CHAPTER 1

1116 Words
Nakakatamad na ba talaga ang magmahal? Sya na nga ang minahal mo pero nakuha n'ya pa ang mag.isip ng iba. Ako pa kaya ang laman ng kanyang puso o katulad na rin nang kanyang isipan na may iba nang nilalaman. "Awwttss! It really hurts and your breaking my heart into pieces." Kung s'ya na ang mahal mo ngayon ako na ang kusang lalayo sa'yo. Ito nalang ang bukod tanging paraan na naiisip ko para maibsan ang sakit ng aking nararamdaman. At dahil d'yan mag-alsa balutan na'ko at tuluyan ng aalis sa buhay mo. Kaya ngayon kupkupin n'yo nalang sana ako pati na ang puso ko. Dahil dinaig ko pa ang pulubing nagpapalimos at nangungulila sa kanyang pagmamahal. ******* Sa kagustuhan kung maaliw ang aking sarili niyaya kong kumain ang aking mga staff sa Rider's Verandah at para narin makakain ng libre kay mareng Miles kaso sa bungad palang ng pintuan binulaga na'ko nang isang masakit na eksenang pampelikula. Ang pinakamamahal kong asawa na si Brad, is hugging someone else? "How could he hugged a woman like that? " Sa aking nakita halos magdilim ang aking paligid mabuti nalang at may brasong umalalay sa'kin para ibalik ang aking balanse sa pagtayo dahil muntikan na'kong mabuwal sa aking kinatatayuan. Pagkabalik ng aking katinuan, I opened my eyes slowly, he was still there hugging that woman so tight and he even comforted her who cried out loud while she hugged him too. Gusto ko nang sugurin silang dalawa dahil sa labis na selos at sakit na aking nadarama ngunit para namang ipinako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Nais ko pa sanang panoorin sila ngunit hilam na ng luha ang aking mga mata. Halos sasabog na ang aking dibdib sa sobrang sakit at pighati dahil may iba na bang mahal si Brad? "I left that place with shed of tears and there's no way to go but somewhere else that could ease my painful heart. " Hindi na ako nag-abalang tignan pa kong sino ang lalaking umalalay sa'kin dahil nawala na sa isipan ko ang mga tao sa paligid. Sa sobrang sakit hindi ko na kinayang panoorin silang dalawa kaya linisan ko ang lugar na may hinanakit sa aking puso at tuluyan ng umiiyak sa pighati. Pasakay na'ko sa kotse ng may narinig akong tumatawag sa aking pangalan pero hindi na'ko nag-abala pang lumingon sa takot na baka si Brad ito kaya pinaharurot ko agad ang kotse palabas ng SRC. Sa kalagitnaan ng aking byahe hindi ko na mapigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak kaya tinabi ko muna ang sasakyan para pagbigyan ang aking luha at para na rin makapag-isip ng matino. Pilit kong binabalikan ang mga masasayang alaala namin noon ni Brad pero sa ending sumisiksik pa rin ang huling eksena na aking nakita kanina lamang kaya tumulong muli ang mga luha sa aking mga mata. Sa kagustuhan kong makalayo at makatakas sa isiping iyon kaya pinaandar kong muli ang sasakyan kahit nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luha. Tuloy-tuloy lang ang takbo at halos walang tamang direksyon kaya laking gulat ko ng may marinig akong sunud-sunod na busina ng sasakyan. Tsaka lang bumalik ang aking diwa pero huli na ng kabigin ko ang preno at manibela dahil bumanga ang sasakyan sa isang puno. Akala ko iyon na ang aking katapusan buti nalang at naka-seatbelt ako this time which is unusual thing sa isang katulad kong pasaway na driver. No choice kaya hinayaan ko ng ibangga si chichi sa isang puno just to save myself from death. Dahil sa sobrang lakas ng impact basag ang side mirror, yupi pa ang gilid ng sasakyan at nasa bingit pa ito ng bangin. Isang ihip lang ng hangin tuluyan nang mahuhulog sa matarik at masukal na kagubatan. Lagot na ako nito naibangga ko ang pinakamamahal na baby ni Brad kaya yari ako nito kapag nalaman n'yang nabangga si baby chichi. Agad akong humingi ng rescue kay Myco Gosiaco ang head security ng Src. Nacontact ko rin agad ang number n'ya at mabuti nalang sinagot kaagad ang aking tawag. "Hello Mrs.Crawford napatawag ka anong maipaglilingkod ko sa iyo? " seryosong tanong nito sa kabilang linya. "Totoy..este Myco I need your help, please rescue me here from a very difficult situation. I dont know my whereabouts just go straight from the gate of Src. " nalilito kong sabi sa kanya. "What happened to you Chiza? Bakit ganyan ang boses mo umiiyak ka ba? " sunud-sunod n'yang balik-tanong sa akin. "I'm on my way to Manila but at the middle of my travel, I'm almost hit by a truck. Buti nalang at nakabig ko ang manibela pero huli na kaya bumangga ang kotse ko sa isang puno. Tsaka tulungan mo naman akong ipaayos itong sasakyan malalagot ako nito kay Brad kapag malaman n'ya ang nangyari sa pinakamamahal n'yang sasakyan. " nagmamakaawang sambit ko sa kanya. "Are you insane? Bakit ako ang tinawagan mo dapat si Brad para maayos na kaagad iyan at hindi mo na problemahin pa ang tungkol d'yan. " inis nitong sagot. "Totoy naman kaya nga ikaw ang tinawagan ko dahil ayokong sabihin ito sa kanya. Please tulungan mo nalang ako pero h'wag ka ng marami tanong d'yan dahil ayoko ng investigation sa ngayon. Kunting-kunti nalang baka mahulog na sa bangin itong sinasakyan ko at hindi ako makagalaw. " muli kong pagmakaawa kay Myco. "Alam mo bang inabala mo ako sa aking ginagawa hindi ko pa nga natapos ang problema ko kay Creo dumagdag ka pa sa mga iisipin ko. " litanya nito sa kabilang linya. "Fine! Sorry po sa istorbo at hindi na ako mang-aabala sa inyong lahat lalo na sa pinakamamahal kong asawa. Sana alalahanin n'yo naman ako kapag mawawala na ako nang tuluyan at magdisappear sa mundo. " I ended the call before he reacted. After our tough talks, I felt dizzy & lost of control not to close my eyes. I don't know what happened next but when I opened my eyes it's a different place. Malayo na ito sa bangin na dapat ay aking kinalalagyan oras na bumitaw si chichi at tuluyan nang mahulog sa matarik na bangin. "Pero anong lugar ito? Saan ako napadpad? Sino kaya ang sumagip sa akin? " Nasa loob ako ng isang simpleng kwarto nakahiga at may benda sa aking ulo. Pilit akong bumangon sa aking pagkakahiga mula sa kama. Ngunit muntik pa akong matumba dahil nakaramdam nang pagkahilo at kumikirot din ang sugat sa aking noo. Tumingin ako sa salamin may benda na ang aking ulo. "Gosh! May sumagip sa akin pero sino kaya? Hindi naman ito ang kwarto namin ni Brad at mas lalong wala ako ngayon sa Stallion Riding Club. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD