Indie Emerson Napatingin ako sa paperbag na nasa sofa sa gilid. Mabilis akong lumapit doon at ikinalat ang laman. I pouted my lips when I saw nothing but a pair set of undergarments. Kinuha ko rin ang bag ko at nakitang wala rin gaanong laman, just my crochet pouch kung saan nakalagay ang board and pen ko, wallets, phone and a pouch for my personal hygiene. I didn't bring anything that much, alam ko kasing isang gabi lang ako rito after ng reception, but it didn't happen. I will talk to Weston's mother after this, sana lang talaga hindi niya masamain lahat ng 'yon at pabigyan ako. Gusto ko rin sana magtanong kay Weston ng iba pa tungkol sa nangyari kahapon pero huwag na lang siguro. Inabot ko ang phone ko at nakita na maraming missed calls from unknown numbers. May mga text messages d

