PINAYAGAN si Candice ni Frank na dalawin niya ang kanyang ama sa kulungan pero may kasama siyang bodyguard. Sa ngayon ay pabor naman sa kanya ang kanyang mga bodyguards lalo na at wala na siyang tiwala kay Vanessa. Mabuti na ang maging maingat siya dahil paano naman kung hindi lang si Ivann ang inutusan na patayin siya? Maraming posibleng mangyari lalo na at mapera si Vanessa. Lahat ay kaya nitong gawin. Naiwan ang mga apat niyang bodyguards sa labas habang siya ay tuloy-tuloy na pumasok sa loob kung saan naghihintay ang mga bisita ng mga nakakulong. Naghintau lamang siya na tawagin ang kanyang ama. May dala rin siyang pagkain para dito at ilang pangangailangan nito. "Candice," tinit iyon ng kanyang ama kaya napalingon siya. Nakita niya ang malaking pagpayat ng ama. Ang bigote nito ay l

