CHAPTER 2

1170 Words
Hindi mapakali sa loob ng restaurant si Myco habang binabasa ang reports tungkol sa pagkawala ni Reiven Creo Alleje. Nasa malalim itong pag-iisip bago makatanggap ng tawag mula kay Chiza Dela Cruz Crawford, one of the stallion babe and a certified brat wife of Brandon James Crawford. Halos lahat kasi ng nais nito'y ibinibigay naman ng magaling n'yang asawa. Tumawag si Chiza para humingi ng tulong kay Myco pero ayaw naman nitong ipaalam kay Brad dahil gamit pala n'ya ang paborito nitong sasakyan at nabangga pa sa isang puno di kalayuan ng Stallion Riding Club. Nais nitong ayusin ang problema na lingid sa kanyang asawa kaya kay Myco Gosiaco ito humingi ng saklolo at hindi kay Brad. But one thing bothered him most, their last conversation before her call ended. So I decided to call his husband for confirmation about Chiza’s situation but sad to say he's out of coverage at tinawagan ko naman uli si Chiza pero off na ang kanyang cp. Medyo kinabahan na ako at binabagabag ang aking konsensya kaya nagmamadaling inayos ang mga files ko sa mesa at nahagip ng aking mga mata ang file document sa investigation namin kay Creo. Kaya agad kong kinuha ang files para maupdate muna ang mag-asawang Alleje sa status bago ako tuluyan umalis para irescue si Mrs. Crawford. Kaagad kong binayaran ang aking orders at nagmamadaling lumabas ng restaurant para sumunod sa rescuer team. Tinawagan ko ang panganay na kapatid ni Chiza para ipaalam ang nangyari dito dahil hindi macontact si Brad. After our conversation, dumiretso na ako sa site dahil nalocate na ng rescuer team ang kinalalagyan ni Chiza. Hindi maganda ang lagay nito at walang kasiguraduhan kung maiaakyat itong buhay o hindi na. Pagkadating ni Myco sa location kabado na ito dahil medyo malalim ang bangin na kinabagsakan ng sasakyan ni Chiza kaya pala hindi na nya ito macontact nang muli n'ya itong tinawagan. Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Myco habang tinitignan ang mga tauhan n'yang pababa sa bangin. "My God. That woman is really insane! " may bahid nang pag-alala sa mukha ni Myco kaya muli nitong tinawagan si Brad pero out of coverage pa rin ang cellphone n'ya. Kaya si Olympia na lamang ang tinawagan nito para maibalita ang nangyari kay Chiza. Nakita na ang katawan ni Chiza, walang malay, maraming galos at sugat kaya kailangan maiangat agad ang kanyang katawan bago pa ito maubusan ng dugo. Report ng head of rescuer team kay Myco Gosiaco. Dumating na rin sa site ang Medical team ng Stallion Riding Club at pinamunuan ito ni Doc Kester Mondragon na s'yang magbibigay ng first aid treatment. "Ano ang status sa kalagayan ni Chiza? Alam na ba ni Brad ang nangyari sa kanyang asawa? " sunud-sunod na tanong ni Kester pagkalapit kay Myco na naghihintay sa pag-angat ng katawan ni Chiza. "Hindi pa alam ni Brad dahil ayaw ipaalam ni Chiza ang nangyari sa kanya at mas inaalala pa nito ang kalagayan ng sasakyan ni Brad. It’s a miracle if she’s still alive after her car dive at 80ft. down to that cliff. " inis na turan ni Myco "What about her family? Si Reid alam din ba n'ya ang aksidenteng ito? " balik tanong ni Doc Kester. "Hindi pa sa akin lang tumawag ng saklolo si Chiza. Tsaka abala rin si Reid ngayon dahil walang balita pa sa pagkawala ni Creo. " sagot naman ni Myco. "Kamusta na pala ang imbestigasyon n'yo sa kaso? Kidnap for ransom lang ba talaga o may iba pang dahilan ang mga kidnappers? " sunud-sunod na tanong ni Doc Kester. "Wala pang lead pero may mga lumalabas na pwedeng maging anggulo ng krimen. Pinapaimbestigahan ko na rin itong car accident ni Chiza baka makakuha pa ng ibang lead na connection sa k********g case. " pahayag ni Myco. Natigil ang pag-uusap nina Myco at Kester ng mailapag ang stretcher kung saan nakahiga si Chiza. Kaagad itong pinulsuhan ni Kester at sumenyas sa medical team na isakay agad sa nakaabang ambulansya at dadalhin sa pinakamalapit na pagamutan. Lingid sa kaalaman ni Chiza ang pagkikita ng di sinasadya nina Brad at Sheila. Si Sheila ang dating girl companion ni Brad at kasa-kasama n'ya noon sa Stallion Riding Club bago pa sila nagkakilala at ikinasal ni Chiza Dela Cruz Crawford. Kalahating oras ng nakatengga sa Rider’s Verandah si Brad pero wala pa rin ang kliyenteng dapat kausap nito ngayon. Naghihintay pa ng ilang sandali sa kanyang mesa ngunit naagaw ang kanyang pansin mula sa likuran ang babaeng umiiyak habang may kausap sa cellphone. "Ayoko na please kaya tigilan na natin ito. Natatakot na ako baka madamay pa ako oras na malalaman nila ang totoo. Hindi matitigil ang kanilang imbestigasyon hangga't di nila makikita ang bata at makukulong ang mga dumukot. Tandaan mo si Reid Alleje pa ang kinakalaban natin kaya please lang Benj ayokong makulong ibalik na natin ng tahimik ang bata. " Narinig pa n'yang pagmamakaawa ng babae sa kausap nito mula sa kabilang linya. Hindi na makatiis si Brad sa kanyang narinig lalo pa't nabanggit nito si Reid Alleje at ang nawawalang anak na si Reiven Creo Alleje kaya tumayo na s'ya para tingnan kung sino ang babaeng umiiyak sa likurang bahagi ng kanyang upuan. "Shiela?? What are you doing here? Bakit ka umiiyak may problema ka ba? Sino iyong kausap mo kanina? Anong kinalaman mo sa pagkadukot ni Creo? " sunud-sunod na tanong sa kanya ni Brad. Pero hindi sumagot si Sheila sa kanyang mga tanong kaya mas lalong tumindi ang pagdududa sa kanyang isipan na may kinalaman nga ito sa pagkawala ni Creo. "Brad? Kanina ka pa ba d'yan sa aking likuran? " Gulat at may takot sa kanyang mga mata habang di makatingin ng diretso. Hindi pa nakasagot si Brad sa kanyang mga katanungan pero bigla s'yang tumayo at yumakap pa nang mahigpit habang umiiyak. "Tahan na Shiela and let's talk about your problem. " mahinahon pa nitong sabi sa kanya at niyakap din ito just to ease and comfort her for old times sake. "Brad can I trust you about of something? " umiiyak n'yang tanong pero nanatiling nakayakap at nakahilig sa bisig ni Brad. "Yes, I will. " Lumilinga s'ya sa paligid dahil maraming tao kaya hinila ni Sheila palabas ng Rider’s Verandah si Brad at sa bandang likuran sila nag-exit. Nasa labas na silang dalawa kaya malaya na nitong maibuhos lahat nang kanyang damdamin at problema. "Brad.. Sa totoo lang ang sama ko palang tao dahil pumayag ako sa isang krimen na ginawa nila sa tulong ko. " nakayuko n'yang sabi habang umiiyak. "What do you mean by that Sheila? " lumalim ang pagkakunot ng kanyang noo habang tinitigan si Sheila na umiiyak. Sumakay silang dalawa sa sasakyan ni Brad para doon ipagpatuloy ang masinsinan nilang pag-uusap at para na rin matulungan si Sheila tungkol sa kanyang problema. Pero lingid sa kaalaman ni Brad na nakita mismo ni Chiza na magkayakap silang dalawa at iyon ang naging dahilan kung bakit naaksidente ang kanyang asawa at nalagay sa kritikal na kondisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD