Nasaktan naman si Argus sa mga sinasabi ni Shahara. Kaya mas pinili niyang manahimik nalang sabay napabuntong-hiningang nakatingin lang sa dalaga. Muling nag-iisip si Shahara kung anong gagawin niya upang madedetect ang nasabing mutyang may malakas na kapangyarihan na nasa palasyong iyon. At nang bigla naman siyang may naisip na kailangan niyang mag concentrate gamit sa isip niya ang kanyang suot na singsing. " Tama, alam ko na Argus!" Sabi niya sa binata. At nawaglit naman ang lungkot sa mukha ng binata at natutuwa na rin sa kanyang sinasabi. " Oh sige Shahara, basta nandito lang kami, susuportahan ka namin ni Sofia, diba Sofia?" Untag pang tanong ng binata sa isa na nasa likuran din nito. " Y-yes, susuportahan ko si Shahara, dahil kaibigan na yung tingin ko sa kanya ngayon." Sabi

