Chapter 5 - Galit

718 Words
Buwisit! Buwisit! Buwisit!" gigil na sambit ni Rita dahil may ginawa na namang kalokohan ang tatay nito. Nalaman niya kasing ang laki na pala ng utang nito sa tindahan ni Aling Marites at ngayong napadaan siya do'n ay biglang siyang tinawag, sisingilin na pala siya. Kaya nga hahanapin niya ang si Mang Gaspar upang ito mismo ang maghanap ng paraan na makahanap ng pambayad. Hindi nga na naman siya nagkakamali, nasa tagayan na naman ito. "Gaspar, mabuti lagi kang may pangbili ng alak no! Ang suwerte mo naman sa anak-anakan mo dahil kusa ka pala nitong binibigayan ng pera araw-araw." Napakunot ang noo ni Rita sa narinig, hindi pa siya napansin ng mga ito na papalapit. "Ango pa!" mayabang nitong tugon sa kaibigan. "Ma-al na ma-al ango non! Mag inami ngo ngang, Ngita menge nga mangmili Hempi, wampepty. Mingay angad mare," sabi pa nito. "Ano ka ba naman Pare. Lalaki ako, kaya 'wag mo nga akong tawaging Mare," pagtatama ng kaibigan nitong med'yo may tama na rin ng alak. "Mare nga!" tugon naman ni Gaspar. "P're! Pare dapat, Pare," ulit nito. "Mare nga Mare!" "P're, ano ba naman 'yan!" reklamo na ng kaibigan nito dahil mare ang tawag sa kan'ya ni Gaspar. "Makit ango? Hingaw nga niyan hang nyabo mong nga-utsap," hindi na hihintayin ni Rita mag-away ang dalawa kaya agad siyang sumabat. "Hep! Awat na! Baka mag-away pa kayong dalawa dahil kahit magbugbugan pa kayo ay hindi talaga kayo magkaka-intindihan," awat niya pa. "Ikaw naman Mang Kanor, kita niyo pong bingot 'yong kausap mo! Paulit-ulit ka rin." Baling niya naman rito. "'Tay! Puwede ba kitang makausap?" mahinahong tanong ni Rita. "Amay mastos ngang mata nga! Maka nangangalimutan mo nga ango nagmamalamon tsayo!" Dinuro-duro pa nito si Rita sa galit. "Ay! Wow! Bilib naman talaga ako sa 'yo, 'Tay. Kaya pala ako ang sinisingil sa inutang mo do'n sa tindahan ni Aling Marites dahil pinapalamon mo 'ko!" sarkastikang sagot ni Rita sa amain dahil sobra na. "Mano! Hayaw mo hangong migyan mangmili Hempi! Ngedi ngungutang ngako ngay, Mangites! Momo!" Nasapo na lamang ni Rita ang noo dahil parang gusto na niyang isilid sa sako ang ama at isabit sa puno patiwarik. "Wampepty ngang, ngayaw mo mamingay! Nguripot!" 'Peste! Ako pa bobo! Ako pa kuripot!' "Bayaran niyo po 'yong utang mo do'n ah! Ang lakas nangutang, eh, wala naman trabaho!" galit na sabi ni Rita. "Hiwalay naman na kayo ni Nanay at kahit kailan hindi nito naman po akong tinuring na Anak. Pero bakit ako ang magbabayad sa pinagkakautangan niyo! Kailan po ba kayo magbabago kapag uugod-ugod na kayo!" Sabay talikod nito Rita at iniwan na ang dalawang nanahimik. "Hoy! Pareng Gaspar, nagalit na si Rita. Bakit mo naman pala ginawa 'yon? Alam mo totoo win ang sinabi niyang, kalang Kao a magbabago dahil hindi ka na man na bumabata," payo naman ni Mang Kanor kay Mang Gaspar. "Mayaan mo 'yan! Ngung ngindi tsa nginampon ngi Tsonedad ngedi tsana manganda muhay ngo! Napat natsa ngibang mansa mha rin tsi Tsonedad!" Ayaw pa rin talaga makinig ni Mang Gaspar sa pay ni Mang Kanor kaya napailing na lamang ito sa kan'ya at nagpatuloy silang uminom. Samantalang madilim ang mukha ni Rita habang patungo sa tindahan niya. Ini na inis ito kay Mang Gaspar. Dahil hindi na tama ang ginagawa nito. Maghapon siyang naghahanap ng pagkain nila sa araw-araw peso itong ni Mang Gaspar naman ay bukod sa uminom ay nagawa pa'ng mangutang ng alak. Dapat ng nanay Soledad na lamang niya ang iniintindi niya eh! Si Soledad lamang kasi ay malasakit sa kan'ya. Napapagod na rin siyang araw-araw na makipag-bangayan kay Mang Gaspar. Hindi niya alam kung saan pa ba 'to kumukuha nang kapal ng muhka. "Friend! Bakit ang aga mo naman parang nakabusangot diyan?" tanong sa kan'ya ng kaibigan ni Rose. "Paano naman kasi! Nakadaan Lang ako sa tindahan ni Aling Marites ay sumingit na ako sa utang raw ni Tatay! Hayyyy… Nakakainis!" "Naku! Kahit kailan talaga 'yang si Mang Gaspar napaka-sama ng ugali! Ang lakas-lakas ng katawan batugan!" sabi naman ni Rose. Naawa na si Rose kay Rita dahil hindi na nga nakapag-aral para lang tustusan ang pangangailangan nila sa araw-araw, isa pa ay ang sakit ni Aling Soledad mas kailangan ito ang gamot kaya nagsisipag si Rita. Pero hindi man lang makita ni Mang Gaspar 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD