Weston Vega One thing that I love about them is that they value honesty. Whatever the circumstances are hindi 'yon nawawala sa amin nila Isandro. May pagkakataon na nagbibiruan, hindi rin naman kasi nawawala sa amin 'yon but we rarely fight over serious things. Sa babae, wala naman. We mind our own business. Alam namin kung saan kami lulugar, tamang support lang sa mga bagay na gusto namin gawin sa buhay. "Kinabahan ka 'no?" Isandro teased. Napatingin ako kay Indie na kinukuhaan ng litrato ang tatlo. Nang sabihin 'yon kanina ni Isandro ay agad tumakbo sila Jonathan papunta kay Indie at mukhang inaya na magpicture. Ilang minuto na silang andoon at buti na lang ay hindi nahiya si Indie sa tatlo kahit na ang ingay. "You know me, kiddo." Nalukot na naman ang mukha niya sa narinig. "Man

