Napatitig si Emang ng maigi sa munting ilog na iyon, may si kalakihang bukal sa ibabaw nito at bumabagsak ang tubig nito sa nasambit na ilog na may mahika. Parang gusto na yata niyang tumalon agad, maiksing short lamang suot niya at t-shirt na manipis dahil hinubad niya kanina ang kanyang jacket at pajama bago siya tumalon sa mahiwagang ilog kung saan niya iniwan sina Argus at Sofia. Hinimas muna ni Emang ang kanyang mukha. " Paalam Emang, ang mukhang ito ay dulot lamang sa itim na mahikang ibinuhos ng aking inang Rayna upang ako'y itago mula sa kaaway, at ngayon.. babalik na talaga ako sa totoo at tunay kong anyo bilang isang princesa ng mga diwata. " Sabi pa niya sa kanyang sarili. Napaluha siya, hindi na siya kailan man makikita ng mga tao at ng mga kakilala bilang si Emang dahil m

