Weston Vega
"Maaga ka raw mag-end ng shift mamaya?" Jonathan asked while giving me the file that I want.
"Yeah," bagot kong sagot.
Sinipat niya ang mukha ko at napakamot sa ulo niya. Kamot nang kamot, may kuto ba siya? "Okay ka lang ba? Nung nakaraang linggo pa masama ang timpla mo bossing ha," aniya.
Hindi ko siya sinagot at pinagtuunan ng pansin ang file na hinihingi ko. I'm assigned to hold a security team for this person named Shane Simpson, 25, top-model, anak siya ng isang kilalang Mayor at kilala ang batang 'to bilang pasaway na anak ni Mayor. The father requested to come up with a security team for his son because of threats that he's receiving for being a bastard. Laman ng night bars, matinik sa mga babae, at gago ang lalaking 'to kaya sakit sa ulo. Nakabuntis daw pero nakunan ang babae dahil ayaw siya pakasalan ng binata. But despite of being a bastard, ang dami pa ring nahuhumaling sa kanya.
Why would they settle for less? I think those girls deserve more than he could give.
"Hindi ako pinansin."
"Huwag mo na kasing kulitin kung bakit tahimik siya."
"May LQ ba sila ng asawa niya?"
"Quarrel lang, walang love. Arranged nga lang daw sila sabi ni Isandro."
"Ay, ang lungkot naman pala ng buhay ni bossing."
Nakarinig pa ako ng tawanan kaya sumama ang tingin ko kay Jonathan at Myles na kung mag-usap ay parang wala lang ako sa harap nila. Natahimik sila bigla at tumakbo palabas ng office ko. Ayokong pumwesto sa office nila dahil ang ingay nila. Wala ako sa mood nitong mga nakaraan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko mainis.
It's been 10 days since that incident Indie encountered, bilang na bilang ko pa 'yong mga araw. Sampung araw ko na siyang hindi nakakausap, mas lumayo ata loob niya at hindi ko alam kung bakit. Umasa ako na pagkatapos ng nangyari sa kanya ay magiging malapit kami pero hindi. Sobrang aga na niya umaalis at hindi ko alam kung saan siya pumupunta.
Nalaman ko pa na nakikipagkita siya kay Mommy for an unknown reason. Hindi naman ako sinasagot ni Mommy at natatawa lang siya. Kaya heto ako at inis na inis na sa mga nangyayari. This is not what I expected to happen. Okay lang naman na maging mailap siya pero huwag naman 'yong parang hindi ako nag-eexist sa buhay niya.
We're married, asawa ko siya. Huwag naman ganito. Iyong frustration ko sa sitwasyon naming dalawa ay tinalo pa ang totoong magkarelasyon. Si Mommy pinapansin niya, ako hindi. Ang unfair 'di ba? Kung natatakot siya, for what? Wala naman akong balak na masama sa kanya. She can trust me.
Hindi ko na tinapos 'yong ginagawa at pinatay ko na agad 'yong working laptop ko. Hinubad ko 'yong jacket iniwan ang shirt kaya kinuha ang susi ng kotse ko. Lumabas ako ng office at nadatnan ang apat na nagtatawanan sa may counter area. Mukhang hindi sila busy.
"Oh, bossing saan ka pupunta?" Myles asked.
"Kung saan wala kayo," mapang-asar kong sambit.
Iniwan ko silang nakanganga at lumabas ng station saka dumiretso sa kotse kong nakapark. Agad akong sumakay at nagmaneho papunta sa Art Bar kung saan siya nagtatrabaho. Sa ilang araw na pag-iwas niya sa akin ay patago ko rin siyang pinupuntahan sa Art Bar, hindi ko siya personal na nakikita kasi may designated area daw for painters at hindi tanaw. Napansin ko na halos karamihan ng abstract painting na nakadisplay ay gawa niya.
The staff helped me to determine Indie's works. Siya raw kasi ang mabenta sa Art Bar at talagang binabalik-balikan ng mga customer. They assisted me because I told them that I'm interested in buying her paintings. On the first day that I went here, tatlo agad ang nabili ko. Sa mga sumunod na araw ay marami pa akong nabili na gawa niya. Hindi ko sinabi kung sino ako kahit na tinatanong nila ang name ko. Gumawa lang ako ng alibi na may nagpapabili lang. Medyo nag-iingat lang ako kapag nagpupunta ro'n dahil baka lumabas siya at makita ako. For the past days, nasa Art Bar ako para sa mga gawa niya.
I was also surprised because the price of her works are all affordable. Iyon din daw kasi ang gustong price ni Indie para mas may bumili. Kapag may personal appointment ay doon na ang mas mahal. Iyong iba ay dinisplay ko na sa kwarto ko at ang iba ay sa security room at sa entertainment room ko. Hindi namna niya makikita dahil hindi naman siya nagpapasok doon.
I've been in a bad mood for the past few days… because of her. I badly want to interact with her. I know that this is just an arranged marriage and we didn't have any solid relationship and communication in the past, but for me this is something that I don't want to slip away. I can be her friend! Kung okay lang sa kanya, sure I can be her friend. Walang problema sa akin.
Nang makarating sa parking area ay natanaw ng mata ko sa katabing passenger seat ang paperbag na ireregalo ko sa pinsan na ikakasal at katabi no'n ang maliit na paperbag kung saan nakalagay ang binili kong singsing a week ago. It's a set of wedding rings that catched my eye.
Kinuha ko iyon at inilabas ang red velvet box, binuksan ko iyon at tumambad ang dalawang singsing na kumikinang. Nang makita ko 'to hindi ako nagdalawang isip na bilhin agad. The two rings are sculptural and elegant, curved band rings siya na may nababalot ng diamonds. Manipis ang sa babae at ang para sa lalaki ay doble ng kapal sa babae.
Kinuha ko ang isa at isinuot sa daliri. Seriously? Ako ba talaga 'to? I've never thought I'd buy something like this. I bought this full payment in cash and not using any of my cards. Eto ang sunod kong pinaggastusan pagkatapos ng sarili kong bahay. Isinuot ko ang singsing sa daliri ko at pinagmasdan ang kamay. It looks good on my hand.
Isinara ko na ang red velvet box at ibinalik sa paperbag saka muling inilagay sa may passenger seat. Pinatay ko na ang makina at lumabas na ng sasakyan. It took me minutes para makarating sa Art Bar. Nakita ko maraming tao na namimili. Pa-lunch time na rin kasi kaya siguro dagsa ang tao, may free time sila. Wala 'yong staff na nag-assist sa akin last time, iba ang mga andito. Pumunta ako sa may side kung nasaan andoon ang mga gawa ni Indie, paliko pa lang ako nang mapahinto ako dahil agad ko siyang nakita.
She was smiling while busy putting canvas on the easel stands. May ladder din sa tabi niya para sa mga ilalagay niya siguro sa dingding. She's also wearing a pink apron and underneath of it is a white long sleeve, may mantsa na rin 'yon. Her short hair was also tied, ang cute lang kasi hindi lahat ng buhok niya ay nasakop ng tali, may mga takas pa na nakakalat. Umakyat siya sa ladder habang hawak ang isang malaking canvas. It was a girl wearing a dress. Nakatalikod ang babae, nakatali ang buhok. Kahit na halo-halo ang kulay ay masasabi kong wedding dress iyon. Base na rin sa buhok no'ng babae at sa kamay nitong may singsing sa daliri.
Mabilis akong naglakad sa pwesto niya dahil napansin kong umuuga ang ladder at medyo nahihirapan siya. Hinawakan ko agad ang gilid ng ladder. "Careful!" Hindi ko na napigilan ang magsalita.
I felt her body stiffened for a while. Halos nakatingala ako dahil sa taas niya. Napatingin siya sa akin na may gulat sa mukha. I remained serious when she looked at me.
"Ilagay mo na, hahawakan ko 'tong ladder para hindi ka malaglag."
She blinked twice then did what I told her. I want to smile at her reaction pero hindi ko ginawa kasi nga naiinis pala ako! Sampung araw niya akong iniwasan! Nang maikabit niya iyon ay mabilis siyang bumaba at humarap sa akin. "What are you doing here?" Senyas niya at luminga pa sa paligid. "Paano kung may makakita sa 'yo?" isa pang senyas. Nakakunot na rin ang noo ko pero namumula ang pisngi niya. Hindi ko tuloy makuha kung naiinis ba siya o ano.
Tumaas ang kilay ko. "Ano naman kung may makakita sa akin? As if I care." Hindi ko na rin maitago ang inis sa boses.
Wala naman akong pake kung may makakita sa akin. Ano naman? This is my life and I can do whatever I want. Kahit hindi niya naman sabihin, ramdam kong nahihiya siya.
Gumalaw ulit ang mga kamay niya. "Ano nga ang ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ko ang asawa ko," I answered in a firm voice.
"Para saan pa? If you're looking after me because of what happened last time, here I am, I'm okay."
I sighed. "I know. I just want us to have lunch together." Iyan na ang lumabas sa bibig ko.
"I'm not hungry," she signed. Nag-iwas pa siya ng tingin.
"Hindi ako naniniwala." Napansin kong may mga customer na naglalakad sa kinaroroonan namin at alam kong may nakakarinig sa amin. "Miss ko na ang asawa ko. Ilang araw kasi kitang hindi nakita," sambit ko sa malakas na tono. Ipinaparinig sa mga nasa paligid.
Nanlaki ang mata ni Indie at inabot ako para takpan ang bibig ko. Natawa ako sa inasta niya at nahawakan siya sa braso dahil nakatip-toed siya at baka mamali ng tapak.
"Huy, Indie! Boyfriend mo?" tanong nung babae na staff ng Art Bar.
Mabilis na umiling si Indie. Napatango naman ako. "Yes, I'm not his boyfriend. Mag-asawa na kasi kami!" Natutuwa kong sabi, itinaas ko pa ang kamay na may singsing sa daliri para ipagmalaki. Nakita kong napatili ang babae na halatang kinilig.
Pinaghahampas ako ni Indie hanggang sa hilahin niya ako, sumunod na lang ako sa kanya. Pinagtitinginan kami hanggang sa ipasok niya ako sa isang silid. Walang tao ro'n, puro gamit para sa pagpipinta ang mga andoon. "Bakit mo naman ginawa 'yon?" namumula ang mukha niya habang sinesenyas iyon.
Napatikhim ako at naipasok na lang ang mga kamay sa bulsa. Bigla rin tuloy akong nahiya. "I don't know?"
"What? Anong you don't know? Baliw ka ba? May singsing ka pa!" Pagkatapos ay hinampas na naman niya ako.
Sumilay na naman ang ngiti sa akin dahil natutuwa ako sa reaksyon niya. Iyong inis ko napalitan ng tuwa dahil nakita ko na siya nang malapitan. Nawala lahat ng pagka-badtrip at pagod ko. Parang nafull charge ang sankatauhan ko.
Ang rupok-rupok ko pagdating sa kanya.
"Asawa naman talaga kita… at saka wala naman sigurong masama kung aayain kita na kumain 'di ba? Walang malisya, lunch lang as a friends," mahina kong paalala sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko. Tumalikod ako para iiwas ng mukha ko at kunwaring nagmasid sa paligid. As a friends my ass! Where did I get those words?
Nakita kong pumunta si Indie sa harap ko pero nakatalikod siya. Hinubad niya ang apron at isinabit sa dingding. Inayos niya 'yong mga gamit sa mesa. May kinalikot siya sa lapag at pagkatapos ay tumayo na. Inayos niya lang yung nasa lapag. Sa pagharap niya ay muli siyang sumenyas.
"Fine!" Parang sasabog na siya sa inis. Gusto ko tuloy mapasuntok sa ere dahil do'n pero pinigilan ko ang sarili. "Basta… Basta huwag mo na lang sila kakausapin kasi baka mamaya kung anu-ano ang ikalat nila."
Napanguso ako. "Okay po, akala ko pa naman huwag kong kakausapin kasi magseselos ka." I laughed. "What the!!" Napangiwi ako nang hagisan niya ako ng paintbrush at sakto iyon sa mukha ko. Buti hindi sa mata sumapol!
Napangisi naman siya. "In your dreams." Senyas pa niya.
I chuckled. "In my dreams you were nice to me. I hope ganun din sa totoong buhay."
Mas sumama ang tingin niya at kinuha ang bag niya mabilis na lumabas, tumatakbo. Sa sobrang casual niya sa akin parang wala lang sa kanya na ilang araw niya akong hindi pinapansin, tapos ako halos sumabog na sa sama ng loob!
"Indie ko! Hintayin mo naman ang gwapo mong asawa!" natatawa kong sambit at saka hinabol siya.