HINDI na nakapagtimpi pa si Ivann at tuloy-tuloy niyang sinuntok ang mukha ni Frank pagkatapos niya itong paupuin sa toilet bowl. Hindi nito magawang gumanti dahil wala rin naman itong malay. Pinagsamantalahan niya na tulog ang lalaki. Wala itong kalaban-laban sa kanyang ginagawa. Ang dugo sa mukha nito ay tuloy-tuloy ang pag-agos pero bago niya ginawa ang krimen ay nagsuot siya ng gloves upang walang fingerprints na pwedeng maiugnay sa kanya. Sa tingin niya ay tama lang ang kanyang ginawa lalo na sa sobrang kasamaan ni Frank. Hindi ito tao. Kahit nga ang patayin niya ito ay kulang pa rin. Walang kabayaran ang kasamaan nito kay Candice. Hindi pa rin siya makuntento sa kanyang ginawa kung kaya nilabas niya ang kanyang dalang hunting knife. Hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis niyan

