Indie Emerson Nanlaki ang mata ko nang makita na nagkalat ang acrylic paint sa damit at mukha ni Weston! Nakangiti pa siya habang hawak-hawak 'yong paint brush at nilalapat niya sa canvas. Napatingin ako sa canvas niya at nakitang bahay ang bahay na may bundok sa likod at tubig sa harap ang pinipinta niya. Hindi ko na rin napigilan ang pag-ngiti pagkatapos dahil halatang focus na focus siya sa ginagawa. Nasa Art Bar kami ngayon at sumama talaga siya tulad ng sabi niya nung linggo. He wants to try something new kaya ayan nagpipinta na siya ngayon. He bought painting materials, pwede naman kasi niya gamitin 'yong akin kaso ayaw niya, bili na lang daw siya. Kahit nilagyan ko na siya ng apron ay nalagyan pa rin ‘yong damit niya. May acrylic paint pa siya sa pisngi at sa ilong pati sa noo!

