Chapter one:
"Tyrah! San ka pupunta?" tanong ni Chelsea habang hinahabol ako sa hallway.
"Ahhmm... gusto ko muna maglibot, bes. Para magpahangin."
"Sige samahan na kita! Maaga pa naman."
Napatigil kami pareho nung may narinig kaming sigawan sa likod ng garden.
"Eunice! Please wag mo ko iwan! Alam mo namang ikaw lang ang buhay ko!"
"Jace! Tapos na tayo! Ayoko na! Sawang sawa na'ko kasama ka!"
"Lahat naman binibigay ko sayo! Ano pa bang kulang?"
"Seriously?! Tinanong mo pa talaga?! Ang boring mo!"
"Tsk. That's it."
Napatingin kami ni Chelsea sa isa't isa.
"Wait, bes..."
"Shhh! Wag ka maingay. Naririnig mo ba yun?"
"Ay oo... ang drama. May ganyan pala sa totoong buhay?"
"Huy! Wag ka maingay! Baka marinig tayo!"
Lumabas si Jace. Pula yung mata. Galit na galit.
Tapos napatigil siya nung nakita kami.
Ang tagal ng tinginan namin.
"Ah... kayo pala yung mga chismosa." malamig na sabi niya.
"Ah hindi! Nadaan lang kami!" taranta si Chelsea.
Ngumisi si Jace. "Narinig niyo lahat no?"
Tumango ako. Hindi ako makasagot.
Lumapit siya. Amoy mamahalin na pabango.
"Bale wala sa inyo yun?"
"Anong-"
"Kung may makarating kahit isang salita sa iba..."
Tinuro niya kaming dalawa.
"Sisiguraduhin kong magsisisi kayo."
Pagkasabi nun, dumiretso na siya palabas. Iniwan kaming nanginginig.
"Bes... sino yun?" bulong ni Chelsea.
Hindi ko alam.
Pero yung lalaking yun...
siya rin pala yung magiging bangungot ko.
Kriiiinggg!
Napabalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis.
Panaginip lang.
Pero ramdam ko pa rin yung boses niya.
"Pag may nakaalam... magsisisi kayo."
Grrrr! Kinikilabutan talaga ako sakanya
Si Jace Montenegro.
"Tyrah! Late ka na!" sigaw ni Mommy mula sa baba.
"May delivery, uniform muna yata yun"
Naligo ako ng mabilis.
Skirt, white polo, at yung school blazer na binili namin last month.
Pagbaba ko,nakaprepare na ang breakfast.
"Baon mo." Inabot ni Mommy yung tumbler at sandwich.
"Ingat ka anak. Kaya mo yan."
Tumango ako. Huminga ng malalim.
First day ko bilang scholar sa St. Montessori Academy
Pagdating ko sa school, dalawang mundo pa rin.
Sa kaliwa: BMW, Maybach, naka-chauffeur.
Sa kanan: Ako na nakaangkas at ang iba na nakataxi. At mga naglalakad na student.
Tapos nakita ko siya.
Nakaupo sa Montessori Hall. Naka-Rolex.
Tumingin siya sakin.
Mula ulo hanggang paa.At sa blazer ko.
Ngumisi siya.
"Oh? Yung chismosa kagabi."
Narinig kong bulong nya nung pag daan ko.
Nanlamig ako.
At napatingin sa mata nyang napakalamig ng titig sakin.
Pero bago pa ako matunaw sa kinatatayuan ko
Tumunog na yung bell at dali dali ako sa pag takbo
Hingal na hingal at pawis na pawis ako kakahanap ng room ko
At akmang pag bukas ko ay siyang pagdating din ng guro
Oh, miss Ferrer right? yes maam!
lets get inside.
"Good Morning Class!" morning maam , bati ng mga classmates ko
"Btw Class, we have a new scholar."
"Tyrah Lei Ferrer."
30 na mata. Lahat nakatingin sakin.
Na para bang lalamunin ako ng buhay
"Umupo ka sa likod, miss tyrah." sabi ni Ma'am.
Pagdaan ko, may nag-whisper: "Amoy mahirap."
May tumawa.
Umupo ako sa pinakadulong upuan. Mag-isa.
Tapos may umupo sa tabi ko.
Si Jace.
"Ano ginagawa mo dito?" bulong ko.
"Wala naman." kunwaring nagbabasa siya.
Tapos nag-slide ulit yung papel.
`Basang sisiw. Bagay sayo.`
`Tandaan mo banta ko kagabi.`
Dinurog ko yung papel sa kamay ko.
Nanginginig ako. Sa galit. Sa takot. Sa hiya.
Buong klase, pinagtitinginan kami.
Siya: gwapo, mayaman, hari.
Ako: basang scholar na mukhang haggard pa sa lola mo.
Lunch break.
Bitbit ko yung chicken sandwich at milktea ni Mommy.
Pagpasok ko sa canteen, tatlong babae yung nasa harap ko.
At sa gitna nila... si Eunice Valdez.
Campus queen. Ex ni Jace.
Ngumiti sila sakin. Peke.
Akmang uupo na ako nang biglang...
SPLASSHHH!
Malalamig na milktea. Tumama sa uniform ko.
Basa. Malagkit. Nakakahiya.
"Ooppsss sorry!" tumawa si Eunice. Kunwari pang gulat.
"Hindi kasi kita nakita eh. Ang liit mo kasi."
Napakagat ako sa labi.
Ano ka bulag? Tsk.
Pero pinigil ko sarili ko. Hindi ako nandito para makipag-away.
Akmang tatayo na sana ako nang marinig ko yung boses sa likod ko.
"Can you leave her alone."
Lahat ng ingay sa canteen nawala.
Si Jace.
Nakatayo. Nakasandal. Kamay sa bulsa. Pero yung mata... malamig.
"Jace?" nanlaki mata ni Eunice. "What the hell?"
Hindi siya sumagot kay Eunice. Tumingin lang siya sakin.
Tapos sa isang iglap... binuhat niya ako. Bridal style.
"Hey!" napaigtad ako. "IBABA MO AKO!"
Pero huli na.
lahat ng estudyante nakatingin.
"Wait... diba sila ni Eunice?"
"Oo, baka nag sawa na sakanya si jace."
"Tagal din nila, almost two years."
"Sino yang babaeng yan?"
"Mukhang basahan tsk." may bulong pa.
Napataas kilay ko. Mukhang basahan? Grabe kayoo.
Hindi ako binitawan ni Jace hanggang sa makarating kami sa boys locker room.
"hey! ibaba mo nga ako"
Pagkabukas ng pinto, binagsak niya ako sa sahig.
"Ouch!"
"Sabi mo ibaba kita." ngumisi siya.
Tumayo ako sa inis. "Bakit mo ko dinala dito?!"
Hinagis niya sakin yung white t-shirt niya. Amoy na amoy ko pabango niya.
"Anong gagawin ko dito? Kakainin ko?" asar ko.
"Malamang isuot mo." sabi niya.
"Magbihis ka. Baka magkasakit ka pa."
Napahinto ako.
Nag-aalala siya?
Hindi ako sumagot. Pumasok ako sa CR ng mga boys.
Paglabas ko, lumalangoy ako sa t-shirt niya. Malaki. Hanggang hita ko.
Nakaupo pa rin siya sa bench. Naghihintay.
Tinignan niya ako. Mula ulo hanggang paa.
"Tsk." tumayo siya. "Bagay."
Lumapit siya. Inayos yung kwelyo ng t-shirt na suot ko.
Sa sobrang lapit dun ko lang sya natitigan, ang gwapo pala talaga nya .
Matangos yung ilong, mapungay ang mga mata at medyo makapal ang kila at may napakanipis at napaka pulang labi
"Pinagnanasaan muna bako nyan."
Napaigtad ako sa gulat ko at muntik na maglapat ang mga labi namin
"Clumsy. tsk"
salubong ang kilay at bakas din ang pagkagulat nya sa biglang pag angat ko ng tingin.
"Tara na . Hatid na kita'
Iniwan niya akong tulala.
Nababalot pa rin sa amoy niya... at sa gulo na kakaharapin ko bukas.
Kinabukasan. Maaga akong pumasok.
Sinadya ko. Ayokong magkabunggo kami ni Jace.
Bitbit ko yung white t-shirt niya. Nilabhan ko kagabi. Amoy downy pa.
6:30AM. Wala pang tao.
Tahimik. Sakto. Mababalik ko agad yung t-shirt.
Diretso ako sa boys locker room.
Kabado. Pero kailangan.
Pagbukas ko ng locker niya...
Napahinto ako.
Puno.
Punong-puno ng sulat, chocolates, at mga paper bag galing sa mga sikat na brands.
Lahat may pangalan: `To: Jace Montenegro`
Napabuntong-hininga ako. Sikat na sikat ka talaga no? sana all nalang talaga
Dinampot ko yung isang pink na envelope. Hindi ko sinasadya pero curious ako kaya binasa ko.
"Dear Jace,
Sana payagan mo akong manligaw.
Gagawin ko lahat para mapasaya kita.
- From your secret admirer"
Tumaas kilay ko. *What the hell?*
*Babae pa talaga manliligaw? Santo ka ba?*
Inirapan ko yung locker. Binalik ko yung letter.
Saktong pagkasara ko ay may bumulong sa tenga ko...
"So, nangingialam ka na ngayon sa gamit ko?"
Mainit na hininga sa tenga ko.
"AH!" Napatalon ako. At napaharap sabay sandal sa locker.
Si Jace.
Ang lapit. Amoy mint at pabango niya.
Naka-P.E uniform. Kakadating lang siguro.
"A-Ahmm..." pamumula ko. "Ibinabalik ko lang yung t-shirt mo."
Tumingin siya sa kamay ko. Dun sa naka-plastic na t-shirt.
"Tsk. Kita ko nga."
Isang hakbang pa siya.
Hanggang sa wala na kong matakbuhan. Nakakulong na ko sa pagitan ng braso niya at ng locker.
Tinitigan niya ako. Mula mata, hanggang labi, pabalik sa mata.
Tapos bigla siyang ngumiti. Yung hindi ko pa nakikita.
"Maganda ka rin pala."
"Ano?" halos hindi ko na marinig sarili ko.
Sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Hindi siya sumagot.
Hinawakan niya yung baba ko. Dahan-dahan.
At hinalikan niya ako.
Isang beses lang. Pero mabagal.
Malambot. Mainit.
Pagbitaw niya, tumawa siya. Mahina.
"Good morning, Tyrah."
Tapos tumalikod. Umalis. Parang walang nangyari.
Naiwan akong nakadikit sa locker.
Tulala sa hangin
Hinahawakan yung labi ko. Hindi makagalaw.
"Ahhhh..."
FIRST KISS KO YUN.
Pero bakit ang lambot?
Bakit ang init?
Napaupo ako sa sahig.
Nababaliw na ko.
At siya? Chill lang na lumabas.
At dun ko nakita na nasa pinto pala si Eunice at ang talim ng tingin sakin