bc

His Mute Wife (Tagalog)

book_age16+
2.9K
FOLLOW
19.1K
READ
possessive
arranged marriage
inspirational
police
drama
sweet
bxg
city
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Weston loves to be a bachelor. Hindi rin naman kasi siya naghahanap ng babae. Ang kaso, makulit ang ina niya at gusto na siyang mag-asawa tulad ng mga kaibigan niyang may pamilya na. Hanggang sa hindi na siya tumutol sa kagustuhan nito at naisip na seryosohin na ang kasal na mangyayari.

Dumating ang inaabangan niya, nakilala niya ang babaeng magiging asawa niya sa isang iglap. She's undeniably beautiful pero taliwas ito sa mga babaeng nakilala niya, tahimik at hindi siya masyadong pinapansin. Hanggang sa malaman niya ang kalagayan nito.

Sa pag-usbong ng kakaibang nararamdaman ng lalaki para sa asawa. Kaya ba niya talagang sumugal? Mapalambot din kaya ni Weston ang pusong takot magtiwala?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Indie Emerson Humigpit ang yakap ko sa aking bag nang mapansin ang kakaibang titig ng lalaking kaharap ko. Nakasakay ako sa isang pampasaherong jeep ngayon, patungo kasi ako sa mall kung saan gaganapin ang Art Exhibit na pupuntahan ko. Nag-commute lang kasi ako. Umalis kasi sila Mama at Papa, inihatid sila ng driver namin kaya walang pwedeng maghatid sa akin. Pinagalitan pa ako ni Manang kanina kasi sabi niya antayin ko na lang daw na makauwi ang driver pero nagpumilit na ako makaalis. Marunong naman ako mag-commute, hindi lang talaga ako sanay kasi palagi akong hatid sundo ng driver namin. Ayoko pa namang ma-late pero na-stuck na ako sa traffic ngayon. Hindi naman rush hour ngayon, siguro ay lagi talagang traffic dito sa way na dinaanan namin. Punuan ang jeep na nasakyan ko at hindi ako komportable. Nasa pangalawa sa dulo ako. Nakakainis dahil nagiging paranoid na naman ako. Pakiramdam ko ay may biglang papasok sa jeep at gagawing mang-holdap. O 'di kaya may hahablot ng hikaw na suot-suot ko. Iyong nakatabi ko pa kanina ay medyo may amoy kaya nairita ako. Buti na lang ay bumaba na iyon sa may simbahan at may pumalit sa kanya na estudyante. Ang problema ko naman ngayon ay itong Manong na kaharap ko, kanina pa iba ang tingin niya sa akin kaya sobra akong naiilang at 'di mapakali. Ibinaling ko na lang ang tingin sa crochet pouch na hawak ko at pinaglaruan sa kamay ang crochet balls na nakasabit doon. These small round crochets in color acid blue become my stress balls kapag nasa labas ako. Wala naman sigurong mali sa panlabas ko ngayon? I'm wearing a very comfortable outfit for this day, balot na balot nga ako. Wide leg pants, long sleeve knitted top in shade of black and white converse. "Bayad po!" Napaayos ako ng upo at ramdam ko ang pagkagulat ko sa sigaw ng katabi kong babae na nasa kanan. Inabot niya ang bayad, akmang aabutin ko 'yon pero naunahan ako ng lalaking nasa kaliwa na katabi no'ng estudyante. Masyado na ata talagang napaparami ang pag-inom ko ng kape sa umaga. O sadyang nakagugulat lang talaga ang pagsigaw niya. Napatingin ako sa harapan and I saw how the old man smirked because of my reaction. Nanayo ang balahibo ko at mas hinigpitan ang yakap sa mga hawak. His reaction is giving me goosebumps and I don't like it! Why is he like that?! Ayoko talaga kapag tinititigan ako ng ibang tao lalo na kapag hindi ko kakilala. I calmed myself by shutting my eyes tightly and sighing. Hindi ko na lang itinaas muli ang mukha para masalubong ang titig niya. Ilang minuto pa ang lumipas at isinigaw na ng driver ang pangalan ng mall. Mabilis akong umalis sa pagkakaupo at bumaba ng jeep. Maraming jeep ang huminto at nagbabaan ang mga sakay nito. Maraming tao dahil paniguradong papasok ang iba at ang iba ay mamamasyal. Napapitlag ako ng may bumangga sa akin. "Sorry, miss!" sigaw nung lalaki at mabilis na nagpatuloy sa pagtakbo. Napatingin ako sa entrace ng mall at nakitang may pila pa kaya dali-dali akong naglakad para makatawid at umakyat sa hagdan kung saan andoon ng entrance. Dali-dali akong nakipag-unahan sa pila dahil nagtatakbuhan din ang mga kasabayan ko. Late na rin talaga kasi ako! Ilang minuto pa ang itinagal ko sa may entrance dahil napatagal sa pagsusuri ng gamit. Nasa fifth floor ang convention hall, mabilis kong tinakbo ang right wing dahil andoon ang elevator na bihira lang din gamitin ng mga tao. Mostly kasi, papunta sa parking o 'di kaya mga mayayamang tao ang gumagamit nito. Iyon ang napansin ko everytime na papasok ako sa mall na 'to at dito ako sumasakay. Nang makalabas ng elevator ay tumakbo na ako para makarating sa hall at agad na dumiretso sa isang table an andoon for artists. Nakita ko agad si Maya na ngumiti nang makita ako. Kilala ko siya dahil siya lagi ang nasa front desk kapag may events. "Good morning, Indie!" Nginitian ko lang siya at hinabol ang hininga dahil hiningal ako sa pagtakbo ko. Napansin iyon ni Maya kaya bahagya siyang natawa. "Tumakbo ka?" she asked. Tumango ako sa ipinatong sa mesa na nasa harap ang bag ko at saka inabot ang panyo na nasa bulsa no'n para ipamunas sa noo kong nabasa na ng pawis. Maya smiled. "I sent you a text message kaya! Sabi ko kahit huwag ka na magmadali kasi hindi pa naman nagsisimula! Hindi mo nabasa?" aniya. Hindi ko siya sinagot at dali-daling inilapag sa mesa ang hawak na crochet pouch. Binuksan ko ang bag at kinuha ang phone ko. Ini-swipe ko 'yon at napansin na naka-silent pala ang phone ko. Ipinakita ko 'yon kay Maya. "Kaya naman pala! Bakit kasi naka-silent ang phone mo?" tanong pa niya. Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko maalala kung paano naging silent mode ito. Hindi ko naman kasi nagagamit ang phone ko. Kapag may importanteng gagawin lang. Pinasulat na ako ni Maya sa may logbook for the attendance ng mga artist. Inabutan niya ako ng access pass at isinukbit ko 'yon sa leeg ko. Napansin ko na may mga tao na sa loob pero hindi naman sobrang crowded. Muli kong ibinalik sa bag ang phone at isinara ito nang maayos, muling isinabit sa balikat ko at ipinuwesto sa harapan ko. Inabot ko ang crochet pouch ko at inilabas ang laman no'n. Hindi naman 'yon mahuhulog 'yon dahil nakatali rin sa may mismong crochet pouch. Sumenyas ako kay Maya na papasok na ako sa loob at tumango naman siya. Ang malaking hall ay napapaligiran ng mga portraits na nakasabit sa itinayong puting wall. Sa gitna no'n ay may mababang stage na itinayo para sa mini program na inihanda. May mga round wood cocktail table rin sa paligid. May nag-aayos din na catering for the food later. May nag-iikot na waiter for the drinks. This Art Exhibit was sponsored by Art Bar, kung saan ako nagtatrabaho as their painter. May kinuha rin silang iba't ibang art painter to showcase their masterpiece. May magaganap din na auction mamaya kaya magiging masaya ito. Sana mapunta sa magandang offer at kamay ang dalawa kong gawa. Pinilit lang din talaga ako ni Madam Sonya na may-ari ng Art Bar na sumali. Nahiya na lang din ako kaya pumayag na ako. Ayoko pa naman sa maraming tao pero lalakasan ko na lang siguro ang loob ko. "Oh my gosh!" Napapikit ako nang tumama ang kanang bahagi ng katawan ko sa kung ano. Nakarinig pa ako ng malakas na tunog, tanda na may bumagsak sa sahig at isa pang pagtili. Sa pagmulat ay nakita ko ang babae na nakayuko at inaabot ang cellphone niyang nalaglag. Mabilis kong inilapit sa akin ang white board na hawak at binuksan ang takip ng white board marker saka nagsulat, wala na akong pake kung panget man ang kalalabasan no'n. Mabilis kong ipinakita ko 'yon sa babae. "I'm sorry po! Hindi ko sinasadya!" Halatang nagulat siya sa ipinakita ko at napakurap pa siya. Kalaunan ay tumikhim siya at ngumiti sa akin. "Uh, it's okay!" aniya, ipinakita niya ang phone niya sa akin. "Wala namang basag!" Kinakabahan na tumango ako at tiningnan mabuti ang phone niya. Wala iyong basag. s**t, kinabahan ako ro'n ha! Mabilis na nagpaalam sa akin ang babae at naiwan ako sa kinatatayuan. Pinunasan ko ang hawak na white board gamit ang sleeve ng suot ko, itim din naman 'to kaya 'di mahahalata. Ibinalik ko rin ang takip ng marker ko, nang matapos ay muli akong humakbang pero agad din na napatigil nang makarinig ng kung ano. "Pipi pala siya." "Oo nga!" Nasundan pa iyon ng paghagikgik. "Maganda siya pero pipi pala." "Sayang." Naging biglaan ang pagkabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas no'n, pakiramdam ko ay aalis na sa kinalalagyan ang puso ko. Nagpatuloy ako sa paglakad at pumwesto na lang sa isang table doon. Umikot ang mata ko sa paligid at napansin ko na may napapatingin sa akin na agad din nag-iiwas ng tingin. Kinuha ko na lang ang phone ko at doon ibinaling ang atensyon. Their words keep echoing in my mind kahit na ilang minuto na ang nakalilipas. Gusto kong maiyak sa narinig kanina. Dapat sanay na ako pero hindi ko pa rin magawa. Ang lakas talaga ng epekto sa akin. This is the reason why I hate public and crowded places. The reason why I hate people looking or staring at me, 'cause once they got the chance to know my situation... may lalabas sa bibig nila at mostly ay hindi talaga magaganda. Kawawa raw ako kasi hindi ako nakakapagsalita. Malaking sayang o 'di kaya problema ang dulot kasi... kasi Pipi ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook