bc

The 15 Years Age Gap

book_age18+
30.3K
FOLLOW
141.0K
READ
family
love after marriage
age gap
drama
sweet
bold
childhood crush
sassy
intersex
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Blurb

A story of Thaddeus Johnson Alvaro and Raquella Maurine Roseville.

Rocky was madly deeply in love with the man who only sees her as a little sister. Kaya naman nagpursigi siyang ligawan si Thaddeus at syempre layunin niyang makuha ang matamis nitong "Oo" will she win his heart or will lost herself loving the man who can't be hers?

Thaddeus Johnson Alvaro. An only son. Sa edad na tatlongpo't tatlo, halos araw-araw nang ipinagtutulakan ng Ina si Thaddeus na mag-asawa. Kaya, sa sobrang pagka-inip ng ina, ito na mismo ang naghanap ng babaeng pakakasalan niya.

Ang problema, sa dami ng pwedeng ireto ng ina, ang anak pa ng best friend nitong yumao ang napili. At ang masaklap, desi-otso anyos lang ang babae, kaka-debut nga lang eh.

Sumasakit na nga ang ulo niya sa tambak na trabahong kaharap araw-araw. Idagdag pa ang isang pasaway. Kasalanan niya rin, nalulong kasi siya-hindi sa bisyo kundi sa trabaho.

Ngayon, paano ba niya haharapin ang panibagong problema, kung ang babae ay sobrang in love sa kanya? Sa daldal ba naman nito, at palaging ipinagsisigawan ang pagmamahal sa kanya. Tsk! Isip bata nga kasi. Pakiramdam niya'y tumanda siya, lalo. And that's not a good sign, he has to do something. He needs to find a decent woman. Ah, bahala na si batman!

=============

Copyright © 2019 by Ann Collins

All Rights Reserved.

Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without express written permission from the author.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

chap-preview
Free preview
1-Love knows no boundaries, time and limits.
Umangat ang ulo ni Thaddeus ng bumukas ang pintuan ng opisina. Sa anyo pa lamang ng pumasok ay mukhang magkakaroon na naman ng gyera. Binitawan niya ang papepeles at humarap sa babae. Nakapamewang ito sa harap bitbit ang mamahaling bag. Kumikinang ang palamuti sa tainga, leeg at kamay. Napaka-sopistikada ng dating sa kabila ng edad. Isinandal niya ang likod sa swivel chair. Crossing his thighs and praying to be free from a disaster. "What are you doing here, 'Ma?" Tumaas ang isang kilay ng Ina sa kanyang tanong. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Thaddeus. You have to get married, soon. At may napili na akong babae para sa'yo. Si Raquella-" "Ma!" Napatayo siya sa pagkaka-upo. "Don't me, Thaddeus. 'Wag mo akong mina-ma-ma. Jusko namang bata ka, nalampasan mo na ang kalendaryo at heto ka pa rin? Mag-isa? Baka mamaya niyan binggohan na ang malamapsan mo. Hindi pwede iyan, hijo. Kailangan mo na talagang magpakasal sa ayaw mo at gusto!" "Raquelella is a minor, 'Ma!" "Hey! Anong minor ang pinagsasabi mo diyan? 18 na iyong tao. Dalaga na, at pwede niyo na ako bigyan ng apo, ora mismo." Kinikilig na sambit ng ginang pagkabanggit sa apo. Sinapo ni Thaddeus ang noo. "Ma, ako ang maghahanap ng babaeng pakakasalan ko, hindi 'yang irereto mo na nga lang ako sa isang bata pa." Pinaningkitan siya ng ginang. "Tumigil ka Thaddeus. Noon mo pa iyan sinasabi, pero hanggang ngayon 33 years old ka na. Wala pa rin! At saka, ano ngayon kung magkalayo ang eded ninyo ni Raquella? Kailan pa naging basihan ang edad para sa dalawang taong nagmamahalan? Hijo, age doesn't matter it is just a number. And love knows no boundaries, time and limits." Bumuga siya ng mabigat na paghinga. Binalingan ang ina na may pigil na pigil na inis. "I will find my bride soon, makikilala ninyo siya." "Hmp! Don't tell me na basta ka na lamang mamumulot o magbabayad ng babae diyan sa tabi-tabi? No! No! No, Thaddeus! Kasalanan talaga ito ng daddy mo. Kung hindi ka ba naman iminulat sa maagang pagpapatakbo ng kompanya. Dihin sana'y noon ka pa nakapag-asawa. Hindi iyang, niluloblob mo ang sarili mo sa trabaho. Hijo naman, nag-iisa ka lang. Pagbigyan mo naman ang mama mo. Matanda na kami ng papa mo at malungkot ang bahay. Gusto naman namin magkaroon ng ingay sa bahay. Hindi iyong puro tahol na lang ng aso. Nakakarindi na!" Nilapitan niya ang ina. Hinawakan sa magkabilang balikat at pina-upo. "You're still young and beautiful, mother. Don't worry, bibigyan ko kayo ng apo ni dad." Lumiwanag ang anyo ng mukha ng ina. "Really, son? So, payag ka ng pakasalan si Raquella?" "'Ma..." umungol siya bilang protesta. "Sige na, hijo. Pagbigyan mo na si mama." Paglalambing nito. "You're not getting any younger, masasayang ang panahon kapag naghanap ka pa na kung tutuusin, andyan naman si Raquella. She's madly in love with you at madaling matutunan mahalin ang batang iyon." Hinawakan niya ang ulo at inalog. Batid niya hindi siya titigilan ng ina. Kukulitin at kukulitin pa rin siya nito. Raquella- is only 18 years old. Kaka-debut lang ng bata. Tiyak na sasakit lang ang ulo niya sa babaeng 'yon dahil sunod sa layaw. Kahit anong gustuhin ay hindi pwedeng hindi makuha. Makulit, madaldal, maingay at party goer. Paano ba nagustuhan ng ina ang ganoong babae para sa kanya? Hays! Mukhang wala na siyang lusot sa ina. "Ano na, hijo? Yes? Payag ka na?" "Let me think of it first, 'Ma." Sumimangot ang ginang. Halatang hindi nagustuhan ang kanyang sagot. "Basta, whether you like it or not, si Raquella ang papakasalan mo." "Ma, sinabi ko naman na pag-iisipan ko. Mas maraming babae diyan na kasing edad ko o di kaya ay mas matured kaysa kay Raquella. Give me a time, may nililigawan naman ako, malapit ko na iyong mapasagot." Tumaas ang kilay ng ina. "Whoever she is, she's a fool. Nagpapakipot lang iyan. Sige na, aalis na ako. Ganyan ka naman palagi! Hindi mo ako mapagbigyan." Anito na nangongonsensya. "Mama naman..." "Hmp! Ewan ko sa'yong bata ka. Siya, sige ako'y aalis na. Hinihintay na ako ng mga amega ko." Inakbayan niya ang ina. Hinalikan sa pisngi at hinatid palabas ng opisina. Pupunta na naman ito sa majongan. Samantala ang ama ay kasama ang mga amego sa golf court. At siya? Heto, dito sa opisina, nakakulong kasama ang tambak na trabaho araw-araw. Bilang nag-iisang anak, nakaatas sa balikat niya ang malaking responsibilidad. Nagkaroon din siya ng ilang karelasyon ngunit hindi nagtatagal dahil nawawalan siya ng oras at panahon sa babae. Palagi siyang naiiwan sa ere. Walang may nakakaintindi sa kanya. He had 5 years of relationship, na akala niya noon ay sa simbahan na kahahantongan ngunit hindi pala, dahil sa hiwalayan din nagtapos ang lahat. Nakipaghiwalay ang babae dahil puro na lang daw trabaho ang inaatupag niya, paano pa kaya kung kasal na sila? Ganun pa rin ba ito? Maaga kasi nagretero ang ama dahil nagkasakit ito noon ng malubha. Mabuti na lang at naagapan. Wala siyang nagawa kundi saluhin ang maagang pamamahala sa kompanya. Isinara niya nag pinto matapos mawala ng ina sa paningin. Bumalik siya sa harap ng nakatambak na trabaho. Saan ba siya makakahanap ng babae na pwedeng iharap sa magulang? For God's sake! Labing limang taon ang tanda niya kay Raquella. And she's still studying, yet. Ano bang kalukuhan ang pumasok sa utak ng mama at ipapakasal siya sa isang isip bata? Si Raquella ay anak ng best friend ng ina. Ngunit namatay na ito. Kaya naman, parang anak kung ituring ng kanyang ina si Raquella. Mas close pa nga yata ang dalawa kaysa sa kanila na mag-ina. Ipinilig niya ang ulo at hinarap na muli ang trabaho. "WOOOH! Woooh! Yeahh!" Sigawan at hiyawan sa loob ng bar. Dagdagan pa ng dumadagundong na musika. Kahit nakakabingi ang ingay, walang may paki-alam. Hataw na hataw pa rin sa pagsasayaw ang mga tao. "ROCKY, your phone is ringing!" "What? I can't hear you!" "I said your phone is ringing! Kanina pa nag-iingay sa table." Lisa pointed her phone on the table. Nakuha naman agad ni Rocky ang ibig sabihin ng kaibigan. Umiilaw din kasi ang hand phone niya. Umalis siya sa gitna at kinuha iyon sa mesa. "Tita, Marge?" "Hello? Raquella?" Tumakbo palabas ng bar si Rocky dahil hindi sila magkarinigan ng kausap. "Raquella, naririnig mo ba ako? Bakit ang ingay, nasaan ka bang bata ka?" "Tita, Marge. Opo naririnig na kita. Napatawag po kayo?" "Naku, hija! Matutuwa ka sa ibabalita ko." Excited na sabi ng kausap. Naexcite rin tuloy siya. "Really? What is it, tita? Payag na ba ang anak mo na pakasalan ako?" "Yes, tama ka. Pumayag na si Thaddeus na magpakasal kayo." "OMG! Tita! Are you sure? Really? Gooshh! How did you convince him?" "Wala ka yatang tiwala sa tita mo? Ako pa, syempre hindi ako matanggihan ng batang 'yon, lagpas na ng kalendaryo ang edad niya noh!" Humagikhik siya sa sinabi ng Ginang. Halatang sobra ang saya nito sa tono ng boses pa lang. "Teka, nasaan ka ba ngayon? Bakit maingay?" "Ahh-eh-" napakamot siya sa ulo. Paano ba niya sasabihin sa ginang na nasa bar siya sa gitna ng mataas na tirik ng araw. Birthday party ang pinuntahan nila at ginanap sa isang bar na mismong pagmamay-ari ng family ng birthday celebrant. "O, siya. Pagkatapos mo diyan, dumiretso ka rito sa bahay. Marami tayong dapat na pag-usapan." "Alright, tita. I'll see in awhile, I love you, mwah!" Humagikhik ang ginang sa kabilang linya. Parang ina na niya ito kung ituring at ganoon din ang ginang sa kanya. Maaga pa lang ay naulila na siya sa ina. Ang ama at kapatid ay palaging abala sa trabaho. Katunayan, tuwing umaga lamang sila nagkikita-kita sa mesa. Excited na bumalik siya sa loob ng bar. Hinablot ang bag at tumakbo ulit palabas ng lugar. "Hey, Rocky! Where you going? Ang daya mo! Hindi pa tapos ang party." Sigaw ni Lisa nang makita siyang tumakbo. She lift an arm ang wave goodbye to them. "I'm going to see my future, hubby! Invited kayong lahat sa kasal ko!" Balik sigaw nya. Na sinundan ng hiyawan. Tatawa-tawang itinuloy niya ang paglabas. "Ugh! Pano na 'to." Nakalimutan niya. Hindi pala siya nagdadala ng cash. Credit at atm card ang bitbit niya tuwing lalabas. Wala naman siyang kotse na pwedeng sakyan dahil sumakay lamang siya sa mga kaibigan. Hatid sundo din siya ng kanilang driver sa pinapasukang university. Ngayon paano niya masosorpresa ang future hubby, niya? "Ah, bahala na!" Pinara niya ang unang taxi na dumaan. Sinabi niya rito ang address. Excited siya na makita si Thaddeus. Ang mailap na lalaking punterya ng pasaway niyang puso. Ngingiti-ngiting hinaplos niya ang mukha nito sa hand phone. Ginawa niyang wall paper ang binata. Bago pa man makalimutan na wala pala siyang pambayad. Denial niya ang numero ng ama. "Princess?" "Daddy! I miss you." Dinig niya ang paghugot ng malalim na paghinga ng ama. "I miss you, too, baby." Umismid siya sa sinabi ng ama. "Daddy naman! 'Wag niyo nga akong tawagin nang ganyan. Magkaka-baby na rin ako, eh!" "Raquella!" Pagbabanta ng ama. Sinuklian niya iyon ng tawa. "Rocky, dad. Just Rocky." "Where are you? Wala ka bang pasok?" Patay! Kinagat niya ang ibabang labi. Tumikhim muna siya. "Uhm, papunta ako sa office ni Thad, 'wag mo na ako ipasundo kay mang Amboy, dad. Magpapahatid na lang ako kay Thaddeus mamaya." "Kukulitin mo na naman ang kuya mo." She rolled her eyeballs. "Daddy, he is not my kuya, okay? And he will never be. Coz we're not even blood related. He's going to be your future son in law." Pumalatak ang ama. For sure nakatingala na naman ito sa kisame. "That's great, then. But first, you have to learn how to be a woman." "Daddy naman! Lagi na lang kayong kontrabida. Syempre, babae ako kaya nga nagkagusto ako sa lalaki, eh." "That's not what I mean, Rocky. Ang ibig kong sabihin ay matuto kang gumawa ng gawaing bahay. Dahil iba pa rin kung ang babae ay marunong sa loob ng bahay." "Like mom?" Nalungkot siya nang maalala ang ina. "Like your mom." "Alright, dad. I'll think about it. Thank you, daddy. Have to go,now. Bye, I love you." "MA'AM, nandito na po tayo." Saktong naibaba niya ang hand phone. "Manong, ito po ang address ng daddy ko. Nasa office siya ngayon, puntahan niyo siya at singilin sa pamasahe ko." Napakamot sa ulo ang driver. "Ahhh-wait! I'll text him first." Kunwaring kinuha niya ang phone at nagtipa ngunit ang totoo ay wala naman siyang ipinadala na mensahe sa ama. Sunulatan niya ang papel ng 2,000 pesos for taxi fare, kahit 150 lang naman ang dapat na bayaran. Hindi naman iyon ikakalugi ng daddy niya. Barya lang sa tubo ng pera na nasa bangko. Nilagyan niya ng perma para alam ng daddy niya. Alanganing tinanggap iyon ng mamang driver. Nagpasalamat siya at mabilis na umibis. Mahirap na baka magbago ang isip ng lalaki. Baka mapilitan siyang manghiram ng pera kay Thaddeus pagnagkataon. "WOW! Ang gumagwapo kayo kuya Max!" Pambobola niya sa security guard na nasa parking area na nagbabantay. "Good afternoon, ma'am. Naku, salamat po." Sumaludo pa ito. "Napuna nga rin ng misis ko." Dagdag nito na may kasamang tawa. Natatawang ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Dumiretso muna siya sa comfort room para mag-ayos. Nang makontento sa sarili, tinungo nya ang pinaka-pakay. "HI, HONEY!" "s**t!" kamuntikan nang maibuga ni Thaddeus ang iniinom na kape. Mainit pa naman iyon. Kunot noo niyang tinapunan ng tingin ang babaeng bigla na lang gumambala sa tahimik na buhay. Dire-diretso itong umupo sa upuan na nasa harap ng mesa. At ipinag-kros pa ang mga binti. "What brought you here?" "Visiting my fiance." Tuluyang napa-inom ng kape si Thaddeus. "How did you get here? For sure wala kang pamasahe sa taxi." Pag-iiba niya ng usapan. Umingos si Rocky. Palibhasa, alam nito na kahit kailan ay hindi pa siya nakakapagdala ng cash. "Nagtaxi ako noh! Pinapunta ko nga lang sa office ni daddy para siya ang magbayad." Naiiling na humigop muli ng kape si Thaddeus. "You're supposed to be in university. Nag-aaral ng mabuti, hindi kung saan-saan pumupunta." "Whatever! Penge bente, Hon. Bibili ako ng ice cream sa bending machine." Pinakatitigan ni Thaddeus ang dalaga, kung seryoso o nagbibiro lang. "I don't have bills, here." "Hmp! Damot! Bente nga lang, ayaw pa magbigay!" "Ask my secretary." "Ayoko! Gusto ko sa'yo, eh." Parang bata na pag-tantrums ni Raquella. "Brat." Ani Thaddeus. "Penge kasi, bente." anito na may kasamang ingos. Tumayo si Thaddeus at lumabas ng opisina para manghiram ng twenty peso bill sa secretary, para lang tumigil ang bata sa loob ng opisina niya. TBC...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.1K
bc

My Godfather My husband

read
268.8K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
628.1K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

OSCAR

read
224.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook