Hindi na niya pinakinggan pa si Argus at bumangon agad siya mula sa pagkakahiga niya at tiningnan ang mutya kanina sa maliit na box na kristal. Nakita niyang hindi na ito kumikinang tulad kanina. At ngayon niya lang napansin na kulay itim pala at hugis bilog ang mutyang ito. At nangingintab iyon sa kinis. Nilapitan niya ito at tinitigan sa loob ng box na iyon. " Shahara, sinubukan kong kunin ang mutyang iyan kanina, ngunit di ko kayang kunin dahil sa sobrang init nito." Sabi ng binata sa kanya. " Ang pagkakaalam ko Argus ay di siya pweding makuha ng iba, kahit nga ang aking mga kalahi ay di nila ito mahawakan dahil tanging ako lamang ang makalahawak nito, kaya iyon ang dahilan kung bakit ako talaga dapat na sumuong sa missiong ito. Nandito kasi sa akin ang singsing ng mga diwatang unan

