"HINDI mo naman kasi kailangan na akuin ang trabaho na gusto ni Vanessa. Kaya kong protektahan ang sarili ko," sagot ko pa kay Ivann. "Dahil sa ginawa mong 'yan ay maiipit ka lamang sa sitwasyon lalo na kung hindi mo naman ako papatayin," wika niya pa kay Ivann. "Bakit parang kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa na gusto kong iligtas ka?" tanong sa kanya ni Ivann. "Ako naman ang pakinggan mo Ivann. Kaya gusto kong 'wag kang lumapit sa akin dahil ayokong sayo mabaling ang galit ni Frank. Seloso siya. Mabuti nga at wala akong bodyguard ngayon dahil kung nagkataon ay hindi pwede ang lahat ng ito. I'm thankful na gusto mo akong iligtas pero ano ang gagawin natin? May plano ka ba?" "Sorry kung hindi ako nag-isip na at inako na lang ang trabaho na patayin ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi.

