyoon tsana waya tsa nyito. Ngindi tsa nagngashangit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD