Hindi naman naintindihan ni Argus ang kanyang naramdaman nang makitang sumisid na si Emang sa ilalim. Hangga't sa nagtaka nalang sila na di na nila ito makita. Para bang hinila lamang ito papuntang ilalim. Hindi mapakali ang binata, pinasama pa naman siya ni Shahara upang magtagumpay si Emang sa mission nito kaya dapat ay di niya ito hinayaang mag-isa sa ilalim. Paano kung di nito kaya sa ilalim at ito'y makainom ng maraming tubig? at kung may mga problema sa ilalim ng sinisid nito ay di niya ito matutulongan agad! " Argus?? anong iniisip mo?" Tanong pa ni Sofia rito. Napatingin si Argus rito. " Sofia, patawad, pero di ko pweding hayaan si Emang sa ilalim. Kaya kailangan ko siyang sundan ! maging ako ay di ko alam kung ano ba talagang bagay na kukunin nito sa ilalim. Ang pagkakaalam ko

