OKAY lang kay Candice na isa lang ang kanyang bodyguard lalo na at kinuha ni Frank ang kanyang mga bodyguard dahil kailangan daw nito. Isa pa ang bilin sa kanya ni Ivann na dapat ay may bodyguard siya kaya kahit isa ay pumayag na rin siya. Nangako naman si Frank na kukuha ito ng ibang bodyguard para sa kanya lalo na ngayon na kailangan niya mag doble ingat. Kahit ayaw niya na may sumusunod sa kanya ay wala rin naman siyang magawa. Sapat na siguro ang isang bodyguard sa kanya dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay. "Mamaya ay tatawag ako sayo kung darating na ang bago mong bodyguard. Huwag kang magpapapasok ng ibang tao diyan hangga't hindi ako tumatawag okay?" bilin pa ni Frank sa kanya. Nasa kabilang linya ito at tinawagan lamang siya. "Tumawag na ako sa agency at nagrequest ako n

