NAMUMUHI siya sa mga kabit. Kulang na lang ay isuka niya dahil sa pandidiri sa mga ito pero ang ginagawa ngayon ni Ivann ay para niyang kinakain ang lahat ng kanyang sinabi. Nang malaman niyang kabit si Candice ay hindi niya yun matanggap lalo na at mataas ang tingin niya sa babae. Iba kasi ito sa mga babaeng nakilala niya. Pakiramdam niya ay nasaktan ang kanyang puso. Nagkaroon siya ng panghihinayang para sa babae. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi ito ang tipo ng babae na dapat pinag-aaksayahan ng oras pero nandito siya ngayon sa silid ng babae. Yakap-yakap ito ng mahigpit na tila ba ayaw niyang pakawalan. Takot na takot siyang may mangyaring masama sa babae. Nasa mga bisig niya ngayon ang isang babaeng kabit. Maging ang kanyang buhay at trabaho ay nilagay niya sa alanganin para sa

