NANG marinig ni Ivann ang mga sigawan sa loob ng bahay ay nataranta na sya at gusto niyang pumasok upang protektahan si Candice pero hindi niya magawa. Hindi pwedeng magpahalata siya sa kanyang mga kasama dahil tiyak na magtataka ang mga ito lalo na at bago pa lamang siya...Pikit mata niyang pinapakinggan na lamang ang bawat sigaw na kanyang naririnig. Ang kabog ng kanyang dibdib sa tuwing na sumisigaw si Frank ay ganun na lamang. Pakiramdam niya ay sinasaktan nito si Candice. Malakas ang kutob niyang sinasaktan na nito ang babae. Naririnig niya naman ang ganting sigaw ng babae pero hindi pa rin siya makampante. Lalaki pa rin si Frank at malakas. Hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ni Frank. “Huwag tayong makialam diyan sa kanila…Masanay na lang tayo sa pag-aaway nila. Isa pa hindi

