Chapter 4
Dahil walang pambili si Gaspar ng alak ay nakuntento na lamang siya na naupo sa isang tabi. Nakatingin siya sa mga bata na naglalaro at kumakanta ng mga bahagi ng katawan, nasa tatlo hanggang limang taong gulang pa lamang ang mga ito.
Napangiti siya dahil bigla niyang naalala, kung nagka-anak kaya sila ni Soledad. Magiging mabuting ama kaya siya?
Ano kaya ang pakiramdam kapag sariling anak ang inaalagaan?
Biglang may lumapit na mga bata na mas matanda na sa mga ito at tinuran ang mga bata pero mali-mali naman. Parang pinagtitripan kaya pinanood niya na muna, pero, naiinis si Gaspar kung kaya ay nilapitan niya ang mga ito at sinaway sa panggugulo sa mga batang maliliit
"Phhhsssttt! Ngoy! Noko ngayo, ah! Ni ngayo ngangalis niyan?! Ngaliiissss!" taboy niya sa mga loko-lokong bata.
Napatingin naman sa kan'ya ang tatlong bata, dalawang babae at isang batang lalaki.
"Noko ngayo! Nanda-nanda niyo na, mumamatol mha ngayo tsa mga mata," inis na sambit ni Gaspar.
"Mang Gaspar! Mang Gaspar!" tawag sa kan'ya ng mga bata. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng mga ito.
"Ano po sa English ng mga kinanta namin 'yong,
PAA, TUHOD, BALIKAT, ULO. Po?" Hinila-hila pa no'ng isang bata ang laylayan ng damit niya.
"Mangit ango?" tanong naman niya sa mga ito.
"Eeehh...sige na, po," pamimilit sa kan'ya. Napabuntonghininga na lamang si Mang Gaspar at tinuruon ang mga bata habang kumukumpas kung paano.
"Ni ba ino, Maa?" Turo niya (Paa) "Maa tsa henglish, Noes.(Toes) Nyawa! 'wag nga lang ango, ngase ngindi niyo ango manginninnihan," paliwag niya sa mga bata. ",ngo-ngo ako, eh!" Ngunit umiling ang mga ito.
"Naintindihan ka po namin, Mang Gaspar. Kaya sige na po," tugon ng mga ito. Wala na siyang nagawa.
"Masta nganito." Itinuro niya.
"MAA, NUHOD, MALINGAT, NGULO," kanta ni Mang GASPAR.
(Paa, Tuhod, Balikat, Ulo)
"Tsa, Henglish. MY NOES, MY NGEES, MY NYOULNER, MY NGEAD," kinanta niya pa iyon para sa mga bata.
(MY Toes, MY Knees, My Shoulder, My Head)
In English.
"Nguha niyo mha?" tanong niya sa mga bata.
"Opo, Mang Gaspar! Salamat po!" Yumakap pa ang mga bata sa kan'ya at nagpasalamat. Lihim naman siyang natuwa sa mga bata.
Kinabukasan ay maagang nagising si Rita, wala siyang ibang raket ngayon kung kaya't buong araw siyang mamamalagi sa tindahan niya.
Nagawa na niya ang mga gawain pati ang gamot ng nanay niya ay nahanda niya na rin.
"Nay! Alis na po ako, ha! Kumain po kayo sa tamang oras at 'yong gamot.'Wag niyo pong kalilimutang inumin," bilin nito sa nanay niya.
"Oh, sige. Mag-iingat ka! Oo, hindi ko kalilimutan," tugon naman nito sa anak.
Palabas na si Rita nang makadat'nan niya sa labas ng bahay nila si Mang Gaspar, nakatayo ito at may hawak na box ng pikulo, 'yong paputok.
Madilim siya nitong tinitigan, mukhang nabisto nga siya!
'Tanga mo Rita! Nakita niya 'yong lalagyan.'
"Mangit may nganito nga? Ahaaahh!
Ngikaw nang hangis ngang mamutok ngabang nanunulog hango, no? dudang tanong naman ni Gaspar sa kay Rita.
Ngunit kailangan mag-isip ni Rita na hindi rin siya mabisto kaya mayabang niya rin itong sinagot.
"At bakit mayro'n ka niyan, 'tay? Sigurado ka po bang sa 'kin 'yan?" may kalokohan palusot naman ni Rita. Si Mang Gaspar naman ngayon ang umiwas.
"A-aah.. Ngano ngase! Ngaahhmmn..–"
"Ano 'tay?" Ngising tanong naman ni Rita.
Ngayon, si Mang Gaspar na ang balisa at hindi na siya. Sa utakan lang, hindi rin siya magpapatalo.
Alam niyang muli na naman hinalughog ni Mang Gaspar ang damitan niya upang maghanap ng pera kaya nakita ro'n ni Mang Gaspar ang natira niyang pikulo. Pero sige, pagbibigyan niya ito. Kunwari hindi nito alam para quits silang dalawa.
"Okay! Sige alis na po ako." Akmang aalis na si Rita nang muli siyang bumaling kay Mang Gaspar.
"Sandali, akin na lang 'yan, 'tay, gagamitin niyo po ba 'yan?" tanong naman ni Rita.
"N-ngidi," ani naman ni Mang Gaspar.
Kinuha ni Rita sa kamay nito ang pikulo.
"Ayos! Akin na lang po ito, may papuputakan lang po, ako," aniya.
"Tsino ngaman?"
"Ikaw– Este, 'yong pusa," maang-maagan pa ni Rita. Sinamaan naman siya nang tingin ni Mang Gaspar.
"'Yong pusa kasi ro'n sa tindahan, 'yong mga tinatabi kung mga tirang ulam. Naku!
Kinukuha, kaya sakto itong pikulo dahil takot kasi 'yong pusa sa paputok," saad niya kay Mang Gaspar.
"Ikaw 'ay? Takot ka rin po ba sa paputok?" nainis na si Mang Gaspar kay Rita kaya tinaboy na niya ito.
"Ngumalis ngana nga! Nami mho mang tsinatsabi!" Pasipol-sipol pa na tumalikod paalis si Rita.
'Huli ka balbon! Nakita mo pala 'to sa damitan ko, ah! Sorry na lang dahil hindi na ako mag-iiwan pa ng pera.'
"Mwisit! Nagot nga nalaga, nganganti ango," bulong ni Mang Gaspar.
Magbabalik siyang gumanti kay Rita, kaya ngayon pag-iisipan niya na muna.
Samantala ay kararating lang sa tindahan ni Rita kaya binati naman siya agad ni Rose. "Good morning, friend. Kumusta?"
"Morning, ano pa nga ba ang bago sa umagang 'to sa 'kin? Ito na oh! Kailangang kumita, hindi puwedeng wala," aniya sa kaibigan.
"Oo na! Ito naman masiyadong serious. May chika lang ako sa 'yo!" Kaya binalingan niya naman si Rita.
"Ano?" baka kasi may alam na naman itong raket.
"Dumating 'yong apo ni Madame Paloma, 'yong suki mong Plantita. Dinig ko ay diyan raw muna ito ng mga ilang buwan upang magbakasyon," kuwento ni Rose sa kan'ya.
"Oh! Ano naman ngayon? Mabuti kung mapagkakaperahan 'yan!" walang ganang tugon ni Rita.
"'To naman! Malay natin guwapo 'yon, tapos, wala pang asawa or girlfriend. Eh, 'di maganda," sabi pa ni Rose.
"Wala akong pake!"
Dumating pa ang isang nagpapasakit ng bangs ni Rita si Boy Thermos. Isang ring malakas ang hangin at talagang pinipeste ang araw niya kapag nasa tindahan siya.
Sa araw-araw na ginawa ng mahabaging diyos, ay hindi rin siya tinatantanan ni boy thermos.
Kung ang tatay niya ay adik sa Empi. Ito naman ay adik sa kape at hindi mapahiwalay sa kan'ya ang dalang thermos.
"Good morning, Rita baby," bati nito kay Rita sabay kindat.
"Oo, kanina!" Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Rita.
"Huh? Bakit kanina lang, may nangyari ba?" med'yo nag-alala pa na tanong nito.
"Eh, kasi dumating ka! Utang na loob, boy, 'wag mong sirain ang araw ko, ha!" banas na ani nito kay boy thermos.
"Rita, baby naman! Ang aga-aga mo naman magsungit. Kita mong, hindi ko kayang hindi ka makita sa maghapon. Hindi kumpleto ang araw ko, Rita baby." Napangiwi naman si Rita sa pinagsasabi ni boy thermos.
"Puwes sa 'kin sirang-sira!" singhal niya rito.
"'Pag ikaw, hindi umalis ngayon sa harapan ko!
Ipapaligo ko sa 'yo 'yang laman ng thermos mo!" bulyaw niya't banta kay boy.
"Ngoyy!" Biglang dumating ang tatay ni Rita.. Napalingon sila nang sumigaw ito.
"Anga-anga hingay niyo!" reklamo pa nito.
"A-ah...wala 'yon 'tay! Dinalhan ko lang ng kape si, Rita," magalang na sabi ni boy sa tatay ni Rita.
"Ngano'n mha? Meyon mha?" tanong nito nang makalapit sa dalawa.
"May ngusto nga ma ngay, Ngrita?" Natigilan naman si Rita sa ginagawa at salubong ang kilay nitong tinitigan ang amain.
"Huh? Ah-eh, opo. Ang kaso ay ayaw magpaligaw ni Rita. Pero makakapaghintay naman po, ako," saad naman ni boy rito.
"Ngako! Hangong mahala, nunulungan ngita." Biglang lumiwanag ang mukha ni boy sa sinabi ni Mang Gaspar.
"Tagala ho! Paano?" Ngunit hinila nito si boy sa 'di kalayuan at binulungan.
"Menge munang wampepty! Mimili angong, hempi."