Isang linggo ang makalipas mula nang maihatid na sa huling hantungan ni Rita ang inang si Soledad. Hindi niya man tanggap pa ang pagkawala nito ay unti-unti na lamang niya iyong gagawin.
Wala na siyang kakampi.
Si Gaspar naman ay hindi nagpakita mula nang mawala si Soledad, isang gabi lamang ito huling nakita sa kamay, matapos no'n ay tila bula na rin itong naglaho. Ni hindi na rin ito nakilibing kay Soledad kung kaya 't nagpupuyos ang damdamin ni Rita dahil parang bang wala itong pakialam sa naging kabiyak.
Ngayon ay mag-isa na lamang si Rita na magpapatuloy sa kanyang buhay. Hindi niya na rin hinanap pa ang tatay niya dahil ito naman ang kusang bumalik. Siya rin ang sinisisi nito sa pagkawala ng Ina niya na talagang hinding-hindi niya matatanggap!
Mahal na mahal niya ang Ina at lahat nang ginagawa niya ay para rito, gusto niya itong gumaling at may pangarap pa sila subalit hindi na iyon mangyayari pa!
Lingid naman sa kaalaman ni Rita na pasikretong bumisita si Gaspar at puntod ni Soledad. Naro'n din ito no'ng libing ngunit nakatanaw lamang siya sa malayo. Ang totoo ay sinisisi niya ang kan'yang sarili.
Buong pagsasama nila ay naging pagbigat lamang siya rito. Nagrebelde siya dahil lamang sa pagdala nito sa isang bata noon at iyon ay si Rita. Pakiramdam niya ay dahil kay Rita ay mas binuhos na nito ang atensyon sa pag-aalaga at maging pagkakaro'n nila sana ng sariling anak ay hindi na nangyari.
Ang nais lamang niya no'n ay magkaro'n sila ng anak ni Soledad hindi iyong mag-aalaga sila ng anak ng kung sino ngunit wala siyang magawa dahil ginusto na iyon ni Soledad hanggang sa hindi na rin talaga nakaalis pa ng bansa ang Asawa kung kaya 't kinapos na rin sila sa Pera at nanghirap.
Lahat sa sinisisi niya kay Rita.
Dahil nga umalis sa baryo nila si Gaspar ay kung saan-saan na ito napadpad. Wala rin siyang mapasukang trabaho at wala rin tumatanggap sa kanya kaya talagang nahirapan siya na makakuha kahit na pagkain man lang niya. Hanggang sa may nakilala siyang sa lansangan, isang grupo at naghikayat sa kanya na gumawa ng tulad sa mga ito.
Ang magnakaw.
"Gaspar, alam mo na ang gagawin mamaya ah? 'Wag kang papalpak kung ayaw mong malintikan kay bosing. Sinasabi ko na sa 'yo, hindi kita sagutin," paalala isang sanggano na kasama na ni Gaspar ngayon. May ina-abangan kasi silang tao at malaking halaga ang balak nilang tangayin ngayon.
"Oo nga! Manyunyit-nyuyit!" reklamo pa ni Gaspar dahil mukhang minamaliit pa siya nito. Kailangan niya rin gawin iyon dahil wala siyang pagkain kapag nabuliyaso sila.
"Aba! Ang yabang mo ah! Pigain kita riyan kita mo!" asik ng lalaki dahil sa hindi nagustuhan ang ugali ni Gaspar. Tila pa kasi ayaw nitong makisama at ayaw nang minamanduan samantalang wala na itong makain.
Araw ng linggo ngayon kung kaya 't nagsimba sina Rita at Rose upang ipagdasal na rin ang nanay niya. Hapon iyon at balak na rin nila kumain sa labas at maglibot-libot sa mga tyangge roon.
"Uy Rita! Halika, mukhang bagay sa iyo 'to, ano? Bilhin mo na," aya ni Rose nang makita nito ang isang bistida na sa paningin niya ay bagay sa kaibigan. Masyado kasi itong matipid para sa sarili lalo na no'ng buhay pa ang kaniyang Ina. Mas nanaisin pa na ibili na lamang ni Rita ang pera ng pangangailangan sa pang araw-araw kaisa sa pansarili. Lalo na ang maintenance ng Ina.
"Ngee! Anong gagawin ko riyan? 'Wag na! Marami pa akong damit."
"'To naman! Sige na, kung ayaw mo ay ako na lang ang bibili para sa iyo. Friend, kailangan mo rin bilhan ng reward ang sarili mo dahil ikaw naman ang kumakayod. Maliit na bagay lang iyan, tsaka, malapit na ang fiesta sa atin at dadalo tayo ng sayawan," kinikilig pang sabi ni Rose. Pareho naman silang single ni Rita kaya baka sa gabing iyon ay may makakilala sila.
"Lalong wala naman akong pake! Tigilan mo ako, Rose. Hindi ako pupunta ng sayawan na iyan!" angil nito kay Rose. Nauna na siyang maglakad sa kaibigan pero hindi talaga nagpapigil si Rose na hindi masuot iyon ni Rita kung kaya 't binili niya na lang iyo at ireregalo niya na lang sa nalalapit na rin palang kaarawan ng kaibigan.
Saktong naglalakad na si Rita sa b****a ng nilusutan nilang puros paaninda ay nakarinig ito ng mga nagsisigawan.
"Magnanakaw! Iyong bag ko– Tulong!" nagkulasan ang mga tao sa paligid at iyong iba ay mukhang makiki-usyoso pa talaga.
Napailing-iling na lamang si Rita. "Tsk! Mga tao talaga. Hindi na lang nila gawin ang mabuti, nasa harap na sila n simbahan pero nagawa pa rin gumawa ng masama," sambit niya habang patuloy pa rin ang kaguluhan sa 'di kalayuan.
"P*ta! Nasaan na iyong mayabana na iyon? Sinabi nang ipasa niya sa akin eh! Todas talaga kapag nahuli ang gag*!" dinig niyang sabi ng isang lalaki na pa-simpleng nagkumbli sa gawi niya. Batid niyang hinihingal pa ito kaya napakunot ang kanyang noo dahil parang may ideya siya kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. Akmang sisilipin niya sana ito nang bigla na rin itong tumakbo.
"Hayun! Habulin ninyo!" muling may sumigaw at nagpito. Natanaw ni Rita ang isang lalaki na nakasobrebo at may bibit itong bag pambabae. Hula niya ay ito na iyong hinahabol ngemga pulis kung kaya 't may naisipan siyang gawin.
"Sige, damaan ka rito!" mahinang sambit niya at naka-abang na nga. Nakaupo siya sa gilid upang hindi nito mapansin ang abang niya at saktong naro'n na nga ang lalaking tumatakbo nang bigla niya ini-usli paa isang paa upang mapatid ito at nagtagumpay naman si Rita.
Nabitawan ng lalaki ang bag sa gawi niya kaya agad niya iyong pinulot upang ibalik sa may-ari subalit bumangon pala agad ang lalaki at nagkasabay pa sila sa pagpulot.
"Akin na–"
"Angin na nyan!'" biglang natigilan si Rita nang maringi ang boses ng lalaki na ka-agawan na niya ngayon sa bag. Namilog ang kaniyang mga mata nang mai-angat niya ang kanyang ulo at makilala nga ito.
"Tatay Gaspar?!
Gano'n din ang naging reaksyon ni Gaspar subalit mabilis lang iyon at sinamaan na ng tingin si Rita.
"Angin na nyabi! 'Wag mho ngo mangianyaman!"
"Pero makukulong ho kayo!" Mahigpit ang pagkakahawak ni Rita sa bag nang muling pumito ang mga pulis at papalapit na nga sa kanila. Sa takot ni Gaspar na mahuli ay labas sa loob na binitawan na lamang niya ang bag at iniwan na nga si Rita na nakatulala.